Pilipinas, kailangang palakasin pa ang mga hakbang vs financial crimes

Binigyang diin ng Anti-Money Laundering Council ang pangangailangan ng PIlipinas na palakasin ang pagsisikap nito na labanan ang “terrorism financing” (CTF) kasunod ng pagkabigo ng Pilipinas na maalis sa “gray list” ng Financial Action Task Force. Sa inilabas na February update ng FATF, bagaman may mga hakbang na ginawa ang bansa upang paghusayin ang anti-money… Continue reading Pilipinas, kailangang palakasin pa ang mga hakbang vs financial crimes

Maynilad, nagkaloob ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa Bulacan

Nagkaloob ng P5 milyon na tulong pinansyal ang Maynilad Water Services, Inc sa National Irrigation Administration para sa mga magsasaka sa Bulacan. Personal na iniabot ng Maynilad ang financial assistance sa NIA Region 3 – Bulacan Irrigation Management Office sa, San Rafael, Bulacan. Ayon kay NIA Region 3 Manager at OIC Deputy Administrator for Engineering… Continue reading Maynilad, nagkaloob ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa Bulacan

Kampanya kontra dengue, pinaigting ng Antipolo LGU ngayong El Niño

Patuloy ang kampaniya ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo laban sa pagkalat ng sakit na dengue ngayong panahon ng El Niño. Batay sa abiso ng Antipolo LGU, nag-iikot ang kanilang Operation Tumba – Aksyon Kontra Dengue Team sa iba’t ibang barangay para tuntunin ang mga pinamumugaran ng lamok. Kasama sa kanilang mga iniikutan ang Sitio Gumamela… Continue reading Kampanya kontra dengue, pinaigting ng Antipolo LGU ngayong El Niño

CAAP at Hong Hong Aviation Dep’t, nagkaroon ng kolaborasyon para sa target na 48 aircraft per hour operation sa NAIA

Nagkaroon ng collaboration meeting ang Civil Aviation Authority of the Philippines at ang Hongkong Aviation Department para sa target ng bansa na magkaroon ng 48 aircraft per hour ang serbisyo ng Ninoy Aquinyo International Airport kahit na hindi ganoon kalakihan ang pasilidad ng nasabing paliparan. Ayon kay CAAP Deputy Director General for Administration Atty. Danjun… Continue reading CAAP at Hong Hong Aviation Dep’t, nagkaroon ng kolaborasyon para sa target na 48 aircraft per hour operation sa NAIA

Mga naapektuhan ng pagguho ng bahagi ng simbahan sa Bulacan, inayudahan ng DSWD

Nag-abot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong indibidwal ng gumuhong ikalawang palapag ng St. Peter Parish Church sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Feb. 14. Pinangunahan ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon ang pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng cash assistance para sa mga… Continue reading Mga naapektuhan ng pagguho ng bahagi ng simbahan sa Bulacan, inayudahan ng DSWD

Storytelling activity para sa ‘Children with Disability’, isinagawa sa lungsod ng Muntinlupa

Nagsagawa ng storytelling activity para sa Children with Disability (CWD) ang Muntinlupa City Public Library (MCPL) bilang bahagi ng programang “Basa Batang Munti”. Ang mga batang PWD mula sa Association of Persons with Disabilities Putatan, Inc., kasama ng kanilang mga magulang ay bumisita sa MCPL bilang bahagi ng pagdiriwang sa National Down Syndrome Consciousness Month.… Continue reading Storytelling activity para sa ‘Children with Disability’, isinagawa sa lungsod ng Muntinlupa

Mga hakbang ng Pilipinas sa pagpapapalakas ng investment at pagpapabuti ng business environment, welcome sa Japanese gov’t

Positibo ang Japanese government na maganda ang mga isinasagawang pamamaraan at hakbangin ng Pilipinas sa pagpapalakas ng investment at business environment sa bansa. Ayon kay Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, malaki ang kaniyang pagtitiyak na mas maraming mga bansa ang magnanais na mamuhunan sa Pilipinas lalo na sa pagsasaayos ng mga polisiya at maging sa business… Continue reading Mga hakbang ng Pilipinas sa pagpapapalakas ng investment at pagpapabuti ng business environment, welcome sa Japanese gov’t

Rehabilitasyon ng Pasig River, pinalawak pa ng DHSUD

Tuloy-tuloy na ang konstruksyon para sa susunod na phase ng Pasig River Urban Development Project. Ayon sa DHSUD, ang susunod na bahagi ng Pasig Bigyang Buhay Muli Project ay pinalawak pa sa Intramuros area sa Maynila. Sinabi ni DHSUD Sec. Acuzar na makatutulong ito ng malaki sa turismo at maging sa lokal na ekonomiya sa… Continue reading Rehabilitasyon ng Pasig River, pinalawak pa ng DHSUD

Modernisasyon ng civil registration system, umusad na sa Kamara

Nagdesisyon ang House Committee on Population and Family Relations na pag-isahin ang tatlong panukalang batas na layong i-modernisa ang civil registration and vital statistics (CRVS) system sa bansa. Kabilang dito ang House Bill 9572 na iniakda nina Speaker Martin Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos,… Continue reading Modernisasyon ng civil registration system, umusad na sa Kamara

Ilang Marikeño, hati na bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng bisikleta

Hati ang ilang Marikeño sa hakbanging bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng bisikleta kasama na iyong mga e-bike at e-trike. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, may ilang nagsabi na bisikleta na lamang ang pinakamura nilang mabibili para makapunta sa kanilang patutunguhan. Katuwiran nila, may itinalaga nang bike lane para doon sila dumaan kaya’t para… Continue reading Ilang Marikeño, hati na bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng bisikleta