Mambabatas, ipinanawagan ang mas mainam na serbisyo para sa mga residente ng Pag-asa Island

Umapela si Senador Jinggoy Estrada sa mga kasamahan sa senado na bigyang atensyon ang mga residente ng Pag-asa Island sa Palawan at i-angat din ang kanilang kabuhayan. Sinabi ni Estrada na hindi dapat maging dahilan ang pagiging isolated at malayo ng Pag-asa Island upang pabayaan ang mga nakatira roon. Ginawa ng Senate Committee on National… Continue reading Mambabatas, ipinanawagan ang mas mainam na serbisyo para sa mga residente ng Pag-asa Island

BIR, nagbabala sa mga taxpayer na may maraming TIN

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga taxpayer na kumuha lang ng isang Tax Identification Number (TIN). Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang sinumang indibidwal na nakakuha ng higit sa isang TIN ay lumalabag sa National Internal Revenue Code. May katapat umano itong multa na Php1,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa… Continue reading BIR, nagbabala sa mga taxpayer na may maraming TIN

Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP

Sisimulan na ng PNP ang imbestigasyon sa umano’y kulang na service recognition incentive (SRI) bonus na natanggap ng ilang mga pulis. Sa isang ambush interview kahapon, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na makikipag-coordinate ang PNP kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at sa iba pang… Continue reading Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP

PCSO, nagsagawa ng medical caravan sa lungsod ng Marikina

Nagsagawa ng medical assistance ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga residente ng lungsod ng Marikina. Sa naturang okasyon, nabahagian ang mga taga-Marikina ng libreng dental at medical consultation, bunot ng ngipin, mga gamot, at grocery packs. Ang mga serbisyong ito ay karadagdagan sa regular na libreng medical at health care services na ipinagkakaloob ng… Continue reading PCSO, nagsagawa ng medical caravan sa lungsod ng Marikina

Isang bahay ampunan sa QC, ipinasara ng DSWD

Ipinasara ng Department of Social Welfare and Development ang isang bahay ampunan sa Brgy. Bagumbuhay, Project 4, Quezon City. Batay sa ulat, inisyuhan ng Cease-and-Desist Order ng DSWD ang Gentle Hands Inc. (GHI) dahil hindi ito nakasunod sa minimum standards para sa residential facilities para sa mga bata. Paglabag umano ito sa Republic Act No.… Continue reading Isang bahay ampunan sa QC, ipinasara ng DSWD

100 drivers, sumailalim sa Road Safety Seminar sa PITX ngayong araw

Sumailalim sa Road Safety seminar sa PITX ang 100 drivers ngayong araw. Ayon kay PITX Corporate Affairs Gov’t Relation Head Jayson Salvador, layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga driver, pasahero at kapwa driver na nakakasabay sa lansangan. Binigyang pansin din ang malusog na paningin ng mga driver na isa sa importante sa pagmamaneho.… Continue reading 100 drivers, sumailalim sa Road Safety Seminar sa PITX ngayong araw

DSWD, pinaghahandaan na ang papalapit na tropical cyclone

Nagsasagawa na ng repacking ng Family Food Packs ang Department of Social Welfare and Development – National Resource Operations Center bilang paghahanda sa paparating na tropical cyclone. Base sa ulat ng PAGASA, maaari umanong maging supertyphoon ang namataang tropical cyclone. Bukod sa paghahanda ng family food packs, mahigpit na ring nakikipag-ugnayan ang DSWD-National Resource and… Continue reading DSWD, pinaghahandaan na ang papalapit na tropical cyclone

Electric Cooperatives, binalaan laban sa ‘blacklisted contractors’

Binalaan ng National Electrification Administration ang lahat ng electric cooperatives sa bansa laban sa mga blacklisted contractor. Nilalayon ng NEA na maiwasan ang pagkaantala sa pagpapatupad ng subsidy-funded projects. Gaya ng nakasaad sa NEA Memorandum 2023-23, inaatasan ang mga EC na singilin at magpataw ng liquidated damages laban sa mga erring contractor para sa lahat… Continue reading Electric Cooperatives, binalaan laban sa ‘blacklisted contractors’

National Crime Prevention Program ng Pangulong Marcos Jr., puspusang ipinatutupad ng PNP

Puspusang ipinatutupad ng PNP ang 2023 National Crime Prevention Program na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Mayo 2 sa pamamagitan ng Executive Order 19. Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na alinsunod sa plano, tinututukan ng PNP sa ngayon ang “Crime Prevention”. Ito’y sa pamamagitan ng pag-alis… Continue reading National Crime Prevention Program ng Pangulong Marcos Jr., puspusang ipinatutupad ng PNP

Rehabilitasyon sa nasunog na National Post Office building, dapat gawing mabilis

Umapela si Deputy Speaker Ralph Recto na maging maagap ang pamahalaan sa rehabilitasyon at restoration ng nasunog na National Post Office Building. Aniya, sakaling kumatok ang post office sa pintuan ng Malacañang ay paglaanan ito ng pondo para sa pagsasaayos ng naturang historical landmark. Maaari aniya i-tap ang ₱13 billion contingent fund. Maaari din aniya… Continue reading Rehabilitasyon sa nasunog na National Post Office building, dapat gawing mabilis