28 bahay sa Antique, nasira dahil sa bagyong #EgayPH

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Antique, nasa 28 na bahay sa lalawigan ang nasira dahil sa epekto ng bagyong Egay. Nasa 27 na bahay ang partially damaged habang isang bahay naman ang totally damaged. Sa nasabing numero; 11 ang naitala sa bayan ng Sibalom, 6 sa San Jose kasama… Continue reading 28 bahay sa Antique, nasira dahil sa bagyong #EgayPH

Mga biktima ng sunog sa Mapun, Tawi-Tawi tumanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan

Tumanggap ang mga biktima ng sunog ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan ng Mapun, Tawi-Tawi. Ang nasabing ayuda ay 2 sako ng bigas, P5,000 para sa mga maliit na pinsala, at P15,000 naman ang natanggap ng mga may-ari ng bahay na ganap ang pinsala. Samantala ipinag-utos agad ni Mapun Mayor Suraida F. Muksin ang… Continue reading Mga biktima ng sunog sa Mapun, Tawi-Tawi tumanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan

Higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga City

Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sangali, lungsod ng Zamboanga kahapon. Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 ang nahuling suspek bilang si alyas “Uttoh/Nadz”. Nakumpiska mula sa nasabing suspek ang humigit kumilang sa 100 gramo ng shabu… Continue reading Higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga City

Motorbanca na lumubog sa Surigao City, 11 pasahero nailigtas ng PCG

Labing-isang (11) pasahero ng lumubog na motorbanca sa karagatan ng Day-asan, Surigao City ang nailigtas ng Coast Guard District Northeastern Mindanao kahapon. Batay sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, bandang alas-3:00 ng hapon nang umalis ang MBCA mula sa isang floating resort sa Day-asan at patungo na sa Surigao City nang sumadsad sa mababaw na… Continue reading Motorbanca na lumubog sa Surigao City, 11 pasahero nailigtas ng PCG

Police Regional Office 7 nagpaalala sa “No Permit, No Rally Policy” kaugnay ng SONA 2023 ngayong Lunes

Muling ipinaalala ng Police Regional Office dito sa Central Visayas ang polisiya na kailangang kumuha ng permit ang sinumang grupong magsasagawa ng aktibidad sa kalsada, kaugnay ng nalalapit na ikalawang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Sa isang statement na nailathala sa opisyal na Facebook page ng Police Regional… Continue reading Police Regional Office 7 nagpaalala sa “No Permit, No Rally Policy” kaugnay ng SONA 2023 ngayong Lunes

Full deployment ng mga pulis sa SONA, gagawin mamayang madaling araw; NCRPO Chief nagsasagawa na rin ng inspeksyon

Alas-3:00 mamayang madaling araw, ipatutupad na ng Quezon City Police District (QCPD) ang full deployment ng mga pulis para sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay QCPD Station 3 Commander Lt. Col. Morgan Aguilar na nakabase sa STU Sandigan, kasama na rin sa deployment ang iba pang augmentation support mula sa ibang… Continue reading Full deployment ng mga pulis sa SONA, gagawin mamayang madaling araw; NCRPO Chief nagsasagawa na rin ng inspeksyon

Bacnotan LGU, naghahanda sa posibleng epekto ng bagyong #EgayPH

Nagpapatuloy ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Bacnotan, La Union para sa posibleng epekto ng bagyong Egay. Nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at sila’y nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment. Nakibahagi sa pagpupulong si Vice Mayor Francis Fontanilla bilang kinatawan ni Mayor Divine Fontanilla. Pinangunahan ito ni Municipal Disaster Risk… Continue reading Bacnotan LGU, naghahanda sa posibleng epekto ng bagyong #EgayPH

P120 billion, agad ipinapakalap ni Speaker Romualdez para sa MUP pension

Inatasan na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Committee on Appropriations at Ways and Means Committee na agad mangalap ng P120 billion ngayong taon para sa pension fund ng military and uniformed personnel (MUP). Ayon kay Speaker Romualdez kailangan ng P3.6 trillion ng gobyerno sa susunod na 30 taon para matugunan ang problema sa… Continue reading P120 billion, agad ipinapakalap ni Speaker Romualdez para sa MUP pension

PCG, naka-heightened alert na bukas

Simula bukas, itataas na sa heightened alert ang status ng Philippine Coast Guard sa National Capital Region, Central Luzon, Northeastern Luzon, Northwestern Luzon, Southern Tagalog, at Bicol. Ayon kay PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu, ito ay upang makatulong sa payapa at ligtas na SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sasabayan ng tatlong… Continue reading PCG, naka-heightened alert na bukas

DHSUD at BCDA, planong magtayo ng 500k housing units sa New Clark City

Iminungkahi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pagtatayo ng 500,000 housing units sa loob ng New Clark City sa Tarlac sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program. Kapag ganap nang madevelop ang lugar, asahan nang maging tahanan ito ng 1.2 milyong Pilipino. Sang-ayon naman sa proyekto sina Bases… Continue reading DHSUD at BCDA, planong magtayo ng 500k housing units sa New Clark City