Mga empleyado ng Kamara, pinag-iingat sa spam messages

Naglalabas ng babala ang House Secretary General kaugnay sa spam messages na natanggap ng ilang empleyado ng Kamara. Batay sa ulat, February 21 nang makatanggap ng email ang ilang empleyado mula sa [email protected] Pero sabi ng tanggapan ng House SecGen, hindi ito opisyal na email ng alin mang departamento sa Kamara. Natuklasan na ito ay… Continue reading Mga empleyado ng Kamara, pinag-iingat sa spam messages

Pagbola ng lotto, dapat munang itigil habang may aberya — Sen. Imee Marcos

Umapela si Senadora Imee Marcos na itigil na muna ang mga lotto draw habang may mga isyu pa sa pagbola ng mga numero. Una na kasing napaulat na nagloko ang lotto machine sa 2PM draw ng swertres lotto noong Martes, February 27. Aminado si Senadora Imee na maging siya ay nagulat nang makita ang kinukwestiyong… Continue reading Pagbola ng lotto, dapat munang itigil habang may aberya — Sen. Imee Marcos

Pag-streamline sa halip na pagbuwag sa PS-DBM, posibleng irekomenda ng senate panel

Sinabi ni Senate Committee on Finance Chair Senador Sonny Angara na posibleng irekomenda ng kanyang komite ang pag-streamline sa proseso at kapangyarihan ng PS-DBM (Procurement Service – Department of Budget and Management), sa halip na i-abolish ito. Paliwanag ni Angara, ang orihinal kasing konsepto sa pagbuo ng PS-DBM ay ang tulungan ang mga ahensya ng… Continue reading Pag-streamline sa halip na pagbuwag sa PS-DBM, posibleng irekomenda ng senate panel

Mas mahigpit na proseso sa beripikasyon sa mga benepisyaryo ng E-GATSPE program, tiniyak ng DepEd

Nakapagtala ang Department of Education ng 97% na utilization rate o paggamit ng P40 bilyon na pondo para sa Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Educaiton (E-GATSPE). Sa naging pagdinig sa Senado, sinabi ni DepEd Director Rara Rama na ilang billing statements na lang ng ibang paaralan ang hinihintay pa ng government… Continue reading Mas mahigpit na proseso sa beripikasyon sa mga benepisyaryo ng E-GATSPE program, tiniyak ng DepEd

Legazpi City, pasok sa UNESCO Network Learning Cities

Inanunsyo ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na pasok ang lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay bilang bagong miyembro ng kanilang Global Network of Learning Cities (GNLC). Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang ang Legazpi sa 64 bagong miyembro ng GNLCs mula sa 35 bansa. Samantala, ang Legazpi… Continue reading Legazpi City, pasok sa UNESCO Network Learning Cities

Aabot sa 1,000 family food packs, natanggap ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan mula sa DSWD IX

Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Isabela sa probinsya ng Basilan ng aabot sa 1,000 family food packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IX kamakailan. Ang ipinadalang FFPs ay bilang dagdag sa naka-preposition na relief goods ng ahensya para siguruhin ang sapat na suplay ng ayuda sa panahon ng… Continue reading Aabot sa 1,000 family food packs, natanggap ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan mula sa DSWD IX

₱5.5-M halaga ng shabu, nasabat sa Estancia, Iloilo

Arestado ng Iloilo Provincial Drug Enforcement Unit ang high value target drug personality sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Daan Banwa, Estancia. Ang suspek ay kinilalang si Jorene Boledo, 44 na taong gulang at residente ng nasabing lugar. Nakumpiska sa suspek ang mahigit 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱5,508,000 at buy-bust money. Sa… Continue reading ₱5.5-M halaga ng shabu, nasabat sa Estancia, Iloilo

Ilang senador, magkaiba ang opinyon tungkol sa pagsama ng mga pulitiko sa pamamahagi ng ayuda

Dapat ipaubaya na lang sa national agencies, tulad ng DOLE at DSWD ang pamimigay ng ayuda sa ilalim ng kani-kanilang mga ahensya. Ito ang pahayag ni Ejercito sa gitna ng tila nauuso ngayon na pagsama ng mga pulitiko sa pamamahagi ng mga ayuda, gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD at… Continue reading Ilang senador, magkaiba ang opinyon tungkol sa pagsama ng mga pulitiko sa pamamahagi ng ayuda

Sen. JV Ejercito, pabor na pagbawalan ang mga e-trike sa national roads

Sang-ayon si Senador JV Ejercito sa ibinabang kautusan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal sa national roads ang mga e-trike. Binigyang diin ni Ejercito na delikado talaga ang mga e-trike sa malalaking kalsada lalo na kung makakasabay ng mga ito ang mga bus at mga truck. Ipinunto pa ng senador na gawa lang… Continue reading Sen. JV Ejercito, pabor na pagbawalan ang mga e-trike sa national roads

P1.6-B halaga ng claims dahil sa lumubog na MT Princess Empress, nabayaran na

Aabot na sa P1.6 bilyon na halaga ng claims para sa lumubog na MT Princess Empress ang nabayaran na hanggang nitong February 28, isang taon matapos ang insidente. Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kabuuang P3 bilyon na halaga ng compensation claims ang inihain ng mga naapektuhang indibidwal at grupo dahil sa oil… Continue reading P1.6-B halaga ng claims dahil sa lumubog na MT Princess Empress, nabayaran na