Metro Manila Subway Project, inaasahang magiging fully operational sa 2029, ayon sa DOTr

Inaasahang magiging fully operational ang Metro Manila Subway Project sa 2029 na tinaguriang Project of the Century. Ayon sa Department of Transportation o DOTr, target nitong matapos ang konstruksyon sa 2028 at bubuksan naman sa publiko sa 2029. Matatandaang naunang plano ng ahensya na magkaroon ng partial operation sa Valenzuela, Tandang Sora, at North Avenue… Continue reading Metro Manila Subway Project, inaasahang magiging fully operational sa 2029, ayon sa DOTr

Pag-alis ng Cebu Pacific ng expiration sa travel fund ng kanilang mga pasahero, pinuri ni Sen. Nancy Binay

Ikinagalak ni Senate Committee on Tourism Chairperson Senadora Nancy Binay ang anunsyo ng Cebu Pacific na alisin ang expiration date ng kanilang travel fund at pinalawig ang validity ng kanilang travel voucher ng hanggang 18 buwan mula sa August 1. Nagpasalamat si Binay sa pagtugon ng Cebu Pacific sa panawagan ng kanilang mga pasahero lalo… Continue reading Pag-alis ng Cebu Pacific ng expiration sa travel fund ng kanilang mga pasahero, pinuri ni Sen. Nancy Binay

Sumbong ng pangingikil ng mga taga-PNP anti cybercrime group para mapalaya ang mga dayuhang na-rescue mula sa POGO hub sa Las Piñas, pinapaimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Balak ni Senador Raffy Tulfo na maghain ng isang resolusyon para maimbestigahan ang sinasabing pangingikil umano ng mga tauhan ng PNP Anti Cybercrime Group (ACG) sa mga dayuhang na-rescue sa isang POGO hub sa Las Piñas. Ayon kay Tulfo, may source siya sa loob ng Camp Crame na nagsasabing napapatagal ang pagpapa-repatriate sa mga dayuhang… Continue reading Sumbong ng pangingikil ng mga taga-PNP anti cybercrime group para mapalaya ang mga dayuhang na-rescue mula sa POGO hub sa Las Piñas, pinapaimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Meralco, nanawagan sa mga kwalipikadong maka-avail ng lifeline rate program ng kanilang kumpanya

Nanawagan ang Manila Electric Company o Meralco sa mga kwalipikadong pamilya na maaaring mag-avail ng lifeline rate program ng Meralco upang makabawas sa singil sa kanilang buwanang bill. Ayon kay Meralco Corporate Communications head at spokesperson Joe Zaldirriaga, bukas ang bawat Meralco branches para tumanggap ng aplikasyon sa mga lifeline consumers. Kaugnay nito, maaari ring… Continue reading Meralco, nanawagan sa mga kwalipikadong maka-avail ng lifeline rate program ng kanilang kumpanya

Iligal na bentahan ng pabahay, mahigpit na ipinagbabawal ng NHA

Binalaan ng National Housing Authority (NHA) ang mga benepisyaryo nito tungkol sa iligal na pagbebenta ng housing units. Sa ilalim ng NHA Memorandum Circular bilang 2374, ang mga lumabag sa kasunduan at kondisyon ayon sa kontrata at mapapatunayang nagbenta ng kanyang tahanan ay hindi na muling makatatanggap ng pabahay mula sa gobyerno. Bukod pa rito,… Continue reading Iligal na bentahan ng pabahay, mahigpit na ipinagbabawal ng NHA

Community pantry para sa mga binahang residente sa Bukidnon, binuksan na

Pormal na binuksan ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang community pantry para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa kaniyang distrito. Una itong inilunsad sa Brgy. Managok na siyang pinakanasalanta. Ang mga residente ay nakakuha dito ng bigas, gulay at itlog. Hiningi ng mambabatas ang tulong ng city agriculture para makuha ang suplay mula… Continue reading Community pantry para sa mga binahang residente sa Bukidnon, binuksan na

Pagtalaga ng bagong hepe ng Negros Oriental Provincial Police Office personal na pinangasiwaan ni DILG Sec. Abalos

Personal na bumisita si Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin Abalos, Jr. sa mismong araw na itinalaga ang bagong hepe ng Negros Oriental Police Provincial Office. Kasama ni Abalos si Philippine National Police deputy chief Police Lt. Gen. Michael John Dubria. Sabado, July 8, 2023 pormal na itinalaga si NOPPO acting Provincial… Continue reading Pagtalaga ng bagong hepe ng Negros Oriental Provincial Police Office personal na pinangasiwaan ni DILG Sec. Abalos

Peace and Order, sagot sa pag-unlad ng Negros Oriental – DILG Secretary Abalos

Kailangan umano ang pagtutulungan ng law enforcement agencies, local government units at ng publiko para sa kapayapaan, kaayusan at ekonomiya sa Negros Oriental. Ito ang binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa kanyang pagbisita sa lalawigan kahapon. Sinabi ng kalihim na matapos ang trahedyang nangyari noong Marso… Continue reading Peace and Order, sagot sa pag-unlad ng Negros Oriental – DILG Secretary Abalos

Forced evacuation, ipinatupad sa 50 pamilyang nananatili pa rin sa permanent danger zone ng Mayon -DSWD

Sapilitan nang inilikas ng Department of Social Welfare and Development ang 50 pamilya na nadiskubreng hindi pa umaalis sa loob ng 6-kilometrong permanent danger zone sa paligid ng Mayon Volcano sa Albay. Ang mga nanganganib na pamilya ay nadiskubre ng DSWD Field Office V’s Disaster Response Management Division nang magsagawa ng inspeksyon sa Barangay Anoling.… Continue reading Forced evacuation, ipinatupad sa 50 pamilyang nananatili pa rin sa permanent danger zone ng Mayon -DSWD

Pagsama sa mga coast guard personnel sa priority-beneficiaries ng Pabahay Program ng pamahalaan- aprub sa DHSUD

Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Philippine Coast Guard (PCG) na i-enroll ang “Coast Guardians” sa mga priority-beneficiaries ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Isang memorandum of agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at PCG Officer-in-Charge Vice Admiral Rolando… Continue reading Pagsama sa mga coast guard personnel sa priority-beneficiaries ng Pabahay Program ng pamahalaan- aprub sa DHSUD