Eroplano ng VietJet Air, nag-emergency landing sa Laoag International Airport

Nag-emergency landing ang VietJet Air flight VJC975 na biyaheng Phu Quoc, Vietnam mula Incheon, South Korea kaninang 5:11 ng umaga sa Laoag International Airport dahil sa technical problem. Aabot sa 207 pasahero at pitong crew ang lulan ng nasabing eroplano. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, hindi nagdeklara ang piloto ng VietJet Air… Continue reading Eroplano ng VietJet Air, nag-emergency landing sa Laoag International Airport

Philippine Red Cross, namahagi ng tulong sa mahigit 14k indibidwal na apektado ng pag-aalburoto ng Mayon

Umabot na sa mahigit 14,000 indibidwal na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Legazpi, Albay ang nabigyan ng tulong ng Philippine Red Cross o PRC. Namahagi ang PRC Albay chapter ng mga non-food items gaya ng sleeping kits, shelter kits, at water container. Ayon sa PRC, nakapagbigay na sila ng tulong sa 74 porsyento… Continue reading Philippine Red Cross, namahagi ng tulong sa mahigit 14k indibidwal na apektado ng pag-aalburoto ng Mayon

78% approval rating sa restorasyon ng ROTC, ibinida ni AFP Chief Gen. Centino

Ibinida ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang 78 porsyentong approval rating sa March Pulse Asia Survey para sa restorasyon ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) Program. Sa Fellowship dinner kagabi kasama ang mga cadet officer ng University of the Philippines (UP) Diliman sa Camp Aguinaldo, sinabi ni… Continue reading 78% approval rating sa restorasyon ng ROTC, ibinida ni AFP Chief Gen. Centino

MMDA, Metro Manila LGUs, nagpulong para sa bubuuing 50-year Metro Manila Drainage Master Plan

Nagsagawa ng roundtable discussion ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Ito ay para sa bubuuing 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan. Ayon sa MMDA, layon nitong pag-isahin ang mga polisiya, istratehiya, at programang may kinalaman sa flooding at drainage improvement works. Kabilang sa… Continue reading MMDA, Metro Manila LGUs, nagpulong para sa bubuuing 50-year Metro Manila Drainage Master Plan

Itinutulak na ‘sugar import liberalization’, tinutulan ng sugar producers

Nanawagan ang United Sugar Producers Federation (UNIFED) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ‘wag paboran ang sugar liberalization o pagpapahintulot sa mga industrial user na direktang mag-import ng asukal. Itinutulak ito ni Finance Sec. Benjamin Diokno para pagbigyan ang industrial users sa gitna ng plano ng pamahalaan na taasan ang buwis sa sugar sweetened beverages.… Continue reading Itinutulak na ‘sugar import liberalization’, tinutulan ng sugar producers

Kauna-unahang SEAMEO INNOTECH Youth-Led Summit, inilunsad

Opisyal nang nagbukas ang kauna-unahang Youth Summit na inorganisa ng Southeast Asian Ministers of Education Organization – Regional Center for Innovative Educational Technology (SEAMEO INNOTECH) sa Quezon City. Nagtipon-tipon dito ang nasa higit 160 youth leaders mula sa 10 ASEAN member-countries kabilang ang Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste, Vietnam, at… Continue reading Kauna-unahang SEAMEO INNOTECH Youth-Led Summit, inilunsad

DSWD, namahagi ng tulong sa mga sinalanta ng flash flood at landslide sa Bukidnon

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng pagkain sa mga sinalanta ng baha at landslide sa Malaybalay Bukidnon. Ayon sa DSWD, mahigit 5,000 Family Food Packs ang kanilang ipinadala sa local government ng Malaybalay, Bukidnon para ipamigay sa mga pamilya. Base sa datos, abot sa 5,100 pamilya o katumbas ng… Continue reading DSWD, namahagi ng tulong sa mga sinalanta ng flash flood at landslide sa Bukidnon

Panukalang i-akyat sa UNGA ang isyu sa WPS, dapat munang pag-aralan — DND Sec. Teodoro

Naniniwala si Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na dapat munang pag-aralang mabuti kung makakatulong sa Pilipinas ang pag-aakyat sa United Nations General Assembly (UNGA) ng iringan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea. Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay ng panukala sa Senado na mag-sponsor ang pamahalaan ng isang resolusyon sa UNGA… Continue reading Panukalang i-akyat sa UNGA ang isyu sa WPS, dapat munang pag-aralan — DND Sec. Teodoro

PBBM, naipakita ang pagpapahalaga sa mga OFW sa unang taon — party-list solon

Para kay OFW party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino, naiparamdam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang kaniyang pagpapahalaga sa Overseas Filipino Workers sa unang taon pa lamang niya sa puwesto. Ayon kay Magsino, pinagtibay ng administrasyong Marcos Jr. ang mga mekanismo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan sa ibang bansa… Continue reading PBBM, naipakita ang pagpapahalaga sa mga OFW sa unang taon — party-list solon

Mahigit 180 PDLs mula sa iba’t ibang penal colonies sa bansa, pinalaya ng BuCor

Sabay-sabay na pagpapalaya sa may 183 mga Persons Deprived of Liberty o PDL mula sa iba’t ibang penal colonies ng Bureau of Correction o BuCor sa buong bansa. Ito ang mga nagpakita ng kagandahang asal at pagsunod sa mga patakaran sa loob ng bilangguan habang binubuno ang kanilang sentensya. Kaninang umaga, pinangunahan ni BuCor Director… Continue reading Mahigit 180 PDLs mula sa iba’t ibang penal colonies sa bansa, pinalaya ng BuCor