DSWD, tiniyak na may sapat na relief goods para sa maaapektuhan ng Bagyong Betty

Muling tiniyak ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa publiko na may sapat na relief goods na istratehikong inilagay sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa bagyong Betty. Sinabi ng kalihim na naka-pre-postioned na sa iba’t ibang warehouses ang mahigit 800,000 family food packs na maaaring agad na i-tap… Continue reading DSWD, tiniyak na may sapat na relief goods para sa maaapektuhan ng Bagyong Betty

Special Operations Unit ng PDEG, ‘di na bubuwagin

Hindi na bubuwagin ng PNP ang mga Special Operations Unit (SOU) ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG). Ito ang an inanunsyo ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. matapos niyang ikonsidera ang naturang hakbang kasunod ng nangyaring anomalya sa pagkakarekober ng 990 kilo ng shabu noong nakaraang taon. Ayon sa PNP Chief, matapos ang… Continue reading Special Operations Unit ng PDEG, ‘di na bubuwagin

Threat assessment sa mga barangay official, isinasagawa ng PNP

Nagsasagawa na ng threat assessment ang PNP sa ilang mga opisyal ng barangay na nag-ulat na nakatanggap sila ng banta sa kanilang buhay. Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang naturang mga opisyal ay bibigyan ng karampatang seguridad kung makumpirma na nahaharap sila sa “valid threat”. Sinabi naman ni Police Security and… Continue reading Threat assessment sa mga barangay official, isinasagawa ng PNP

Contingency measures sa bagyong Betty, pinatitiyak ng NEA sa electric cooperatives

Inabisuhan na ng National Electrification Administration (NEA) ang electric cooperatives (ECs) sa bansa na paghandaan ang posibleng epekto ng bagyong Betty sa kanilang mga pasilidad. Partikular na inatasan ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) ang mga kooperatiba na maglatag na ng kanya-kanyang contingency measures para mabawasan ang impact ng bagyo na posibleng… Continue reading Contingency measures sa bagyong Betty, pinatitiyak ng NEA sa electric cooperatives

Publiko, pinag-iingat sa mga taong nagpapakilalang opisyal ng DSWD

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development ang publiko laban sa mga taong nagpapanggap na konektado sa ahensya. Ayon sa DSWD-MIMAROPA, nakatanggap sila ng ulat na may ilang indibidwal na nagpapakilala bilang opisyal ng kagawaran at nakikitungo sa mga mapanlinlang na aktibidad sa mga supplier nito. Hinihikayat ang publiko na maging mapagbantay sa pakikitungo… Continue reading Publiko, pinag-iingat sa mga taong nagpapakilalang opisyal ng DSWD

Lady solon, umaasang magiging halimbawa ang Bohol sa responsableng pangangalaga sa mga geological heritage ng Pilipinas

Umaasa si Senate Committee on Tourism Chairperson Senadora Nancy Binay na magiging template ang Bohol para sa pambansang pamahalaan at iba pang mga lokal na pamahalaan kung paanong responsableng matatahak ang pag-unlad. Ginawa ng senadora ang naturang pahayag matapos ideklarang UNESCO Global Geopark ang isla ng Bohol. Giit ni Binay, malaking hakbang ito para sa… Continue reading Lady solon, umaasang magiging halimbawa ang Bohol sa responsableng pangangalaga sa mga geological heritage ng Pilipinas

Paggamit ng digital payment sa mga transaksyon sa gobyerno, inaprubahan ng komite sa Kamara

Maaari nang matalakay sa plenaryo ang panukala na magsusulong sa paggamit ng digital payment sa mga financial transaction sa gobyerno at lahat ng negosyo. Ito’y matapos aprubahan at iendorso ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang House Bill 8252 o Promotion of Digital Payment Bill. Sa ilalim nito, lahat ng ahensya ng gobyerno,… Continue reading Paggamit ng digital payment sa mga transaksyon sa gobyerno, inaprubahan ng komite sa Kamara

CBCP, ikinalungkot ang eskandalo sa pagitan ng mga katolikong deboto nito

Humihingi ng kapatawaran ang simbahang katolika sa mga mananampalataya nito hinggil sa nangyayaring legal battle sa pagitan ng mga mismong miyembro nito. Matatandaang sinampahan ng kaso ng deboto at dating mahistrado na si Harriet Demetriou ang excorcist priest na si Fr. Winston Cabading matapos nitong tawaging “demonic” ang isang aparisyon ng Birheng Mariya noong 1948,… Continue reading CBCP, ikinalungkot ang eskandalo sa pagitan ng mga katolikong deboto nito

Rep. Teves, hindi pa rin napagbigyang dumalo sa Ethics Committee hearing via teleconference

Hindi pa rin pinahintulutan ng House Committee on Ethics and Privileges si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na makadalo sa pagdinig ng komite via video conferencing. Ayon sa mambabatas, batay sa palitan nila ng mensahe ni COOP NATCO party-list Rep. Felimon Espares Jr, sinabi ng chair ng komite na idudulog pa niya ang apela… Continue reading Rep. Teves, hindi pa rin napagbigyang dumalo sa Ethics Committee hearing via teleconference

Pagsusuot ng facemask at dobleng pag-iingat vs. COVID-19, patuloy na ipinapanawagan sa Maynila

Patuloy na nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa publiko lalo na sa mga residente nito na mag-doble ingat kontra COVID-19. Ito’y kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nahahawaan ng COVID-19 sa nakalipas na higit dalawang linggo. Sa inilabas na datos ng Manila Health Department, nasa 260 na ang aktibong kaso matapos… Continue reading Pagsusuot ng facemask at dobleng pag-iingat vs. COVID-19, patuloy na ipinapanawagan sa Maynila