Administrasyong Marcos, puspusan ang pagkilos upang maisakatuparan ang mga naipangako noong panahon ng kampanya

Patuloy ang Marcos Administration sa pagkayod upang matupad ang mga ipinangako sa mga Pilipino noong panahon ng kampanya. Sa isang ambush interview sa Pili, Camarines Sur, matapos ang distribusyon ng iba’t ibang government assistance, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pag-abot sa Php20 na halaga ng bigas ay naka-angkla sa maraming factors.… Continue reading Administrasyong Marcos, puspusan ang pagkilos upang maisakatuparan ang mga naipangako noong panahon ng kampanya

Pamahalaan, patuloy ang pagtugon sa mga hamon upang makamit ang food security sa bansa

Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na marami pang dapat gawin ang pamahalaan tungo sa mithiin nitong makamtan ang food security sa Pilipinas. Sa ambush interview sa pangulo, matapos mamahagi ng iba’t ibang government assistance sa Pili, Camarines Sur, sinabi ng pangulo na marami nang plano ang pamahalaan para dito. Gayunpaman, inuuna aniya nilang… Continue reading Pamahalaan, patuloy ang pagtugon sa mga hamon upang makamit ang food security sa bansa

Paglilinaw ng PNP, mismong hepe ng CIDG-NCR ang humiling na maalis sa pwesto

Nilinaw ng Philippine National Police o PNP na mismong si P/Col. Hansel Marantan ang siyang humiling kay Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Director, P/BGen. Romeo Caramat na ma-relieve sa puwesto bilang hepe ng CIDG-NCR. Ito’y makaraang ipag-utos ni Caramat ang pagsibak sa puwesto kay Marantan gayundin sa 13 iba pa bunsod ng isyu… Continue reading Paglilinaw ng PNP, mismong hepe ng CIDG-NCR ang humiling na maalis sa pwesto

Solid Waste Management Warehouse sa Lungsod ng Taguig, pormal na pinasinayaan ng MMDA

Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Procopio Lipana ang pagpapasinaya sa bagong tayong Solid Waste Management Warehouse sa Lungsod ng Taguig ngayong araw. Ayon kay Lipana, layunin nitong mapabilis at maisaayos ang pangongolekta gayundin ang pagpoproseso ng mga basura at mapaluwag ang mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang mga pagbaha.… Continue reading Solid Waste Management Warehouse sa Lungsod ng Taguig, pormal na pinasinayaan ng MMDA

COMELEC, handa na sa gaganaping plebisito sa 2 barangay sa Lungsod ng Marawi

Nakahanda na ang Commission on Elections (COMELEC) sa idaraos na plebisito para sa dalawang barangay sa Marawi City, Lanao del Sur sa Sabado sa mga barangay ng Boganga at Sagonsongan. Base sa record ng COMELEC, tinatayang nasa 1,472 registered voters ang naitala mula sa dalawang barangay, 992 na botante sa Barangay Boganga habang 480 na… Continue reading COMELEC, handa na sa gaganaping plebisito sa 2 barangay sa Lungsod ng Marawi

Pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa pamamaslang kay Slilig, welcome development kay Sen. Sherwin Gatchalian

Welcome development para kay Senador Sherwin Gatchalian ang pormal na pagsasampa ng kaso ng Department of Justice (DOJ) sa pitong myembro ng Tau Gamma Phi fraternity na sangkot sa pagpatay sa Adamson University student na si John Matthew Salilig. Ayon kay Gatchalian, isa itong paraan ng pagpapahatid ng malinaw na mensahe sa mga patuloy na… Continue reading Pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa pamamaslang kay Slilig, welcome development kay Sen. Sherwin Gatchalian

MAKABAYAN bloc, grupo ng mangingisda, pinaiimbestigahan na rin ang nangyaring oil spill sa Mindoro

Naghain na rin ng resolusyon ang MAKABAYAN bloc upang paimbestigahan sa Kamara ang nangyaring oil spill sa Mindoro dulot ng lumubog na MT Princess Empress. Sa inihaing House Resolution 869 kasama ang grupo ng mga mangingisda, inuudyukan ang House Committee on Natural Resources at House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources na magdaos ng inquiry… Continue reading MAKABAYAN bloc, grupo ng mangingisda, pinaiimbestigahan na rin ang nangyaring oil spill sa Mindoro

Bagong branch office ng PCSO, pormal nang binuksan sa Lungsod ng Tuguegarao

Pinasinayaan ni Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO General Manager Melquiades Robles kasama ang mga opisyal ng PCSO sa lalawigan ng Cagayan ang pagbubukas ng bagong sangay nito sa Lungsod ng Tuguegarao. Dito, namahagi ng tseke ang PCSO sa mga alkalde ng iba’t ibang bayan sa lalawigan na kumakatawan sa bahagi ng kabuuang sales o… Continue reading Bagong branch office ng PCSO, pormal nang binuksan sa Lungsod ng Tuguegarao

Mambabatas, aminadong maaari pang mabawasan ang mga senador na sumusuporta sa Cha-Cha

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na posible pang mabawasan ang apat hanggang limang senador na sumusuporta sa panukalang amyendahan ang konstitusyon. Ayon kay Dela Rosa, maaari kung makita ng ibang mga senador na masasayang lang ang mga hakbangin sa pagsusulong ng charter change ay baka makisama na rin sa mayorya ang iba pang… Continue reading Mambabatas, aminadong maaari pang mabawasan ang mga senador na sumusuporta sa Cha-Cha

Pagpapaigting ng produksyon sa Agri sector, paraan upang mapanatili ang Kadiwa ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Kailangang tutukan pa ang produksyon ng agriculture sector ng bansa, upang maipagpatuloy ang pagdami pa ng Kadiwa stores sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matapos mamahagi ng iba’t ibang government assistance sa Pili, Camarines Sur, ipinaliwanag ng pangulo na ang produksyon lamang kasi ang susi, upang… Continue reading Pagpapaigting ng produksyon sa Agri sector, paraan upang mapanatili ang Kadiwa ayon kay Pangulong Marcos Jr.