₱250-M na halaga ng soil laboratory sa Agusan del Sur, nasa 14.5% nang kumpleto — DAR

Halos 14.5% nang kumpleto ang ₱250 milyon na halaga ng soil laboratory facility na itinatayo ng Department of Agrarian Reform sa Prosperidad, Agusan del Sur. Ayon kay DAR Public Information Service Director Jose Jenil Demorito, ang pasilidad ay may kakayahang suriin ang pisikal, kemikal at biyolohikal na katangian ng lupa gamit ang mga advanced na… Continue reading ₱250-M na halaga ng soil laboratory sa Agusan del Sur, nasa 14.5% nang kumpleto — DAR

Taunang tulong pinansyal para sa lahat ng mag-aaral, ipinapanukala sa Kamara

Inihain ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang House Bill 6908 na naglalayong isabatas ang Universal Educational Assistance Program. Sa ilalim nito ay bibigyan ng tulong pinansyal ang lahat ng estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan, mula pre-elementary hanggang kolehiyo. Sakaling maisabatas ang mga pre-elementary students ay makatatanggap ng P1,000 na cash assistance; P2,000 naman para… Continue reading Taunang tulong pinansyal para sa lahat ng mag-aaral, ipinapanukala sa Kamara

QC Mayor Joy Belmonte, dumalo sa United Nations Environment Assembly sa Kenya

Nagtungo sa Nairobi, Kenya si Quezon City Mayor Joy Belmonte para dumalo sa ika-6 na United Nations Environment Assembly (UNEA) Cities and Regions Summit. Sa naturang assembly, magsisilbing summit rapporteur ang alkalde upang ilahad ang mga key take-aways at mungkahi na mapapag-usapan sa Cities and Regions Summit ng UNEA. Dito ay inaasahang ibabahagi ng alkalde… Continue reading QC Mayor Joy Belmonte, dumalo sa United Nations Environment Assembly sa Kenya

PNP, may lead na sa mga suspek na nakabihis-pulis na nanloob sa pawnshop sa Koronadal

Kinumpirma ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na hindi mga pulis ang nanloob sa isang pawnshop sa Koronadal noong nakaraang Miyerkules. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Gen. Acorda na may lead na ang PNP sa pagkakakilanlan ng 6 na suspek, kabilang ang dalawang nakasuot ng uniporme ng pulis, na nakunan… Continue reading PNP, may lead na sa mga suspek na nakabihis-pulis na nanloob sa pawnshop sa Koronadal

Traffic enforcer na nahagip ng sasakyan, pinangakuan ng tulong ng LTO chief

Tiniyak ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza na bibigyan ng tulong ang traffic enforcer na nahagip ng sasakyan sa San Fernando City, La Union noong Pebrero 15, 2024. Binisita ni LTO Chief Vigor Mendoza sa pagamutan si Law Enforcement Officer Jay Joseph Rillorta na nasa maayos nang kondisyon matapos ang limang araw sa Intensive… Continue reading Traffic enforcer na nahagip ng sasakyan, pinangakuan ng tulong ng LTO chief

PNP, may mga ambag din para ibsan ang epekto ng El Niño sa kanilang hanay

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP ang mga kampo at himpilan ng Pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa na ipatupad ang mga umiiral na panuntunan kaugnay ng pagtitipid sa tubig. Ito’y bilang ambag na rin ng Pambansang Pulisya sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan na maibsan kungdi man masawata ang epektong… Continue reading PNP, may mga ambag din para ibsan ang epekto ng El Niño sa kanilang hanay

Atty. Jose Moises Salonga, itinalaga ni Pangulong Marcos, bilang bagong LWUA Administrator

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Jose Moises Salonga, bilang bagong administrador ng Local Water Utilities Administration (LWUA). Ito ang inanunsyo ni Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, ngayong hapon. (Feb 26). Papalitan nito sa pwesto si Homer Revil. Ayon sa kalihim, si Salonga ay nagtapos sa Ateneo de Manila University noong… Continue reading Atty. Jose Moises Salonga, itinalaga ni Pangulong Marcos, bilang bagong LWUA Administrator

Pilipinas, kailangang palakasin pa ang mga hakbang vs financial crimes

Binigyang diin ng Anti-Money Laundering Council ang pangangailangan ng PIlipinas na palakasin ang pagsisikap nito na labanan ang “terrorism financing” (CTF) kasunod ng pagkabigo ng Pilipinas na maalis sa “gray list” ng Financial Action Task Force. Sa inilabas na February update ng FATF, bagaman may mga hakbang na ginawa ang bansa upang paghusayin ang anti-money… Continue reading Pilipinas, kailangang palakasin pa ang mga hakbang vs financial crimes

Maynilad, nagkaloob ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa Bulacan

Nagkaloob ng P5 milyon na tulong pinansyal ang Maynilad Water Services, Inc sa National Irrigation Administration para sa mga magsasaka sa Bulacan. Personal na iniabot ng Maynilad ang financial assistance sa NIA Region 3 – Bulacan Irrigation Management Office sa, San Rafael, Bulacan. Ayon kay NIA Region 3 Manager at OIC Deputy Administrator for Engineering… Continue reading Maynilad, nagkaloob ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa Bulacan

Kampanya kontra dengue, pinaigting ng Antipolo LGU ngayong El Niño

Patuloy ang kampaniya ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo laban sa pagkalat ng sakit na dengue ngayong panahon ng El Niño. Batay sa abiso ng Antipolo LGU, nag-iikot ang kanilang Operation Tumba – Aksyon Kontra Dengue Team sa iba’t ibang barangay para tuntunin ang mga pinamumugaran ng lamok. Kasama sa kanilang mga iniikutan ang Sitio Gumamela… Continue reading Kampanya kontra dengue, pinaigting ng Antipolo LGU ngayong El Niño