Imbestigasyon ng Senado sa ‘war on drugs’, welcome para sa Manila solon

Isang magandang oportunidad para kay Manila Rep. Bienvenido Abante, co-chair ng Quad Committee ang planong imbestigasyon din ng Senado sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon. Aniya, magsisilbi itong complement sa ginagawa nang pagsisiyasat ng komite. Kasabay nito, sinabi ng mambabatas na igagalang nila kung pipiliin ng dating Pang. Rodrigo Duterte na sa Senate hearing… Continue reading Imbestigasyon ng Senado sa ‘war on drugs’, welcome para sa Manila solon

Panibagong batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Lebanon, magbabalik-Pilipinas ngayong araw

Nakatakdang dumating ngayong araw ang nasa 45 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa gulo sa Lebanon. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), alas-4 ng hapon inaasahang lalapag ang Kuwait Airways flight KAC417 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Maliban sa mga OFW, kasama rin sa naturang flight ang dalawang bata na… Continue reading Panibagong batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Lebanon, magbabalik-Pilipinas ngayong araw

Inflation ngayong 2024, tinatayang nasa 3.1% — BSP

Inaasahang makakamit ng bansa ang 3.1 percent inflation ng 2024, ito ay base sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Paliwanag ni BSP Assistant Governor of the Monetary Policy Sub-sector Zeno Abenoja, ito ay dahil sa mas mababang inflation rate sa buwan ng Agosto at Setyembre kaya mahihila nito pababa ang inflation rate para sa… Continue reading Inflation ngayong 2024, tinatayang nasa 3.1% — BSP

Hiwalay na Senate investigation sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, iginagalang ng Quad Comm

Iginagalang ng Quad Comm ang plano ng Senado na magkasa rin ng hiwalay na imbestigasyon tungkol sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, partikular sa sinasabing reward system. Ayon kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, co-chair ng Quad Comm, karapatan ng Senado na imbestigahan ang isyu. Karapatan din aniya ng mga senador na nadadawit… Continue reading Hiwalay na Senate investigation sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, iginagalang ng Quad Comm

Kaso ng pambu-bully sa isang estudyante sa Pasig City na nag-viral sa social media, iniimbestigahan na ng LGU

Pumasok na sa imbestigasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay sa insidente ng “bullying” sa isang estudyante na nag-viral pa sa social media. Sa isang pahayag, sinabi ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig na nakikipag-ugnayan na sila sa Pasig Schools Division Office hinggil dito. Sa viral video, makikita ang estudyante na pinalahuhod at ilang beses… Continue reading Kaso ng pambu-bully sa isang estudyante sa Pasig City na nag-viral sa social media, iniimbestigahan na ng LGU

10 biktima ng prostitusyon, nasagip sa isinagawang operasyon ng PNP-ACG sa Quezon Province

Hindi bababa sa 10 kababaihan na sinasabing biktima ng prostitusyon ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG). Ito’y sa magkahiwalay na operasyon na kanilang ikinasa sa mga bayan ng Tayabas at Lucena sa Quezon Province kung saan dalawang prostitution den ang nalansag. Ayon kay PNP-ACG Director, PMGen. Ronnie Francis Cariaga,… Continue reading 10 biktima ng prostitusyon, nasagip sa isinagawang operasyon ng PNP-ACG sa Quezon Province

PBBM, nagpasalamat sa lider ng UAE sa iginawad na pardon sa 143 mga Pilipino

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr Kay United Arab Emirates President Sheikh Mohamed bin Zayed kaugnay ng ginawa nitong paggawad ng pardon sa may 143 mga Pilipino sa UAE. Sa Facebook post ng Pangulo, inihayag nitong nagkaroon Sila ng pagkakataong makapag-usap ng UAE leader kung saan dito niya ipinaabot ang pasasalamat kay… Continue reading PBBM, nagpasalamat sa lider ng UAE sa iginawad na pardon sa 143 mga Pilipino

Maritime security, pag-usbong ng AI, at pagpapalakas ng ekonomiya, ilan sa mga binuksan ni PBBM sa ASEAN-US Summit

Photo courtesy of Presidential Communications Office Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malaking papel na ginagampanan ng Estados Unidos sa pagpapanatili ng seguridad at pag-asenso sa Southeast Asia. Sa ika-12 ASEAN-US Summit sa Vientiane, Laos ngayong araw, sinabi ng Pangulo na malaking bagay na pinananatiling aktibo ng US ang kanilang presenya sa rehiyon… Continue reading Maritime security, pag-usbong ng AI, at pagpapalakas ng ekonomiya, ilan sa mga binuksan ni PBBM sa ASEAN-US Summit

Agresyon ng China sa South China Sea, tinalakay ni US Secretary of State Anthony Blinken sa 12th ASEAN-US Summit

Binigyang-diin ni US Secretary of State Anthony Blinken ang lumalala at dumadalas na iligal na aksyon ng China sa East at South China Sea. Sa ika-12 ASEAN-US Summit, ipinunto ng US official na dahil sa mga agresyon ng China, maraming indibidwal na ang nasaktan at nakasira na rin ito ng mga sasakyang pandagat ng ilang… Continue reading Agresyon ng China sa South China Sea, tinalakay ni US Secretary of State Anthony Blinken sa 12th ASEAN-US Summit

Party-list solon, suportado ang pagkakaroon ng batas ukol sa ‘political dynasty’

Suportado ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang anumang hakbang para sa pagpapatibay ng isang ‘anti-dynasty law’. Aniya, malinaw naman din kasi itong nakasaad sa ating Konstitusyon. Ang kailangan lang aniya ay malinaw na mailatag kung ano ba ang hangganan ng political dynasty–halimbawa, kung ito ba ay sa paghihiwalay sa pagitan ng local at national… Continue reading Party-list solon, suportado ang pagkakaroon ng batas ukol sa ‘political dynasty’