DA-Bicol, naglaan ng ₱153-M interbensyon para sa mga Albayanong magsasaka, mangingisda

Naglaan ng aabot sa mahigit P153 milyong halaga ng interbensyon ang Department of Agriculture-Bicol para sa mga magsasaka at mangingisda kasabay ng pagsasagawa ng Agri-Fiesta 2024 sa bayan ng Camalig, Albay. Ayon kay Adelina A. Losa, Chief of Agribusiness and Marketing Assistance Division, naghanda ang kanilang ahensya ng ilang programa at pamamahagi ng asistensya sa… Continue reading DA-Bicol, naglaan ng ₱153-M interbensyon para sa mga Albayanong magsasaka, mangingisda

Mga benepisyaryo ng El Niño project ng DSWD sa Bicol, naka-avail ng Cash-for-Training

Tatlong araw na sabay-sabay nagsagawa ng Cash-for-Training ang Department of Social Welfare and Development-Bicol Region para sa partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI. Ang Cash-for-Training ay isinagawa sa mga munisipalidad ng Pandan at Pilar sa mga lalawigan ng Catanduanes at Sorsogon. Abot sa 787 benepisyaryo ang sumailalim sa tatlong araw na Learning and Development Session… Continue reading Mga benepisyaryo ng El Niño project ng DSWD sa Bicol, naka-avail ng Cash-for-Training

Mga Pilipino, hindi dapat magpaloko sa propaganda ng China kaugnay sa WPS — kongresista

Binalaan ng isang kongresista ang publiko na maging maingat at mapanuri lalo na sa ginagawang propaganda ng China sa West Philippine Sea. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, maliban sa bullying ay nagpapakalat na ng istorya ang China na nakipagkasundo ang Pilipinas sa kanila. Ginagamit aniya ng China ang ganitong kwento upang… Continue reading Mga Pilipino, hindi dapat magpaloko sa propaganda ng China kaugnay sa WPS — kongresista

40 milyong Pilipino na walang access sa malinis na tubig, pinatututukan ng Pangulo

Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para mabigyan ng access sa tubig ang may 40 milyong Pilipino na hanggang ngayon ay walang mapagkukunan ng malinis na tubig. Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DENR Undersecretary Dr. Carlos David na karamihan sa mga tinaguriang ‘underserved’ ay nasa bahagi… Continue reading 40 milyong Pilipino na walang access sa malinis na tubig, pinatututukan ng Pangulo

House tax chief, muling binigyang diin ang kahalagahan ng pagtutok sa produksyon ng bigas

Mas lalo pa dapat tutukan ng pamahalaan ang produksyon ng bigas sa bansa kasunod ng naitalang 3.8% inflation rate sa buwan ng Abril. Punto ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, lahat ng major commodities ay nag-single digit inflation na, maliban sa bigas. At bagamat bumaba ang rice inflation, mabigat pa rin aniya ito… Continue reading House tax chief, muling binigyang diin ang kahalagahan ng pagtutok sa produksyon ng bigas

PNP, naghahanap ng mahusay na law firm na magtatanggol sa mga pulis

Naghahanap ng mahusay na law firm ang PNP para tumulong sa mga pulis na nahaharap sa “counter charges” sa pagganap ng kanilang tungkulin. Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa isang ambush interview sa kanyang pagbisita sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Headquarters ngayong umaga. Ayon sa PNP Chief,… Continue reading PNP, naghahanap ng mahusay na law firm na magtatanggol sa mga pulis

Executive Order No. 59 ng Pangulong Marcos Jr., pinuri ng mga mambabatas

Welcome para sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ang inilabas na Executive Order No. 59 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nag-aatas na i-streamline o padaliin ang pagproseso ng mga permit para sa 185 infrastructure flagship project sa bansa. Ayon kay Deputy Speaker David Suarez, ipinapakita nito ang pagbibigay halaga ng Presidente sa development… Continue reading Executive Order No. 59 ng Pangulong Marcos Jr., pinuri ng mga mambabatas

Deputy Speaker Suarez, tinawag na “political circus” ang patuloy na imbestigasyon sa PDEA leaks

Tinawag ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez na isang “political circus” ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa “PDEA leaks” na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iligal na droga. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Suarez na bagamat iginagalang nito ang desisyon ng Senado na mag-imbestiga, mas mainam na mga mahahalagang… Continue reading Deputy Speaker Suarez, tinawag na “political circus” ang patuloy na imbestigasyon sa PDEA leaks

DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng El Niño sa Lantawan, Basilan

Nagpadala na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilya na matinding naapektuhan ng El Niño sa Lantawan, Basilan. Sa ulat ng DSWD, kabuuang P3,020,192 na halaga ng relief items ang ipinagkaloob sa mga pamilya na lubhang apektado ng krisis. Kabilang sa mga benepisyaryo na hinatiran ng tulong ay mula sa… Continue reading DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng El Niño sa Lantawan, Basilan

Korte Suprema, nilinaw na wala pang desisyon kaugnay ng NCAP

Pinagdedebatihan pa rin ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang legalidad ng pagpapatupad ng “No Contact Apprehension Policy” o NCAP. Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, sumasailalim pa rin sa deliberasyon ng en banc ang legalidad ng nasabing polisiya, matapos maglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte noong 2022. Hanggang sa ngayon ay… Continue reading Korte Suprema, nilinaw na wala pang desisyon kaugnay ng NCAP