Davao solon, ikinalugod ang pagkakapasa ng Medical Cannabis Bill sa Kamara

Ipinagpasalamat ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na sa wakas ay pasado na rin sa Kamara ang House Bill 10439 o Medical Cannabis Law. Ayon kay Alvarez na isa sa pangunahing may-akda ng panukala, magandang simula ito para sa mga kababayan natin na may sakit gaya ng cancer at seizure na natutulungang ibsan ang… Continue reading Davao solon, ikinalugod ang pagkakapasa ng Medical Cannabis Bill sa Kamara

Target na maraming trabaho ng Marcos admin, inaksyunan ng DTI, DepEd at pribadong sektor

Nagsanib pwersa ang Thames International School, Department of Education, at Department of Trade and Industry para maisakatuparan ang kagustuhan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng mas maraming trabaho ang mga Pilipino. Sa mismong tanggapan ng Department of Trade and Industry isinagawa ang isang ceremonial signing ng memorandum of agreement sa pagitan ng… Continue reading Target na maraming trabaho ng Marcos admin, inaksyunan ng DTI, DepEd at pribadong sektor

Benepisyaryo ng P29 program sa Taguig, nagpasalamat kay PBBM para sa murang bigas

Malaking tulong para sa benepisyaryong na si Lola Edith ang P29 program ng administrasyong Marcos Jr. Sa FTI Kadiwa sa Taguig, nakabili si Lola dith ng limang kilong bigas na nagkakahalaga ng 29 pesos ang bawat kilo. Aniya, malaking bagay sa kanila ang nasabing programa dahil nagagamit sa ibang gastusin ang natitipid nilang pera na… Continue reading Benepisyaryo ng P29 program sa Taguig, nagpasalamat kay PBBM para sa murang bigas

PRA, bukas sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa sinasabing pagbaha sa Metro Manila dahil sa Manila Bay Reclamation

Positibo ang tingin ng pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa ikinakasang imbestigasyon ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan patungkol sa nangyaring pagbaha sa kalakhang Maynila kung saan ang ginagawang reklamasyon sa Manila Bay ang itinuturong dahilan. Ayon kay PRA Assistant General Manager, Atty. Joseph Literal, ang nakaambang na imbestigasyon ay magbibigay sa kanila ng… Continue reading PRA, bukas sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa sinasabing pagbaha sa Metro Manila dahil sa Manila Bay Reclamation

BFAR-Bicol, namahagi ng 5 toneladang seaweed propagules sa seaweed farmers ng Garchitorena, CamSur

Nai-award na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang nasa limang toneladang seaweed propagules para sa mga seaweed farmer mula sa Garchitorena, Camarines Sur. Ito ay bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang seaweed production sa rehiyon alinsunod sa commitment ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. sa seaweed… Continue reading BFAR-Bicol, namahagi ng 5 toneladang seaweed propagules sa seaweed farmers ng Garchitorena, CamSur

7 Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at panunuhol, inaresto ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation ang pitong Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at nagtangka pang manuhol sa mga operatiba ng ahensya. Iniharap ni NBI Dir. Jaime Santiago sa media ang pitong suspek na sina Sun Jie, Lee Ching Ho, Jenny Pan, Zhao Zheng, Dong Jangua, Yuan Bien at Shap Wen Hu… Continue reading 7 Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at panunuhol, inaresto ng NBI

Higit ₱200-B pondo, ipinapanukala para sa flood control projects sa 2025

Papalo sa mahigit ₱200 bilyon ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa flood control at mitigation para sa susunod na taon. Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program na isinumite ng DBM sa Kamara, pinaglaanan ng ₱254.3 bilyon ang Flood Management Program ng DPWH. Gagamitin ito sa konstruksyon, maintenance at rehabilitasyon ng 1,903 flood mitigation… Continue reading Higit ₱200-B pondo, ipinapanukala para sa flood control projects sa 2025

NHA, namahagi ng mahigit 200 pabahay sa Mindanao

Kabuuang 233 housing units ang ipinamahagi ng National Housing Authority sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Tagum City, Davao Del Norte at Glan sa Saranggani Province. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, 200 pamilya ang nakatanggap ng housing units mula sa Masandag Tribal Village Phase 1 at 2 ng NHA. Ginawa ang proyekto sa ilalim… Continue reading NHA, namahagi ng mahigit 200 pabahay sa Mindanao

₱6.8-M halaga ng access road papuntang Situbo Falls sa Zamboanga del Norte, natapos na ng DPWH-9

Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng access road papuntang Situbo Falls sa bayan ng Tampilisan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte. Ang 265 lane meters na kalsada ay may pondong higit sa ₱6.8 milyon mula sa General Appropriations Act (GAA) 2023. Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, regional… Continue reading ₱6.8-M halaga ng access road papuntang Situbo Falls sa Zamboanga del Norte, natapos na ng DPWH-9

Iriga City, CamSur, kinilala bilang isa sa ‘digital cities’ sa bansa

Kinilala ang lungsod ng Iriga, Camarines Sur bilang isa sa 19 na ‘digital cities’ sa ginanap na Digital Cities Awards 2024 sa Kawit Island, Cebu City. Ang Lungsod ng Iriga ay kinilala bilang leading hub para sa IT-BPM (Business Processing Management) investment. Mismong si Iriga City Mayor Rex Oliva ang tumanggap ng nasabing pagkilala para… Continue reading Iriga City, CamSur, kinilala bilang isa sa ‘digital cities’ sa bansa