Reclamation, may negatibong epekto sa daloy ng tubig sa Manila Bay base sa inisyal na pag-aaral ng DENR

Inamin ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na base sa inisyal na pag-aaral ng kanilang ahensya, lumalabas na nakakaapekto at nakakapagpabagal ng daloy ng tubig ang reclamation na ginagawa sa Manila Bay. Babaguhin din aniya ng reclamation ang circulation at retention ng pollutants at organic materials sa Manila Bay. Gayunpaman, hindi pa direktang masabi ng… Continue reading Reclamation, may negatibong epekto sa daloy ng tubig sa Manila Bay base sa inisyal na pag-aaral ng DENR

Pagkakakilanlan ng lalaking Chinese na nahuli sa isang bahay sa Tuba, Benguet, isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros

Ibinunyag ni Senate Committee on Women Chairperson at Senadora Risa Hontiveros ang pagkakakilanlan ng Chinese na natagpuan sa isang bahay sa Tuba, Benguet. Matatandaang ang naturang bahay ay sinabi ni Atty. Harry Roque na pagmamay-ari ng isang korporasyon na mayroon siyang interes. Sa dokumentong ibinahagi ni Hontiveros, kinilala ang naturang Chinese national na si Sun… Continue reading Pagkakakilanlan ng lalaking Chinese na nahuli sa isang bahay sa Tuba, Benguet, isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros

Mawawalang kita ng gobyerno mula sa mga POGO, hindi kalakihan — Sen. Sherwin Gatchalian

Sinabi ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson at Senador Sherwin Gatchalian na hindi gaanong kalakihan ang mawawalang kita ng gobyerno sa pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Ayon Gatchalian, batay sa aktwal na revenue collection na iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang mga POGO ay nakapag-remit lang ng kabuuang… Continue reading Mawawalang kita ng gobyerno mula sa mga POGO, hindi kalakihan — Sen. Sherwin Gatchalian

P1.537-T na nakapaloob sa 2025 budget, popondohan ng loans ng pamahalaan

Manggagaling sa mga gagawing loan ng Pilipinas ang P1.537 trillion na bubuo sa P6.532 trillion na 2025 National Budget. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Usec. Joselito Basilio na P4.6 trillion ang manggagaling sa revenue o koleksyon ng pamahalaan. Kabilang dito ang buwis na magmumula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau… Continue reading P1.537-T na nakapaloob sa 2025 budget, popondohan ng loans ng pamahalaan

Davao solon, ikinalugod ang pagkakapasa ng Medical Cannabis Bill sa Kamara

Ipinagpasalamat ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na sa wakas ay pasado na rin sa Kamara ang House Bill 10439 o Medical Cannabis Law. Ayon kay Alvarez na isa sa pangunahing may-akda ng panukala, magandang simula ito para sa mga kababayan natin na may sakit gaya ng cancer at seizure na natutulungang ibsan ang… Continue reading Davao solon, ikinalugod ang pagkakapasa ng Medical Cannabis Bill sa Kamara

Target na maraming trabaho ng Marcos admin, inaksyunan ng DTI, DepEd at pribadong sektor

Nagsanib pwersa ang Thames International School, Department of Education, at Department of Trade and Industry para maisakatuparan ang kagustuhan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng mas maraming trabaho ang mga Pilipino. Sa mismong tanggapan ng Department of Trade and Industry isinagawa ang isang ceremonial signing ng memorandum of agreement sa pagitan ng… Continue reading Target na maraming trabaho ng Marcos admin, inaksyunan ng DTI, DepEd at pribadong sektor

Benepisyaryo ng P29 program sa Taguig, nagpasalamat kay PBBM para sa murang bigas

Malaking tulong para sa benepisyaryong na si Lola Edith ang P29 program ng administrasyong Marcos Jr. Sa FTI Kadiwa sa Taguig, nakabili si Lola dith ng limang kilong bigas na nagkakahalaga ng 29 pesos ang bawat kilo. Aniya, malaking bagay sa kanila ang nasabing programa dahil nagagamit sa ibang gastusin ang natitipid nilang pera na… Continue reading Benepisyaryo ng P29 program sa Taguig, nagpasalamat kay PBBM para sa murang bigas

PRA, bukas sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa sinasabing pagbaha sa Metro Manila dahil sa Manila Bay Reclamation

Positibo ang tingin ng pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa ikinakasang imbestigasyon ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan patungkol sa nangyaring pagbaha sa kalakhang Maynila kung saan ang ginagawang reklamasyon sa Manila Bay ang itinuturong dahilan. Ayon kay PRA Assistant General Manager, Atty. Joseph Literal, ang nakaambang na imbestigasyon ay magbibigay sa kanila ng… Continue reading PRA, bukas sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa sinasabing pagbaha sa Metro Manila dahil sa Manila Bay Reclamation

BFAR-Bicol, namahagi ng 5 toneladang seaweed propagules sa seaweed farmers ng Garchitorena, CamSur

Nai-award na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang nasa limang toneladang seaweed propagules para sa mga seaweed farmer mula sa Garchitorena, Camarines Sur. Ito ay bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang seaweed production sa rehiyon alinsunod sa commitment ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. sa seaweed… Continue reading BFAR-Bicol, namahagi ng 5 toneladang seaweed propagules sa seaweed farmers ng Garchitorena, CamSur

7 Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at panunuhol, inaresto ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation ang pitong Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at nagtangka pang manuhol sa mga operatiba ng ahensya. Iniharap ni NBI Dir. Jaime Santiago sa media ang pitong suspek na sina Sun Jie, Lee Ching Ho, Jenny Pan, Zhao Zheng, Dong Jangua, Yuan Bien at Shap Wen Hu… Continue reading 7 Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at panunuhol, inaresto ng NBI