Balikatan 38-23, magtatapos na bukas

Pormal nang magwawakas bukas ang Balikatan 38 – 2023 ang pinakamalaking sabayang pagsasanay militar ng Pilipinas at Estados Unidos sa kasaysayan. Ang closing ceremony ay isasagawa sa Camp Aguinaldo bukas ng hapon, kasunod ng matagumpay na Combined Joint Littoral Live Fire exercise kahapon sa San, Antonio Zambales, na tampok na aktibidad sa halos tatlong linggong… Continue reading Balikatan 38-23, magtatapos na bukas

Party-list solon, hindi pabor na ibalik sa Abril-Mayo ang bakasyon ng mga estudyante

Kung si BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang tatanungin ay hindi siya pabor na ibalik sa buwan ng Abril at Mayo ang summer vacation ng mga estudyante. Aniya, kung ipatutupad ito, ibig sabihin ay ibabalik rin sa Hunyo ang pasukan na simula ng panahon ng tag-ulan. Para sa mambabatas, mas malaking panganib at banta… Continue reading Party-list solon, hindi pabor na ibalik sa Abril-Mayo ang bakasyon ng mga estudyante

Mga inamyendahang panuntunan para sa joint ventures ng pamahalaan, pribadong sektor, inilabas ng NEDA

Inilabas na ng National Economic and Development Authority o NEDA ang 2023 Revised Guidelines and Procedures para sa pagpasok sa Joint Venture Agreements sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor. Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, paiigtingin ng inamiyendahang panuntunan ang kompetisyon para sa mga proyekto sa ilalim ng joint ventures gayundin ang pagpalakas… Continue reading Mga inamyendahang panuntunan para sa joint ventures ng pamahalaan, pribadong sektor, inilabas ng NEDA

House Speaker Romualdez, sinimulan na ang mga paghahanda sa US visit ng Pangulo

Sinimulan na ni House Speaker Martin Romualdez ang paghahanda para sa historic visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos. Sa darating na April 30 ay nakatakdang lumipad pa-US si PBBM kung saan bahagi ang pakikipagpulong kay US President Joe Biden. Nauna nang lumipad ang House leader sa US dalawang linggo na ang… Continue reading House Speaker Romualdez, sinimulan na ang mga paghahanda sa US visit ng Pangulo

DND, nagpasalamat sa Malaysia sa tulong nito sa sitwasyon sa Sudan

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa Malaysia sa pagbibigay ng impormasyon na nakatulong sa pag-repatriate ng mga Pilipino mula sa Sudan. Ang pasasalamat ay ipinaabot ng kalihim sa bagong Ambassador of Malaysia to the Philippines, H.E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony, nang mag-courtesy call ang… Continue reading DND, nagpasalamat sa Malaysia sa tulong nito sa sitwasyon sa Sudan

Bagong satellite office ng DSWD, binuksan sa Rodriguez, Rizal

Binuksan na ng Department of Social Welfare and Development ang operasyon ng Satellite Office nito sa Rodriguez Rizal. Ayon sa DSWD, mismong sa Municipal Hall ng Rodriguez inilagay ang bago nilang satellite office. Maaari nang maka-access sa social protection services ng ahensya ang mga residente ng Rodriguez at San Mateo sa lalawigan ng Rizal. Dahil… Continue reading Bagong satellite office ng DSWD, binuksan sa Rodriguez, Rizal

Working Visit ng Pangulo sa US, pagkakataon upang matalakay ang EDCA ayon sa lady solon

Sinabi ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos na magandang pagkakataon ang magiging working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos para matalakay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), partikular ang bagong terms and conditions nito. Kabilang sa mga tinukoy ni Senadora Imee na dapat ikonsidera ay ang probisyon… Continue reading Working Visit ng Pangulo sa US, pagkakataon upang matalakay ang EDCA ayon sa lady solon

Suliranin sa sektor ng edukasyon, kailangan munang tugunan bago ibalik ang dating academic calendar — Mambabatas

Kailangang matugunan muna ang mga usapin sa sektor ng edukasyon bago muling ibalik sa dating academic calendar ang pasok ng mga mag-aaral sa mga paaralang nasa ilalim ng Department of Education (DepEd). Pahayag ito ni House Committee on Basic Education Chair Rep. Roman Romulo kasunod ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinag-aaralan… Continue reading Suliranin sa sektor ng edukasyon, kailangan munang tugunan bago ibalik ang dating academic calendar — Mambabatas

Sen. Cynthia Villar, nagsalita na tungkol sa nag-viral na video na pinapagalitan umano nito ang ilang guwardiya

Naniniwala si Senadora Cynthia Villar na may malicious intent ang paglalabas ng video na pinagsasabihan ang guard ng isang subdivision sa Las Piñas City. Sa pananaw ni Villar, may kinalaman ito sa inihain niyang kaso kaugnay ng pagbubukas ng ilang kalsada ng BF Resort Village sa publiko. Una na kasing kinatigan ng Las Piñas Regional… Continue reading Sen. Cynthia Villar, nagsalita na tungkol sa nag-viral na video na pinapagalitan umano nito ang ilang guwardiya

Telcos, dapat gawing user-friendly ang SIM registration — mambabatas

Umaasa si Senador Jinggoy Estrada na sa susunod na 90 araw ng extended period ng SIM registration ay magpapatupad ang telecommunications companies (telcos) ng mga hakbang para maging user-friendly ang proseso. Base kasi aniya sa nakalap nilang impormasyon, nahihirapan ang mga subscriber sa proseso ng SIM registration habang ang iba naman ay nagrereklamo sa kawalan… Continue reading Telcos, dapat gawing user-friendly ang SIM registration — mambabatas