Paglago ng agri sector sa 3rd quarter ng taon, pinuri ng House agriculture panel chair

Welcome para kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga ang naitalang paglago sa sektor ng agrikultura sa 3rd quarter ng taon. Aniya, malaking bagay ang 0.9% growth ng agriculture, fishery, at forestry sectors sa ikatlong quarter ng taon, ngunit kung ia-adjust, ang quarter to quarter growth ng agrikultura ay nasa 1.4% Maliban… Continue reading Paglago ng agri sector sa 3rd quarter ng taon, pinuri ng House agriculture panel chair

Precision paradrop simulation, isinagawa sa AJEX DAGITPA 2023

Nag-deploy ng dalawang S-70i Blackhawk helicopter ang Philippine Air Force para sa military freefall o paradrop simulation ng Field Training Exercise o FTX 5 ng Armed Forces of the Philippines’ Joint Exercises Dagat-Langit-Lupa (AJEX DAGITPA). Ang pagsasanay ay isinagawa nitong Sabado sa Culili Point, Paoay, Ilocos Norte. Kalahok dito ang mga aircrew ng Philippine Air… Continue reading Precision paradrop simulation, isinagawa sa AJEX DAGITPA 2023

Pansamantalang pagbawas sa import duty sa natural gypsum, anhydrite, pinayagan ng Malacañang

Ibinaba ng Office of the President ang Executive Order no. 46 na nag-uutos sa pag-modify ng rate ng import duty para sa natural gypsum at anhydrite, o iyong mga pangunahing raw materials para sa paggawa ng plasterboards at semento na ginagamit sa konstruksyon. Base sa kautusan, layon ng hakbang na ito na i-revitalize at pataasin… Continue reading Pansamantalang pagbawas sa import duty sa natural gypsum, anhydrite, pinayagan ng Malacañang

Pinal na IRR para sa Maharlika, ‘ultimate safeguard’ ng pondo — SDS Gonzales

Pinapurihan ni House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang pagsasapinal ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa pangangasiwa ng Maharlika Investment Corporation (MIC). Para sa mambabatas, ito aniya ang magsisilbing “ultimate safeguard” para sa pinakahihintay na Maharlika Investment Fund. Sa pamamagitan aniya ng inilabas na regulasyon ay magpapalakas sa otonomiya ng Board… Continue reading Pinal na IRR para sa Maharlika, ‘ultimate safeguard’ ng pondo — SDS Gonzales

Ika-pitong batch ng OFW mula Israel nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw

Natakdang dumating sa bansa ang ika-pitong batch ng Overseas Filipino Workers mula sa bansang Israel ngayong araw dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas. Sakay ng Etihad Airways Flight 424, nakatakdang lumapag sa NAIA Terminal 3 mamayang 3:10 ng hapon ang nasa 37 OFWs na nagpasyang umuwi muna ng bansa.… Continue reading Ika-pitong batch ng OFW mula Israel nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw

Mga hindi awtorisadong sasakyan na nahuli dahil sa pagdaan sa EDSA busway, umakyat na sa 300

Tumaas pa ang bilang ng mga hindi awtorisadong sasakyan na dumaraan sa EDSA busway na nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, PNP Highway Patrol Group o HPG at Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT. Batay sa 11am update ng MMDA, pumalo na sa 333 ang bilang ng mga motoristang… Continue reading Mga hindi awtorisadong sasakyan na nahuli dahil sa pagdaan sa EDSA busway, umakyat na sa 300

Quezon City government, bukas sa potensyal ng AI

Handa ang Quezon City government na mag-adapt sa mga technological advancement kasama na ang potensyal ng Artificial Intelligence o AI. Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nais nitong manguna ang QC pagdating sa mga innovation gaya na lang ng AI. Naniniwala ang alkalde na makatutulong ang mga bagong trend sa teknolohiya para mapalawak rin at maiangat… Continue reading Quezon City government, bukas sa potensyal ng AI

MNLF combatants, pinagkalooban ng livelihood assistance ng DSWD

Abot sa 232 Moro National Liberation Front combatants sa Marawi City ang pinagkalooban ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development. Ayon sa DSWD, bawat combatant ay tumanggap ng P45,000 na maaari nilang magamit para simulan ang kanilang kabuhayan sa ilalim ng Bangsamoro Transitory Cash Assistance. Ipinagkaloob ang tulong pinansyal matapos sumailalim… Continue reading MNLF combatants, pinagkalooban ng livelihood assistance ng DSWD

Pamilyang nakatira sa kariton sa QC, tinulungan ng DSWD

Naghatid na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang pamilyang nakatira sa kariton at nanlilimos sa Quezon City. Ayon sa DSWD, agad na inatasan ni Sec. Gatchalian ang Oplan Pag-Abot team para maabot ang pamilya na mag-iisang buwan nang namamalimos sa Araneta Avenue sa Quezon City sa ilalim ng Skyway.… Continue reading Pamilyang nakatira sa kariton sa QC, tinulungan ng DSWD

San Juan City LGU, naglunsad ng mga programa kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Childrens’ Month

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang State of the Children Address sa kanilang lungsod, kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month. Sa kaniyang mensahe, tiniyak ni Zamora ang patuloy nilang pagtataguyod sa mga pangangailangan at karapatan ng mga batang Pilipino. Ang tema ngayong taon ay “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to… Continue reading San Juan City LGU, naglunsad ng mga programa kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Childrens’ Month