Pagbabayad ng buwanang amortisasyon sa NHA, mas pinadali na

May ibang paraan na ng pagbabayad ng buwanang amortisasyon ang mga benepisyaryo ng National Housing Authority (NHA). Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, maaari na ring magbayad ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng online applications katulad ng Maya, Green Apple, at Link.BizPortal. Kailangan lamang i-download ang apps tulad ng Maya mobile application at gumawa… Continue reading Pagbabayad ng buwanang amortisasyon sa NHA, mas pinadali na

Tourism industry ng Pilipinas, tuluyan nang nakabangon mula sa epekto ng pandemiya ayon sa isang kongresista

Masasabing nakabangon na nga ang tourism sector ng Pilipinas matapos padapain ng COVID-19 pandemic. Ito ang inihayag ni House Committee on Tourism vice-chair Marvin Rillo matapos maitala ang 2,470,789 na foreign travelers na bumisita sa Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2023. Aniya ang bilang na ito ay higit pa sa kabuuang 2.025 million… Continue reading Tourism industry ng Pilipinas, tuluyan nang nakabangon mula sa epekto ng pandemiya ayon sa isang kongresista

IACAT-XI, mas paiigtingin ang kampanya laban sa online sexual abuse and exploitation of children

Mas paiigitingin ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking-XI (IACAT-XI) ang kanilang adbokasiya sa buong Davao Region laban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC). Sa isang press conference, sinabi ni IACAT-XI Chairperson Regional Prosecutor Janet Grace Dalisay-Fabrero na pinalalakas nila ang nasabing kampanya dahil halos karamihan ng kabataan ngayon ay nakatutok na sa… Continue reading IACAT-XI, mas paiigtingin ang kampanya laban sa online sexual abuse and exploitation of children

Bangkay ng lalaking nalunod sa Luna, La Union, natagpuan na sa bayan ng Balaoan

Natagpuan kaninang umaga sa Almeida, Balaoan, La Union ang bangkay ng lalaking nalunod sa Darigayos, Luna, La Union kahapon Hulyo 14, 2023. Ayon kay Mr. Daniel Vincent Ragca, staff ng MDRRMO-Balaoan, natagpuan ang bangkay ng biktima kaninang 6:15am, Hulyo 15, 2023. Nakilala ang biktima na si Mark Anthony Areola Carig, 26, at residente ng Poblacion,… Continue reading Bangkay ng lalaking nalunod sa Luna, La Union, natagpuan na sa bayan ng Balaoan

1,329 pamilya na biktima ng lindol sa Makilala, Cotabato, makakabenepisyo sa proyektong pabahay ng NHA

Isinagawa ang groundbreaking at capsule-laying ceremony noong Huwebes July 13, 2023 para sa proyektong pabahay ng National Housing Authority (NHA), na nakalaan sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Makilala probinsiya ng Cotabato. Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni NHA General Manager Joeben Tai para pormal na simulan ang pagtatayo ng mga kabahayan na para… Continue reading 1,329 pamilya na biktima ng lindol sa Makilala, Cotabato, makakabenepisyo sa proyektong pabahay ng NHA

PRC at Malabon LGU, nagsagawa ng mass casualty incident simulation exercise

Matagumpay na inilunsad ng Philippine Red Cross katuwang ang Malabon LGU ang Mass Casualty Incident Training and Simulation Exercise sa Tinajeros Elementary School sa lungsod ng Malabon. Ang simulation exercise ay batay sa isang scenario na may kinalaman sa magnitude 6.8 na lindol. Layon nitong pahusayin ang emergency response, kapasidad, koordinasyon, at katatagan ng PRC… Continue reading PRC at Malabon LGU, nagsagawa ng mass casualty incident simulation exercise

Daily water interruptions ngayong weekend sa CAMANAVA, Manila at Quezon City, sinuspinde ng Maynilad

Gaya nitong nakalipas na dalawang araw, walang ipatutupad na scheduled daily water interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila ngayong weekend, Hulyo 15 at 16. Sa abiso ng Maynilad Water Services, magtutuloy-tuloy ang kanilang serbisyo sa bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Valenzuela, Navotas at Quezon City. Paliwanag ng water concessionaire, nakatulong umano ang malakas na… Continue reading Daily water interruptions ngayong weekend sa CAMANAVA, Manila at Quezon City, sinuspinde ng Maynilad

Transmission lines at facilities ng NGCP, nananatiling normal sa mga lugar na apektado ng bagyong Dodong

Walang nasira o bumagsak na transmission lines at pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gitna ng pananalasa ng bagyong Dodong. Sa ulat ng NGCP, nananatiling normal ang operasyon ng lahat ng transmission lines at facilities nito hanggang ngayong umaga. Bago pa man manalasa ang bagyo, agad na nagpatupad ng mga kinakailangang… Continue reading Transmission lines at facilities ng NGCP, nananatiling normal sa mga lugar na apektado ng bagyong Dodong

DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng bagyong Dodong

May nakahanda nang interventions ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at manginngisdang maaapektuhan ng bagyong Dodong. Bukod sa mga ipamimigay na binhing palay, mais at mga gulay, may mga gamot ding inilaan para sa mga alagaing hayop. May alok din ang Agricultural Credit Policy Council ng DA ng Survival and Recovery (SURE)… Continue reading DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng bagyong Dodong

Imbak na tubig sa ilang dam sa Luzon, nadagdagan dahil sa mga pag-ulan

Bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa ilang dam sa Luzon dahil sa ilang araw na pag-ulan. Base sa tala ng PAGASA Hydrometeorology Division kaninang alas-6:00 ng umaga, umangat sa 178.48 meters ang water elevation sa Angat dam mula sa 178.02 meters kahapon ng umaga. Pero mababa pa rin ito kumpara sa 210 meters na… Continue reading Imbak na tubig sa ilang dam sa Luzon, nadagdagan dahil sa mga pag-ulan