Lalaking nang-hostage ng kaniyang pamilya sa Taguig City, sinampahan na ng kaso

Nagsampa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kaso laban sa lalaking nang-hostage ng kanyang live-in partner at mga anak sa Taguig City. Ayon kay NCRPO Acting Chief Police Brigadier General Anthony Aberin, kakasuhan ang suspek na kinilalang si alyas Raymond, 28 taong gulang ng illegal detention, direct assault, alarms and scandals, at… Continue reading Lalaking nang-hostage ng kaniyang pamilya sa Taguig City, sinampahan na ng kaso

Pasig RTC, hindi pinayagang makapagpiyansa si Alice Guo sa kasong ‘qualified human trafficking’

Hindi pinayagan ng Pasig Regional Trial Court ngayon ang hiling na piyansa ng kampo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang iba pang sangkot sa kasong ‘qualified human trafficking’. Ito ang kinumpirma ni Prosecutor General Richard Fadullon. Sa isang resolusyon, sinabi ng korte na tinanggihan ang petisyon dahil matatag ang ebidensya ng prosekusyon… Continue reading Pasig RTC, hindi pinayagang makapagpiyansa si Alice Guo sa kasong ‘qualified human trafficking’

Bilang ng biyahe sa PITX, nananatiling sapat

Nananatiling marami ang biyahe ng bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Ito ang siniguro ni Kolyn Calbasa, ang corporate communication officer ng PITX Ayon sa opisyal, bagamat may mga fully booked nang mga biyahe ng bus ay marami pa ring biyahe sa kanilang terminal. Paliwanag nito, pawang mga biyaheng Bicol partikular ang papuntang Tabaco… Continue reading Bilang ng biyahe sa PITX, nananatiling sapat

Mga paliparan sa bansa, handa sa Christmas exodus — CAAP

Tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kahandaan nito ngayong holiday rush. Sa inilabas na pahayag ng ahensya, inaasahan na nila ang passenger traffic surge ngayong holiday season base na rin sa ‘Oplan Byaheng Ayos Pasko 2024’ ng Department of Transportation. Nangako ang CAAP na sisigurihin nilang ligtas, maayos at… Continue reading Mga paliparan sa bansa, handa sa Christmas exodus — CAAP

Panibagong taas-singil sa produktong petrolyo, nakaambang sa susunod na linggo

Bad news para sa mga motorista dahil may panibagong taas-presyo sa lahat ng produktong petrolyo base sa pagtaya ng Department of Energy ang nakaamba sa susunod na linggo. Ayon kay Dir. Rino Abad, ang pinuno ng Oil Industry and Management Bureau ng DOE, minimum na taas-singil sa kada litro ng gasolina ay nasa ₱0.40 ,… Continue reading Panibagong taas-singil sa produktong petrolyo, nakaambang sa susunod na linggo

Libreng check-up at gamot, handog ng bagong wellness center ng DOH sa MOA

Photo courtesy of Health Sec. Ted Herbosa Binuksan na ng Department of Health ang kauna-unahang wellness center na inilagay sa loob mismo ng mall. Matatagpuan ito sa Government Service Center ng SM Mall of Asia sa Pasay City. Ayon kay DOH National Capital Region Director Rio Magpantay, bukas ang wellness center na ito sa lahat.… Continue reading Libreng check-up at gamot, handog ng bagong wellness center ng DOH sa MOA

PBBM, nilagdaan ang AO 28 para sa gratuity pay ng COS at JO sa mga tanggapan ng gobyerno

Base sa inilabas na Administrative Order 28 ay kwalipikadong makatanggap ng nasabing insentibo ang mga Job Order at Contract of Service personnel subalit may pagkakaiba sa halagang matatanggap depende sa haba ng serbisyo. Sa bahagdan, ₱6,000 ang matatanggap ng may tatlong buwan na sa serbisyo subalit wala pang apat na buwan. ₱5,000 naman sa mga… Continue reading PBBM, nilagdaan ang AO 28 para sa gratuity pay ng COS at JO sa mga tanggapan ng gobyerno

Hindi bababa sa 15 motorista, nasita sa ikinasang operasyon ng SAICT sa EDSA Santolan

Asahan na ang pinaigting na operasyon ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa kahabaan ng EDSA busway lalo na ngayong holiday season. Sa isinagawang operasyon kaninang umaga, hindi bababa sa 15 motorista ang sinita at binigyan ng ticket dahil sa kanilang hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway sa Santolan, Quezon City. Katuwiran… Continue reading Hindi bababa sa 15 motorista, nasita sa ikinasang operasyon ng SAICT sa EDSA Santolan

Pananaw ng mga Pilipino sa 2025, mas positibo ayon sa survey ng BSP

Mas gumanda ang pananaw ng mga consumer ngayong huling bahagi ng 2024 at sa susunod na taong 2025. Base sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagpakita ng mababang negatibong confidence index na -11.1 percent ang mga Pilipino mula sa -15.6 percent noong nakaraang ikatlong bahagi ng 2023. Ang pagbabagong ito ay bunga ng… Continue reading Pananaw ng mga Pilipino sa 2025, mas positibo ayon sa survey ng BSP

OPAPRU, umapela sa mga miyembro ng CPP-NPA at NDF na i-avail ang amnesty program ng pamahalaan

Hindi tumitigil ang pamahalaan na hikayatin ang mga rebelde na samantalahin ang alok na amnestiya para makabalik sa sibilisadong lipunan. Ito ang kapwa inihayag ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at National Amnesty Commission (NAC). Ayon sa komisyon, aabot na sa 1,665 na aplikasyon ng kanilang natanggap para sa… Continue reading OPAPRU, umapela sa mga miyembro ng CPP-NPA at NDF na i-avail ang amnesty program ng pamahalaan