Overall Command Center ng NGCP, balik na sa normal na operasyon

Nagpapatuloy na ang normal na operasyon ng Overall Command Center (OCmC) ng National Grid Corporation of the Philippines. Ito’y dahil wala nang banta ang Tropical Depression Dodong sa alinmang pasilidad ng NGCP sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa nito. Batay sa assessment ng NGCP kahapon, walang transmission lines at pasilidad ang naapektuhan ng pagdaan… Continue reading Overall Command Center ng NGCP, balik na sa normal na operasyon

DSWD, nagpapadala na ng augmentation assistance sa LGUs na tinamaan ng bagyong Dodong

Nagsimula nang magbigay ng augmentation assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan na apektado ni bagyong Dodong. Sa ulat ng Disaster Response Operations and Monitoring Center, nagpadala ang DSWD Bicol Regional Office ng mga pagkain at non-food items na nagkakahalaga ng P574,437 sa Polangui, Albay. Nakikipag-ugnayan na rin… Continue reading DSWD, nagpapadala na ng augmentation assistance sa LGUs na tinamaan ng bagyong Dodong

Transmission lines at facilities ng NGCP, nananatiling normal sa mga lugar na apektado ng bagyong Dodong

Walang nasira o bumagsak na transmission lines at pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gitna ng pananalasa ng bagyong Dodong. Sa ulat ng NGCP, nananatiling normal ang operasyon ng lahat ng transmission lines at facilities nito hanggang ngayong umaga. Bago pa man manalasa ang bagyo, agad na nagpatupad ng mga kinakailangang… Continue reading Transmission lines at facilities ng NGCP, nananatiling normal sa mga lugar na apektado ng bagyong Dodong

DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng bagyong Dodong

May nakahanda nang interventions ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at manginngisdang maaapektuhan ng bagyong Dodong. Bukod sa mga ipamimigay na binhing palay, mais at mga gulay, may mga gamot ding inilaan para sa mga alagaing hayop. May alok din ang Agricultural Credit Policy Council ng DA ng Survival and Recovery (SURE)… Continue reading DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng bagyong Dodong

Ilang aktibidad ng Valenzuela LGU, kinansela ngayong araw dahil sa masamang panahon

Kinansela ngayong araw ng Valenzuela City government ang ilang aktibidad nito dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Dodong. Sa abiso ng lokal na pamahalaan,kabilang sa maapektuhan ang Alagang Pamilyang Valenzuelano Medical Mission sa Brgy. Balangkas, Oplan Manhood 2023 o Libreng Tuli sa Brgy. Marulas at ang Medical Mission sa Brgy. Ugong na inisyatiba ng… Continue reading Ilang aktibidad ng Valenzuela LGU, kinansela ngayong araw dahil sa masamang panahon