Mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis, maaaring makakuha ng benepisyo mula sa PhilHealth

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na sakop ng kanilang benepisyo ang pagpapagamot sa mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis. Ayon sa PhilHealth, ang mga pasyenteng may dengue fever ay maaaring makakuha ng hanggang P13,000, habang ang mga may severe dengue hemorrhagic fever ay maaaring makatanggap ng hanggang P16,000. Samantala, ang mga may… Continue reading Mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis, maaaring makakuha ng benepisyo mula sa PhilHealth

Dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, napatawad na ang dating Pangulong Duterte sa dinanas na paghihirap matapos idawit sa iligal na droga

Humarap sa Quad Committee ng Kamara ang dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Patrick Mabilog. Nitong September 10 lang nang magbalik bansa si Mabilog matapos ang pitong taong pagtatago matapos makakuha ng asylum sa Amerika dahil sa takot sa buhay niya at para sa kaniyang pamilya. Naging emosyonal si Mabilog nang ilahad ang… Continue reading Dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, napatawad na ang dating Pangulong Duterte sa dinanas na paghihirap matapos idawit sa iligal na droga

Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC laban kay Alice Guo, posibleng ilabas na sa susunod na linggo

Inaasahang mailalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo ang desisyon kung matutuloy ang pagkakaso nila ng ‘misrepresentation’ laban kay dating Mayor Alice Guo. Sa panayam matapos ang pagdinig ng Senado sa panukalang 2025 budget ng poll body, sinabi ni COMELEC Chairperson George Garcia na hinihintay na lang nilang mapirmahan ang rekomendasyon… Continue reading Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC laban kay Alice Guo, posibleng ilabas na sa susunod na linggo

High-value target, arestado sa pinaigting na operasyon ng NCRPO vs. iligal na droga

Bunsod ng mas pinalakas na kampanya ni NCRPO PMGen. Jose Melencio Nartatez na sugpuin ang iligal na droga sa Kalakhang Maynila, arestado ang isang high-value target sa lungsod ng Taguig. Ayon sa awtoridad nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit, Taguig CPS operatives na pinangunahan ni PCpt. Kenny Khamar Khayad na nagresulta sa… Continue reading High-value target, arestado sa pinaigting na operasyon ng NCRPO vs. iligal na droga

PRC, tiniyak na hindi mapapabayaan ang mga mangingisdang maaapektuhan ng reklamasyon sa Pasay

Bilang bahagi ng pagtupad sa adhikain ni Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas, ginagawa ng Philippine Reclamation Authority ang lahat upang matiyak na hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga mangingisdang maaapektuhan ng nangyayaring reklamasyon sa lungsod ng Pasay. Ayon kay PRA Chairperson Alex Lopez, maraming pamamaraan na ginagawa ang kanilang ahensya para matiyak… Continue reading PRC, tiniyak na hindi mapapabayaan ang mga mangingisdang maaapektuhan ng reklamasyon sa Pasay

PRA, ibinida ang mga proyekto na magpapayabong pa sa ekonomiya ng bansa

Ibinida ng Philippine Reclamation Authority ang mga pangunahing proyekto nito na hindi lang makatutulong sa ekonomiya ng Pilipinas kundi maging sa transportasyon ng mga Pilipino. Sa ginanap na Transport and Logistic Forum 2024, ipinagmalaki ni PRA Chairperson Alex Lopez ang reclamation project sa Manila Bay partikular sa lungsod ng Pasay kung saan inaasahang magiging bagong… Continue reading PRA, ibinida ang mga proyekto na magpapayabong pa sa ekonomiya ng bansa

Iniulat na nasawi sa mga nagdaang bagyo, sumampa na sa 23

KNOCKED DOWN. Strong winds brought about by Typhoon Aghon fell trees in San Juan, Batangas on Sunday (May 26, 2024). The province was still under Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 as of Sunday night but was cleared by Monday morning. (PNA photo by Avito Dalan)

Umaabot na sa 23 ang ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Ferdie, Gener at Helen. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, siyam dito ay mula sa MIMAROPA, tig-apat sa Region 6, BARMM at Region 9 at dalawa mula sa Region 7. Nakapagtala rin ng 13 sugatan… Continue reading Iniulat na nasawi sa mga nagdaang bagyo, sumampa na sa 23

Pagkamit ng tagumpay ng mga manlalarong Pilipino, malaking bahagi ng panukalang pondo ng PSC

Binigyang-diin ni Valenzuela City Rep. Eric Martinez na siyang budget sponsor ng Philippine Sports Commission na malaking bahagi ng 2025 budget ng ahensya ay sa hangaring tagumpay ng mga Pilipinong manlalaro. Sa isinagawang plenary deliberation sa P725 milyong proposed 2025 budget, sinabi ni Martinez na kabilang sa “formula for success” ang pondo para sa mga… Continue reading Pagkamit ng tagumpay ng mga manlalarong Pilipino, malaking bahagi ng panukalang pondo ng PSC

COMELEC, ilalabas na ang guidelines patungkol sa paggamit social media kaugnay sa nalalapit na eleksyon

Tiniyak ng COMELEC na nakatutok ito sa pagbabantay laban sa fake news ngayong nalalapit na eleksyon. Sa pagtalakay sa plenaryo ng Kamara sa P35.19 bilyong proposed budget ng poll body, natanong ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kung ano ang mga hakbang ng COMELEC laban sa red-tagging, fake news, at disinformation. Tinukoy pa nito ang… Continue reading COMELEC, ilalabas na ang guidelines patungkol sa paggamit social media kaugnay sa nalalapit na eleksyon

‘Whole-of-Nation’ approach, kailangan para labanan ang kahirapan — DSWD

Isinusulong ng Department of Social Welfare and Development -Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang matatag na partnership sa mga ahensya ng gobyerno upang labanan ang kahirapan. Ito ang binigyang diin ni 4Ps National Program Management Office Director Gemma Gabuya sa ginanap na Visioning and Convergence Planning Workshop sa Tagaytay City. Tinalakay dito ang mga pamamaraan ng… Continue reading ‘Whole-of-Nation’ approach, kailangan para labanan ang kahirapan — DSWD