Higit 23k pasahero, nagbenepisyo sa libreng sakay ng MRT-3 ngayong Araw ng Kalayaan

Mula kaninang alas-siyete hanggang alas-nuebe ng umaga, umabot na sa 23,186 ang mga pasaherong nagbenepisyo ng “libreng sakay” sa Metro Rail Transit line 3 (MRT-3). Ang libreng sakay ay handog ng pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for… Continue reading Higit 23k pasahero, nagbenepisyo sa libreng sakay ng MRT-3 ngayong Araw ng Kalayaan

Higit 4k trabaho, binuksan sa Independence Job Fair sa Pampanga

28 kumpanya ang nakilahok sa Independence Day Job Fair na ginaganap sa SM Telabastagan, sa San Fernando, Pampanga. Maliban pa ito sa allied services gaya ng Philippine Statistics Authority, BIR, SSS, Pag-IBIG at TESDA. Nasa 4,350 job vacancies naman ang maaari aplayan ng mga taga-Pampanga na naghahanap ng trabaho. Ilan sa mga trabahong ito ay… Continue reading Higit 4k trabaho, binuksan sa Independence Job Fair sa Pampanga

Kalayaan mula sa gastos sa serbisyong medikal, pangarap ng isang mambabatas sa mga Pilipino

Sa paggunitang Araw ng Kalayaan, ay hinimok ni AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang Kongreso na palayain rin ang mga Pilipino mula sa malaking gastos sa healthcare services. “Today we are celebrating our independence and this should inspire us lawmakers to craft laws that would free Filipinos from out-of-pocket medical expenses,” saad ng mambabatas Kasunod… Continue reading Kalayaan mula sa gastos sa serbisyong medikal, pangarap ng isang mambabatas sa mga Pilipino

Pagtatatag ng Kadiwa Agri-Food Terminals, pinamamadali ng isang kongresista

Umapela si AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na sana’y dinggin na ang panukalang batas na magtatatag ng Kadiwa Agri-food terminals sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kasunod na rin ito ng naitalang oversupply ng kalabasa sa Region 3 gaya na lang sa bayan ng Zaragoza at Talavera, Nueva Ecija. Aniya, napakalaki ng ipinupuhunan ng mga… Continue reading Pagtatatag ng Kadiwa Agri-Food Terminals, pinamamadali ng isang kongresista

Mga job applicant, dumagsa sa Kalayaan Job Fair sa SM Grand Central, Caloocan

Maaga pa lang ay mahaba na agad ang pila sa ikinasang Kalayaan job fair na binuksan ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA sa SM City Grand Central sa Caloocan City ngayong araw. Isa sa maagang nakipila rito si Christian, fresh graduate mula pa sa Mindanao na nagbabakasakaling ma-hired on the spot. Si Tatay Alberto naman,… Continue reading Mga job applicant, dumagsa sa Kalayaan Job Fair sa SM Grand Central, Caloocan

Maayos na pagpapatupad ng ‘Excellence in Teacher Education Law’, pinatitiyak kasabay ng paglalabas ng IRR ng batas

Hinikayat ni Senate Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang ganap na pagpapatupad ng Excellence in Teacher Education Act (Republic Act 11713). Ito ay kasunod ng pagkakapirma ng implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas. Sa ilalim nito ay aayusin ang Teacher Education Council (TEC) para paigtingin ang koordinasyon sa… Continue reading Maayos na pagpapatupad ng ‘Excellence in Teacher Education Law’, pinatitiyak kasabay ng paglalabas ng IRR ng batas

NEDA, kinilala ang potensyal ng ICT sa pagsusulong ng ‘inclusive growth’

Binigyang diin ng National Economic and Development Authority ang kahalagahan ng paggamit ng umuusbong na teknolohiya bilang stratehiya sa pagsasakatuparan ng socioeconomic transformation agenda ng administrasyong Marcos. Sa kanyang talumpati sa International ICT Awards-Philippines Celebratory Gala Dinner, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na hindi dapat isantabi ang ICT na nagsisilbing pundasyon sa pagpapanibago… Continue reading NEDA, kinilala ang potensyal ng ICT sa pagsusulong ng ‘inclusive growth’

Walang nakanselang flight sa NAIA Terminal 3 matapos ang power outage kanina — MIAA

Ganap nang nakabalik sa normal ang sitwasyon ngayon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3. Ito’y matapos makaranas ng mahigit kalahating oras na power interruption sa nasabing paliparan kaninang pasado alas-12 ng tanghali bunsod ng electrical short circuit sa kanilang roadway 1 at 2. Ayon kay MIAA Acting General Manager Brian Co, aminado… Continue reading Walang nakanselang flight sa NAIA Terminal 3 matapos ang power outage kanina — MIAA

3,000 family tents, inihahanda na ng DSWD para sa mga pamilyang inililikas sa Albay

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development ang nasa 3,000 family tents habang ongoing na ngayon ang pagpapalikas sa mga residenteng nasa loob ng permanent danger zone sa Bulkang Mayon. Ayon sa DSWD, mayroon nang 26 pamilyang mula sa Sitio Nagsipit ng Barangay Mariroc sa Tabaco City ang inilikas sa Pawa evacuation center.… Continue reading 3,000 family tents, inihahanda na ng DSWD para sa mga pamilyang inililikas sa Albay

Singil sa kuryente ng isang distribution utility company, patuloy ang pagbaba

Sa loob ng magkakasunud na anim na buwan o simula pa noong Enero ngayong taon ay bumaba ang singil sa kuryente ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City. Ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1 sa… Continue reading Singil sa kuryente ng isang distribution utility company, patuloy ang pagbaba