Bagong PNP Chief, ipagpapatuloy ang nasimulan ni Gen. Azurin sa paglilinis sa kapulisan

Ipagpapatuloy ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang paglilinis sa hanay ng PNP na sinimulan ni dating PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. Ito ang tiniyak ni Gen. Acorda sa kaniyang assumption speech matapos na manumpa sa kaniyang bagong katungkulan sa harap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga sa Camp… Continue reading Bagong PNP Chief, ipagpapatuloy ang nasimulan ni Gen. Azurin sa paglilinis sa kapulisan

Rekomendasyon na ibalik sa summer season ang academic break, dedesisyunan sa lalong madaling panahon — PBBM

Sumasailalim pa sa pag-aaral ang mga rekomendasyon na ibalik sa buwan ng Marso o sa summer season ang bakasyon ng mga mag-aaral, na kasalukuyang nakatakda sa buwan ng Hulyo at Agosto. Ang mga suhestyong ito ay sa gitna na rin ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. “Pinag-aaralan natin nang mabuti ‘yan dahil nga marami… Continue reading Rekomendasyon na ibalik sa summer season ang academic break, dedesisyunan sa lalong madaling panahon — PBBM

Pagpaparehistro sa mga SIM, muling ipinanawagan ng lady solon ilang araw bago ang deadline

Hinikayat ni Senadora Grace Poe ang mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) na magparehistro sa nalalabing mga araw bago ang deadline para sa registration sa April 26. Nanawagan si Poe sa bawat isa na hikayatin rin ang iba na iparehistro ang kanilang SIM para sa kanilang proteksyon at peace of mind.… Continue reading Pagpaparehistro sa mga SIM, muling ipinanawagan ng lady solon ilang araw bago ang deadline

SILG Abalos sa 92 bagong abogado ng DILG: maglingkod ng tapat at may dignidad

Hinikayat ngayon ni Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang 92 bagong abogado ng kagawaran na magserbisyo nang naaayon sa batas at maglingkod ng tapat at may dignidad. Ayon sa kalihim, simula pa lamang ito ng kanilang mahabang paglalakbay sa legal na propesyon kung saan hinimok nito… Continue reading SILG Abalos sa 92 bagong abogado ng DILG: maglingkod ng tapat at may dignidad

SILG Abalos, suportado ang pamumuno ni bagong PNP Chief Gen. Acorda Jr.

Binati ni Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr., si General Benjamin Acorda, Jr. sa pagkakatalaga nito bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP). Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na naniniwala itong si Acorda ang karapat-dapat na mamuno sa PNP dahil sa kanyang malawak na karanasan at integridad. Makakaasa naman aniya ang… Continue reading SILG Abalos, suportado ang pamumuno ni bagong PNP Chief Gen. Acorda Jr.

Kaso ng COVID-19 sa QC, nakitaan ng pagtaas; publiko hinikayat na sundin ang minimum health protocol

Muling hinikayat ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang publiko na maging maingat ngayong nakitaan na naman ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. Apela ng Quezon City Epidemiology and Disease Surviellance Unit(CESU) na kailangang sumunod ang lahat sa minimum health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask para sa kaligtaaan ng bawat isa. Batay sa… Continue reading Kaso ng COVID-19 sa QC, nakitaan ng pagtaas; publiko hinikayat na sundin ang minimum health protocol

Bawas presyo sa mga produktong petrolyo, ipapatupad ng ilang kumpanya ng langis

Magandang balita! Magpapatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo bukas, April 25. Apat na kumpanya na ang nag-anunsyo kabilang na ang Pilipinas Shell, SeaOil, Petrogazz at Clean Fuel. Gasoline P1.40/L ⬇️ (rollback) Kerosene P0.20/L ⬇️ (rollback) Diesel P0.70/L ⬇️ (rollback) Ang pagbababa ng presyo ng gasolina sa bansa ay epekto ng pagrekober ng presyo mula… Continue reading Bawas presyo sa mga produktong petrolyo, ipapatupad ng ilang kumpanya ng langis

Rehabilitasyon ng Kennon Road, target simulan sa 2024

Inaasahang masisimulan na ang full rehabilitation ng Kennon Road sa susunod na taon. Batay ito sa naging pulong sa pagitan nina Baguio Rep. Mark Go at DPWH Secretary Manuel Bonoan at DPWH Usec. Cathy Cabral kamakailan. Hiniling ng mambabatas ang pulong upang makakuha ng update hinggil sa isinagawang feasibility study sa Kennon Road at ang… Continue reading Rehabilitasyon ng Kennon Road, target simulan sa 2024

Dangerous Drugs Committee, sisiyasatin ang umano’y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng PNP SA ₱6.7-B shabu haul

Ikinasa na ng House Committee on Dangerous Drugs ang imbestigasyon nito hinggil sa napaulat na cover-up ng ilang opisyal ng Philippine National Police sa P6.7 billion na halaga ng shabu. Sa Miyerkules, April 26 nakatakda ang pagsisiyasat ng komite salig sa House Resolution 495 na inihain mismo ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, chair… Continue reading Dangerous Drugs Committee, sisiyasatin ang umano’y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng PNP SA ₱6.7-B shabu haul

Paglalantad ng sindikato sa PNP, ipinagmalaki ni dating PNP Chief Azurin

Ibinida ni dating PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang paglalantad ng sindikato sa PNP. Ang pahayag ay ginawa ni Azurin sa kaniyang pagbaba sa pwesto bilang ika-28 PNP Chief ngayong umaga sa Camp Crame. Ito’y sa gitna ng kontrobersya sa umano’y pangungupit ng ilang mga pulis ng bahagi ng narekober na 990 kilo… Continue reading Paglalantad ng sindikato sa PNP, ipinagmalaki ni dating PNP Chief Azurin