DSWD, umapela sa publiko na isumbong ang anumang kaso ng karahasan sa mga kabataan

Nanawagan sa publiko ang Department of Social Welfare and Development na agad i-report sa mga awtoridad o pinakamalapit na tanggapan ng gobyerno sakaling makasaksi ng kaso ng karahasan sa mga kabataan. Binigyang diin ng DSWD ang seryosong usapin sa mga batang inaabuso at dapat itong ipagbigay-alam sa kinauukulan. Maaari ring tumawag sa Makabata Helpline 1383… Continue reading DSWD, umapela sa publiko na isumbong ang anumang kaso ng karahasan sa mga kabataan

Suporta ng Pransya sa modernisasyon ng Philippine Navy, tiniyak ng French Ambassador

Tiniyak ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel ang buong suporta ng Pransya sa modernisasyon ng Philippine Navy. Ang pagtiyak ay ginawa ng Embahador sa kanyang courtesy visit kay Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa Philippine Navy Headquarters. Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, natalakay ang posibleng pagsuplay sa… Continue reading Suporta ng Pransya sa modernisasyon ng Philippine Navy, tiniyak ng French Ambassador

Manila solon, muling nanawagan para sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO sa bansa

Nanindigan si Manila Rep. Bienvenido Abante na hindi POGO ang sagot para sa dagdag na pondo ng pamahalaan Sa privilege speech ng House Committee on Human Rights chairperson, pinayuhan nito ang pamahalaan na maghanap ng iba pang alternatibo kaysa sa umasa sa kita mula sa mga POGO. Diin ng mambabatas, hindi na sapat ang regulasyon… Continue reading Manila solon, muling nanawagan para sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO sa bansa

2 NPA, patay sa magkakasunod na engkwentro sa Negros Occidental

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang magkakasunod na engkwentro sa Negros Occidental. Sa ulat kay AFP Visayas Command (VisCom) commander Lieutenant General Benedict Arevalo, nangyari ang unang engkwentro sa Barangay Yao-Yao, Cauayan sa pagitan ng 15th Infantry Battalion at Southwest Front sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol at… Continue reading 2 NPA, patay sa magkakasunod na engkwentro sa Negros Occidental

Samu’t saring agri products na walang kaukulang dokumento, hinarang ng Bureau of Plant Industry sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Plant Industry ang samu’t saring produktong agrikultural buhat sa 6 na pasahero na sakay ng magkakahiwalay na flight at dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Ito’y ayon sa BPI ay matapos na mabigo ang mga naturang pasahero na magpakita ng kaukulang dokumento para maipasok ito sa… Continue reading Samu’t saring agri products na walang kaukulang dokumento, hinarang ng Bureau of Plant Industry sa NAIA

PSA, inaasahang tataas ang bilang ng mga may trabaho ngayong huling quarter ng 2023

Inaasahan ng Philippine Statistics Authority ang pagtaas sa bilang ng mga magkakatrabaho ngayong huling quarter ng taon. Ayon kay PSA National Statistician at Civil Registrar Gen. Usec. Claire Dennis Mapa, kadalasan talagang nagkakaroon ng pagtaas sa employment rate sa ikaapat na quarter dahil sa tumataas rin ang economic activities sa pagpasok ng holiday season Kasama… Continue reading PSA, inaasahang tataas ang bilang ng mga may trabaho ngayong huling quarter ng 2023

AFP Chief nagpasalamat sa suporta ng Pransya

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa pagsuporta ng Pransya sa Pilipinas sa gitna ng mga iligal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea. Ang pasasalamat ay ipinaabot ni Gen. Brawner kay French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel sa courtesy visit nito sa Camp… Continue reading AFP Chief nagpasalamat sa suporta ng Pransya

Suporta ni Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa PBBM admin at kay Speaker Romualdez, mananatili

Mananatili ang suporta ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa administrasyong Marcos Jr., at sa liderato ni Speaker Martin Romualdez. Ito ay kahit pa inalis siya bilang Deputy Speaker. Sa statement na inilabas ni CGMA, sinabi nito na isa umano sa mga dahilan ng kaniyang pagkakatanggal ay ang hindi paglagda sa House… Continue reading Suporta ni Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa PBBM admin at kay Speaker Romualdez, mananatili

Umano’y sabwatan sa pagitan ng Meralco at ERC, binatikos ng isang mambabatas

Binatikos ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez ang umano’y pagsasabwatan ng Meralco at Energy Regulations Commission dahil bigo ang mga ito na i-refund sa mga customer ang sobra-sobrang singil sa kuryente. Sa kaniyang privilege speech sa plenaryo, sinabi ni Fernandez na masyadong mataas ang weighted average cost of capital o WACC ng Meralco na ipinapapasa… Continue reading Umano’y sabwatan sa pagitan ng Meralco at ERC, binatikos ng isang mambabatas

Pag-amyenda sa fuel subsidies sa ilalim ng 2024 GAA, suportado ng DOF

Suportado ng Department of Finance ang panukalang amyendahan sa 2024 General Appropriations Act (GAA) provision para sa fuel subsidies ng transport sector. Ginawa ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pahayag kasunod nang naitalang 4.9% inflation para sa buwan ng Oktubre. Maaalalang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang gawing simple at… Continue reading Pag-amyenda sa fuel subsidies sa ilalim ng 2024 GAA, suportado ng DOF