Pilipinas, muling iginiit ang kahagahan ng pagtalima sa rules-based order, dayalogo at diplomasya sa pagresolba sa mga isyu

Binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na sumunod sa rules-based order at isulong ang diplomasiya at dayalogo sa pagresolba ng anomang hindi pagkakaunawaan. Sa inaugural ceremony ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum, sinabi ni Romualdez na suportado ng Pilipinas ang pagsunod sa rules based order at iba pang international law. Tinukoy… Continue reading Pilipinas, muling iginiit ang kahagahan ng pagtalima sa rules-based order, dayalogo at diplomasya sa pagresolba sa mga isyu

Sponsor ng naipasang Nuclear Energy Safety Act sa kamara, umaasang masuportahan din ito ng senado

Umaasa si Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na maisusulong din sa senado ang naipasang panukala sa kamara sa Nuclear Energy Safety. Tinukoy nito ang House Bill 9293, o ang proposed Philippine National Nuclear Energy Safety Act na pasado na sa ikatlong pagbasa sa plenaryo ng kamara. Sa ilalim ng panukala, nakapaloob ang pagtatatag ng Philippine Atomic… Continue reading Sponsor ng naipasang Nuclear Energy Safety Act sa kamara, umaasang masuportahan din ito ng senado

Mga apektado ng LPA at shearline sa 6 na rehiyon sa bansa, pumalo na sa halos 900k

Pumalo na sa mahigit 224,000 pamilya o katumbas ng mahigit 849,000 indibidwal ang apektado ng shearline at binabantayang Low Pressure Area sa bahagi ng Visayas. Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang nasabing bilang sa may 1,147 na mga barangay sa mga rehiyon ng CALABARZON, Bicol,… Continue reading Mga apektado ng LPA at shearline sa 6 na rehiyon sa bansa, pumalo na sa halos 900k

Presyo ng produktong petrolyo inaasahang tataas sa susunod na linggo

Asahan na tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo partikular na sa presyo ng kerosene at diesel. Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Bureau Assistant Director Rodela Romero, magtataas ng P0.20 hanggang P0.40 sentimo ang kada litro ng diesel habang tataas naman ang presyo ng kerosene sa P0.35 hanggang P0.50… Continue reading Presyo ng produktong petrolyo inaasahang tataas sa susunod na linggo

Aftershocks kasunod ng 6.8 magnitude na Davao Occidental quake, umabot na sa 126 — PHIVOLCS

Patuloy pa ring nakararanas ng mga pagyanig o aftershocks ang ilang lalawigan sa Mindanao kasunod ng tumamang 6.8 magnitude Davao Occidental quake nitong nakaraang linggo. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, as of 10am ay umakyat na sa 126 ang naitalang aftershocks. Mula rito, 80 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o… Continue reading Aftershocks kasunod ng 6.8 magnitude na Davao Occidental quake, umabot na sa 126 — PHIVOLCS

PH Embassy sa Jordan, nakahanda sakaling may mga Pinoy na nais lumikas sa West Bank

Nananatiling bukas ang Embahada ng Pilipinas sa Jordan na tumulong sa mga Pilipino na nais lumikas mula sa West Bank dahil pa rin sa giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas. Ayon sa embahada, nasa 115 ang mga Pilipino ang kasalukuyang nasa West Bank, 85 ay mga residente na talaga ng West Bank habang… Continue reading PH Embassy sa Jordan, nakahanda sakaling may mga Pinoy na nais lumikas sa West Bank

Delegasyon ng Asia Pacific Parliamentary Forum, ramdam ang mainit na pagsalubong ng Pilipinas

Ibinahagi ni Speaker Martin Romualdez, co-chair ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum na masaya ang mga delegasyon ng 18 bansang nakikibahagi ngayon sa pulong sa preparasyon ng bansa. Aniya, mahalagang maiparamdam ng Pilipinas ang mainit na pagtanggap sa kanila dahil ito ang mga opisyal na gumagawa ng mga polisiya at batas sa kani-kanilang mga bansa… Continue reading Delegasyon ng Asia Pacific Parliamentary Forum, ramdam ang mainit na pagsalubong ng Pilipinas

MIAA, nagbigay babala sa publiko dahil sa kumakalat na fake account sa social media ng paliparan

Nagbigay babala ang Manila International Airport Authority o MIAA sa publiko ukol sa mga kumakalat na fake accounts sa social media na nagsusubasta ng mga naiwang bagahe sa paliparan. Ayon kay MIAA General Manager na disamayado ito sa mga kumakalat na balita na nagbebenta ang MIAA ng mga bagaheng nawawala. Dagdag pa ni Co, na… Continue reading MIAA, nagbigay babala sa publiko dahil sa kumakalat na fake account sa social media ng paliparan

DFA, muling siniguro ang kaligtasan ng 17 Filipino seafarers matapos ma-hostage ng Houthi rebels

Muling siniguro ng Department of Foreign Affairs ang kaligtasan ng 17 seafarers na na-hostage ng Houthi rebels sa Yemen. Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, buhay pa ang mga Pinoy seafarers na na-hostage ng naturang grupo kamakailan. Dagdag pa ni De Vega, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang intel sa sitwasyon ng Pinoy seafarers.… Continue reading DFA, muling siniguro ang kaligtasan ng 17 Filipino seafarers matapos ma-hostage ng Houthi rebels

Pasay 360 reclamation project, pasado sa environmental assessment ng independent assessor; naturang proyekto, hindi magpapalala ng pagbaha

RECLAMATION

Siniguro ng Pasay City government at joint venture nito na pasado sa environmental assessment ang ginagawang reclamation project na Pasay 360. Ito’y matapos ihayag ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara ang pagkabahala sa environmental impact ng mga reclamation project sa Manila Bay kung saan sakop din ang Pasay City. Punto ni Vergara ngayong may climate… Continue reading Pasay 360 reclamation project, pasado sa environmental assessment ng independent assessor; naturang proyekto, hindi magpapalala ng pagbaha