Posibilidad na ‘national threat’ ang POGO sa bansa, pinag-aaralan ng AFP

Pinag-aaralan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung maikukunsiderang banta sa pambansang seguridad ang mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa. Ito’y sa gitna ng sunod-sunod na natutuklasang iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga POGO, kung saan ang pinakahuli ay ang nadiskubre sa 10 hektaryang POGO sa Porac, Pampanga. Sa pulong balitaan… Continue reading Posibilidad na ‘national threat’ ang POGO sa bansa, pinag-aaralan ng AFP

Mindanao solon, nanawagan kay PBBM na lagdaan na ang Maritime Zones Bill

Umapela si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lagdaan na ang panukalang Maritime Zones Bill upang mas mapalakas ang posisyon ng Pilipinas laban sa agresibong aktibidad ng China sa West Philippine Sea. Giit ni Rodriguez, oras na maging ganap itong batas ay mas maigigiit ng Pilipinas ang ating… Continue reading Mindanao solon, nanawagan kay PBBM na lagdaan na ang Maritime Zones Bill

‘No Release’ policy sa mga na-impound na sasakyan sa anti-colorum ops, ipatutupad ng LTO

Mas pinaigting pa ng Land Transportation Office (LTO) ang nationwide anti-colorum campaign nito sa pagpapatupad ng ‘No Release’ policy sa lahat ng mga na-impound na sasakyan sa anti-colorum operations. Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, kailangan na ng mas mabigat na kaparusahan sa mga colorum na sasakyan nang maipakita sa… Continue reading ‘No Release’ policy sa mga na-impound na sasakyan sa anti-colorum ops, ipatutupad ng LTO

Libreng sakay ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy dahil sa tigil-pasada

Patuloy ang paghahandog ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ng libreng sakay sa mga nasasakupang lugar nito. Ito ay para sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada ngayong araw na ikinasa ng mga grupong PISTON at MANIBELA at inaasahang tatagal hanggang sa araw ng Miyerkules, June 12, 2024. Ayon sa pamahalaang lungsod, ide-deploy ang mga… Continue reading Libreng sakay ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy dahil sa tigil-pasada

Bagong istasyon ng LRT-1, ininspeksyon ng DOTr at iba pang ahensya ng pamahalaan

Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Transportation kasama ang Department of Finance, MMDA at lokal na pamahalaan ng Parañaque sa bagong istasyon ng LRT-1 na Dr. Santos terminal. Pinangunahan nina Transportation Sec. Jaime Bautista at Finance Sec. Ralph Recto ang naturang inspeksyon. Ayon kay Bautista, inaasahang magbubukas ang nasabing terminal bago matapos ang taong kasalukuyan.… Continue reading Bagong istasyon ng LRT-1, ininspeksyon ng DOTr at iba pang ahensya ng pamahalaan

Pasay City, ibinahagi ang best practices nito sa bayan ng Garchitorena, CamSur

Mainit na tinanggap ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubino sa Bulwagang Pampamahalaan ng lungsod ang mga lokal na opisyal ng Garchitorena, Camarines Sur sa pangunguna ng punong bayan na si Mayor Leda S. San Luis kasama ang iba’t ibang pinuno nito Ayon kay Rubiano, umaasa siya na mabibigyan ng inspirasyon ang nasabing mga opisyal hinggil… Continue reading Pasay City, ibinahagi ang best practices nito sa bayan ng Garchitorena, CamSur

OWWA, hinikayat ang OFWs na kumuha ng e-CARD

Hinikayat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW na kumuha ng OFW e-CARD upang magkaroon ng mas mabilis na access sa mga programa at serbisyo ng OWWA. Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, ang bagong OFW e-CARD ay mas secure at magagamit itong valid ID ng mga kababayang OFW sa mga transaksyon nito… Continue reading OWWA, hinikayat ang OFWs na kumuha ng e-CARD

Mambabatas, tiwalang ipatutupad ng DA ang ‘safety measures’ sa pag-aangkat ng bigas

Tiwala si House Committee on Agriculture Chair at Quezon Rep. Wilfredo Mark Enverga na maipatutupad ng Department of Agriculture ang ‘safeguard measure’ sa pag-aangkat ng bigas upang maiwasan ang pagbaha nito sa merkado. Sa ambush interview kay Enverga, sinabi nito na walang dapat ikabahala ang publiko o maging ang lokal na magsasaka sa pag-apruba sa… Continue reading Mambabatas, tiwalang ipatutupad ng DA ang ‘safety measures’ sa pag-aangkat ng bigas

Higit ₱36.8-B investment, naitala ng PEZA sa unang limang buwan ng 2024

Nasa mahigit ₱36.8 bilyon ang naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na halaga ng naaprubahang investment ang pumasok na sa bansa sa unang limang buwan ng 2024. Sa naturang halaga ng pamumuhunan na naproseso ng PEZA ay nagmumula sa sektor ng IT Business Processing Management at mula sa sektor ng manufacturing. Ayon sa PEZA,… Continue reading Higit ₱36.8-B investment, naitala ng PEZA sa unang limang buwan ng 2024

Mabilis na paghahatid ng pagkain sa mamamayan, tiniyak ng Pangulo sa gitna ng tumataas na demand ng pagkain

Pinabibilis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahatid ng pagkain sa mamamayan. Sa talumpati ng Pangulo kaugnay ng pinangunahan nitong pamamahagi ng titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries sa Camarines Sur, sinabi nitong tumataas ang demand ng pagkain sa buong bansa. Binigyang diin ng Pangulo na kailangang ito ay matugunan sa pamamagitan ng… Continue reading Mabilis na paghahatid ng pagkain sa mamamayan, tiniyak ng Pangulo sa gitna ng tumataas na demand ng pagkain