“Magnificent 7”, hindi makikiisa sa tigil-pasada na ikakasa sa July 24 – 26

Hindi makikiisa sa tigil-pasadaang Magnificent 7 na binubuo ng mga transport group operators na ikakasa sa simula sa araw ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa July 24 hanggang July 26. Ito ang naging pahayag ng grupo sa kanilang naging pagpupulong kasama si Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Acting Chairman Atty. Don… Continue reading “Magnificent 7”, hindi makikiisa sa tigil-pasada na ikakasa sa July 24 – 26

DA at BOC, nakakumpiska pa ng P2.8 M smuggled frozen meat sa Bulacan

Karagdagan pang 14,000 kilo ng smuggled frozen agricultural goods na nagkakahalaga ng P2.8 milyon ang nasabat sa Meycauayan, Bulacan. Nadiskubre ito sa isinagawang follow-up joint inspection ng Department of Agriculture, Bureau of Customs, NMIS at iba pang law enforcement agencies sa isang warehouse na umano’y nag-ooperate nang walang business permit. Dalawang makeshift cold storage container… Continue reading DA at BOC, nakakumpiska pa ng P2.8 M smuggled frozen meat sa Bulacan

Rizal Provincial Government, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Antipolo City

Namahagi ng tulong ang Rizal Provincial Government sa mga biktima ng landslide sa Vista Grande, Barangay Sta. Cruz, Antipolo City. Pinangunahan ng mga opisyal ng Rizal Provincial Government at barangay ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente ngayong hapon. Kabilang sa ipinamigay ang food packs, hygiene kits, tig-P3,000 financial assistance, at P5,000 burial assistance… Continue reading Rizal Provincial Government, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Antipolo City

86 anyos na lolo sa Catanduanes, nagtapos sa ALS

Pinatunayan ng 86-anyos na si Jose Timajo Rojas na walang pinipiling edad para makapagtapos ng pag-aaral. Si Lolo Jose na isang magsasaka mula sa barangay San Roque, Bato, Catanduanes ay nagtapos ng Junior High School sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ng DepEd sa Bato Central Elementary School nitong Hulyo 14. Si Lolo Jose… Continue reading 86 anyos na lolo sa Catanduanes, nagtapos sa ALS

Agno MDRRMO, nagsagawa ng debris clearing sa Balincaguing River

Nagsagawa ng debris clearing ang Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) Agno, Pangasinan sa Balincaguing River upang maalis ang mga debris na inanod ng ilog dahil sa bagyong Dodong. Ayun sa Agno MDRRMO, kadikit na ng Ilog Balincaguing ang pagiging catch basin ng mga debris na inaanod kapag nagkakaroon ng malalakas na pag-ulan.… Continue reading Agno MDRRMO, nagsagawa ng debris clearing sa Balincaguing River

Tatlong PDL sa Canlaon City, Negros Oriental nagtapos sa senior high school

Hindi naging hadlang para sa tatlong Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kanilang kalagayan upang matagumpay na makamit ang kanilang senior high school diploma. Ito ay matapos na napagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology at Department of Education sa siyudad ng Canlaon, Negros Oriental na maitawid ng tatlong mga PDL ang kanilang pag-aaral… Continue reading Tatlong PDL sa Canlaon City, Negros Oriental nagtapos sa senior high school

28 koponan, maglalaban-laban sa 1st International Dragon Boat Festival

1st Dapa Siargao International Dragon Boat Festival, opisyal nang sinimulan kahapon ng Sabado, July 15, 2023. Ang seremonya ay isinagawa sa Sunrise Boulevard sa Brgy. Poblacion, Dapa, Siargao Island, Surigao del Norte Isa sa nga pangunahing bisita si Presidential Son William Vincent ‘Vinny’ A. Marcos, na nagpaabot ng pagbati sa 28 participating teams. “To all… Continue reading 28 koponan, maglalaban-laban sa 1st International Dragon Boat Festival

“Kadiwa Ng Pangulo”, bubuksan sa Navotas City bukas

Dadayo bukas sa lungsod ng Navotas ang”Kadiwa ng Pangulo” (KNP) upang maghatid ng mga murang pagkain at iba pang produkto sa abot-kayang presyo. Sa abiso ng Navotas LGU, magbubukas ang Kadiwa Ng Pangulo sa Navotas Central Park sa City Hall compound mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Maraming pagpipilian ang publiko ng mga… Continue reading “Kadiwa Ng Pangulo”, bubuksan sa Navotas City bukas

Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Isa pa ang namatay sa sakit na dengue sa lungsod Quezon. Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ang bagong kaso ng nasawi ay mula sa Barangay Sto Domingo sa District 1. Base sa tala ng CESU, dalawa na ang nasawi sa lungsod, una ay mula sa Barangay Pinyahan sa District 4. Sa… Continue reading Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Maharlika Investment Fund, ‘weapon of mass development’ ng Marcos Jr. administration

Tinawag ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na ‘weapon of mass development’ ng Marcos Jr. administration ang Maharlika Investment Fund. Ayon sa mambabatas, bago ipanukala ang MIF, tanging ang Pilipinas na lamang ang major ASEAN economy na walang sovereign wealth fund. Isa rin aniya ang Pilipinas sa mga bansa na ang state bank… Continue reading Maharlika Investment Fund, ‘weapon of mass development’ ng Marcos Jr. administration