PCG, magdadagdag ng barko para alalayan ang ‘Atin Ito’ civilian mission convoy

Inihahanda na ngayon ng Philippine Coast Guard ang dalawang karadagang barko na ide-deploy sa West Philippine Sea para alalayan ang naglalayag ngayong civilian-initiated mission na ‘Atin Ito’ coalition patungong Bajo de Masinloc. Sa pulong balitaan ng PIA, sinabi ni PCG Spokesperson on West Philippines Sea Commodore Jay Tarriela na mayroon na ngayong 44 meter vessel… Continue reading PCG, magdadagdag ng barko para alalayan ang ‘Atin Ito’ civilian mission convoy

Ika-5 balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, inilarga

Anim na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang isinailalim sa ika-5 balasahan sa kanilang hanay, mahigit isang buwan matapos maupo sa puwesto si PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil. Batay sa inilabas na general orders epektibo kahapon, Mayo 14, ililipat sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) si PBGen. Kirby John… Continue reading Ika-5 balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, inilarga

AFP reserve force, nakahanda anumang oras

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na pinaghahanda na ang mga reserve force upang may dagdag na pwersa sakaling kailanganin ito anumang oras. Sa Kapihan sa Manila Prince Hotel, sinabi ni Col. Francel Padilla, tagapagsalita ng AFP, nasa 1.4 million ang kabuuang reserve force ng AFP. Sa bilang na ito, mayroong mga miyembro ang… Continue reading AFP reserve force, nakahanda anumang oras

QCPD, nakamit ang 100% crime clearance efficiency sa 8 focus crimes

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District ang kanilang bagong achievement nang makamit ang 100% crime clearance efficiency sa walong focus crimes sa Quezon City mula Mayo 6-12, 2024. Sa nasabing panahon, naitala ang 22 insidente ng walong focus crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft, kumpara sa… Continue reading QCPD, nakamit ang 100% crime clearance efficiency sa 8 focus crimes

Pagrepaso sa Rice Tarrification Law, tinatalakay sa Senado

Nilinaw ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang intensyon sa pagsusulong ng pagrepaso sa Rice Tariffication Law ay hindi ang ibalik sa National Food Authority (NFA) ang buong awtoridad na pag-aangkat at pagbebenta ng bigas. Inihayag ito ni Laurel sa pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Agricultural and Fisheries Modernization sa gitna ng… Continue reading Pagrepaso sa Rice Tarrification Law, tinatalakay sa Senado

Pagsala sa mga kandidato, dapat higpitan ng COMELEC

Nagpaalala ang isang party-list representative sa COMELEC na salaing mabuti ang mga kakandidato lalo na ngayong papalapit na 2025 midterm elections. Sa gitna ito ng pagkuwestyon sa citizenship ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Matatandaan na sa pagdinig ng Senado sa ‘POGO-politics’ ay bigo ang alkalde na sagutin ang tanong ng mga senador gaya ng… Continue reading Pagsala sa mga kandidato, dapat higpitan ng COMELEC

Mga nasa likod ng deepfake video ng Pangulo, sinampahan ng reklamo sa ACG

Naghain ng reklamo sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang pribadong grupo laban sa mga nasa likod ng deepfake video na layong siraan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kasong paglabag sa Article 154 ng Revise Penal Code in relation to Anti-Cybercrime Law ang inireklamo ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI), sa… Continue reading Mga nasa likod ng deepfake video ng Pangulo, sinampahan ng reklamo sa ACG

Planong integrated terminal sa lote ng GSIS sa QC, ininspeksyon ng MMDA

Personal na ininspeksyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Atty. Don Artes ang bakanteng lote na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS) sa bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City. Dito planong magtayo ng isang integrated terminal at parking area na makatutulong sa mga biyahero at motorista. Kasama ni Artes sa ginawang inspeksyon… Continue reading Planong integrated terminal sa lote ng GSIS sa QC, ininspeksyon ng MMDA

‘Kasangga’ exercise ng PH at Australian army, umarangkada na

Pormal na binuksan ang “Kasangga 24-1” military exercise sa pagitan ng Philippine Army at Australian Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela kahapon (May 13). Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Col. Louie Dema-ala, kasali sa sabayang pagsasanay ang 100 sundalo ng 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division at… Continue reading ‘Kasangga’ exercise ng PH at Australian army, umarangkada na

Singil sa kuryente ng MERALCO, tataas ngayong Mayo

Inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO na magpapatupad sila ng umento sa kanilang singil sa kuryente ngayong Mayo. Batay sa abiso ng MERALCO, nasa 46 na sentimos ang idaragdag sa kanilang singil sa kada kilowatt hour. Katumbas ito ng ₱92 para sa mga kumokunsumo ng 200 kwh habang ₱231 naman para sa mga kumokunsumo… Continue reading Singil sa kuryente ng MERALCO, tataas ngayong Mayo