Kampaniya kontra ‘spaghetti wires’ ng MMC, suportado ng Meralco

Welcome sa Manila Electric Company (Meralco) ang hakbang ng Metro Manila Council (MMC) na linisin ang sala-salabat na mga kable sa National Capital Region (NCR) na bukod sa perwisyo na, takaw peligro pa. Ayon kay Meralco Vice President for Corporate Communications at Spokesperson, Joe Zaldarriaga, malaking tulong sa kanila na makatuwang ang mga Local Chief… Continue reading Kampaniya kontra ‘spaghetti wires’ ng MMC, suportado ng Meralco

OWWA, tiniyak ang suporta sa pamilya ng nawawalang Pinoy crew mula sa MV Tutor

“Aalalayan at hindi iiwan”. Ito ang mga katagang binitiwan ni Overseas Workers Welfare Administration Admin Arnell Ignacio sa pamilya ng nawawalang Filipino crew na sakay ng MV Tutor. Sinabi ni Ignacio na gagawin lahat ng OWWA ang makakaya nito para mahanap ang nawawalang marino. Dagdag pa ng opisyal na ang OWWA Regional Office sa pangunguna… Continue reading OWWA, tiniyak ang suporta sa pamilya ng nawawalang Pinoy crew mula sa MV Tutor

Mga lokalidad sa Metro Manila, hinikayat na magpasa ng ordinansa para maisaayos ang ‘spaghetti wires’ sa kanilang lugar

Hinikayat ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga Local Chief Executive sa National Capital Region (NCR) na magpasa ng ordinansa sa lalong madaling panahon. Ito’y para malinis ang kanilang nasasakupan mula sa mga sala-salabat na kable ng kuryente at komunikasyon na itinuturing na takaw-peligro sa mga residente. Sa… Continue reading Mga lokalidad sa Metro Manila, hinikayat na magpasa ng ordinansa para maisaayos ang ‘spaghetti wires’ sa kanilang lugar

Paggamit ng e-signature para sa mabilis na pagproseso ng infra projects ng pamahalaan, pinayagan ng NEDA

Pinayagan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang paggamit ng mga electronic o digital signature para sa ilang mga dokumento para pablisin proseso sa pagkuha ng permit sa mga flagship infrastructure project ng pamahalaan. Ito ang inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan nang lagdaan nito ang memorandum of understanding katuwang ang Anti-Red Tape… Continue reading Paggamit ng e-signature para sa mabilis na pagproseso ng infra projects ng pamahalaan, pinayagan ng NEDA

DFA, mariing kinondena ang patuloy na agresibong aksyon ng Tsina sa resupply mission ng bansa

Mariing kinukondena ng Department of Foreign Affairs ang panibagong insidente sa Ayungin Shoal kasabay ng isang humanitarian mission sa BRP Sierra Madre nitong June 17. Giit ng DFA, tinutuligsa nito ang iligal at agresibong aksyon ng Chinese authorities na nagresulta sa pagkapahamak ng mga tauhan at pagkasira ng mga kagamitan ng Pilipinas. Dagdag pa ng… Continue reading DFA, mariing kinondena ang patuloy na agresibong aksyon ng Tsina sa resupply mission ng bansa

4Ps beneficiaries, binalaan ng DSWD vs. pekeng FB posts na nagpapalabas ng payout schedule

Pinag-iingat ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga kumakalat na pekeng Facebook post na nagsasabing mayroong schedule for grant payout. Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao, nakatanggap ang ahensya ng report kaugnay… Continue reading 4Ps beneficiaries, binalaan ng DSWD vs. pekeng FB posts na nagpapalabas ng payout schedule

Ikalawang yugto ng ‘Cope Thunder’ exercise ng Pilipinas at US, nagsimula na

Nagsimula na kahapon (June 18) ang ikalawang yugto ng ‘Cope Thunder’ exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at US Pacific Air Force sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga. Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, tinatayang 1,000 mga tauhan mula sa iba’t ibang unit ng PAF ang makikibahagi sa ‘subject matter… Continue reading Ikalawang yugto ng ‘Cope Thunder’ exercise ng Pilipinas at US, nagsimula na

Bagong PTV GM Nebrida, sumabak na sa unang araw ng trabaho

“Business as usual”, ito ang mensahe ng bagong PTV4 General Manager na si Toby Nebrida sa pagharap nito sa mga empleyado ng network sa kanyang unang araw ng trabaho. Mainit na sinalubong si Nebrida ng mga kawani ng governmentt network na naglaan ng maikling programa para i-welcome ang opisyal sa pagbabalik nito sa istasyon. Kasama… Continue reading Bagong PTV GM Nebrida, sumabak na sa unang araw ng trabaho

Ulat ng CCG sa huling insidente sa Ayungin Shoal, ‘deceptive’ at ‘misleading’ — AFP

Hindi na papahalagahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “deceptive” at “misleading” na pahayag ng Chinese Coast Guard (CCG) kaugnay ng huling insidente sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad kaugnay ng ulat ng Chinese Coast Guard na binangga umano ng resupply vessel ng… Continue reading Ulat ng CCG sa huling insidente sa Ayungin Shoal, ‘deceptive’ at ‘misleading’ — AFP

Mga residente ng QC, pinag-iingat dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue at iba pang sakit

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagtaas ng mga kaso ng dengue, leptospirosis, at influenza-like na mga sakit sa lungsod sa nakalipas na dalawang linggo. Ito’y matapos ang dalawang linggong sunod-sunod na mga pag-ulan. Habang mino-monitor ng Quezon City Health Department ang kaso ng mga nasabing sakit, pinaaalalahanan ang publiko sa mga… Continue reading Mga residente ng QC, pinag-iingat dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue at iba pang sakit