MWSS, nakabantay sa konsumo ng tubig sa residential areas sa NCR, sa gitna ng El Niño

Katuwang ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan sa pagbabantay sa konsumo ng tubig ng residential areas sa NCR ang Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS). Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni MWSS Engr. Patrick Dizon na nakipagpulong na rin sila sa Water Resources Management Office ng DENR, maging sa kanilang concessionaire kaugnay dito. Isa aniya sa… Continue reading MWSS, nakabantay sa konsumo ng tubig sa residential areas sa NCR, sa gitna ng El Niño

Marcos admin, maraming tagumpay ang natamasa dahil sa pagkakaisa — PBBM

Maraming naisakatuparan ang Marcos administration sa loob ng nakalipas na dalawang taon, dahil sa bukas at nagkakaisang approach ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga Pilipino. “Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” —… Continue reading Marcos admin, maraming tagumpay ang natamasa dahil sa pagkakaisa — PBBM

Kasaysayan at kultura ng Bicol, ibibida sa kauna-unahang Bicol Loco Hot Air Balloon Fest

Maliban sa ganda ng Mayon Volcano inaasahan ni AKO Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na maibida ang makulay na kultura ng Bicol sa gaganaping Bicol Loco Hot Air Balloon Festival. Ayon kay Co, magsisilbi ring plataporma ang balloon fest para sa cultural exchange at makatutulong din para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng kanilang rehiyon. “Through… Continue reading Kasaysayan at kultura ng Bicol, ibibida sa kauna-unahang Bicol Loco Hot Air Balloon Fest

Amyenda sa Rice Tariffication Law, magreresulta sa pagpapababa ng inflation

Malaki ang maitutulong ng amyenda sa Rice Tariffication Law para mapababa ang inflation ayon kay House Committee on Agriculture and Food vice-chair at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing. Sa pulong balitaan sa Kamara sinabi ni Suansing na bahagi ng planong amyenda sa RTL ang pagbabalik kapangyarihan sa National Food Authority na makapagbenta muli ng mas… Continue reading Amyenda sa Rice Tariffication Law, magreresulta sa pagpapababa ng inflation

DSWD, pinaghahandaan na rin ang response efforts sa pagtama ng La Niña

Puspusan na rin ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng epekto ng La Niña sa bansa. Kasunod ito ng abiso ng PAGASA na mataas ang posibilidad na umiral naman ang La Niña matapos ang El Niño. Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, nagpulong na ang Disaster Response Management Group… Continue reading DSWD, pinaghahandaan na rin ang response efforts sa pagtama ng La Niña

DSWD, may apela sa mga LGU kaugnay ng pamamahagi ng food packs

Nakiusap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaaan na magkaisa at huwag haluan ng anumang politika ang pamamahagi ng family food packs sa mga nangangailangan. Ang apela ay kasunod na rin ng nangyaring pagtatalo sa Antique ng alkalde at bise alkalde na umabot pa sa suntukan dahil sa food… Continue reading DSWD, may apela sa mga LGU kaugnay ng pamamahagi ng food packs

Pagbili at pag-install ng solar panel na hindi accredited, hindi inirerekomenda ng DOE

Nagbigay babala ang Department of Energy (DOE) sa publiko partikular sa mga nagnanais na bumili at magpa-install ng solar panel sa kanilang mga bahay dahil na rin sa nararanasang krisis at problema sa enerhiya at paglalagay sa yellow at red alert sa mga grid sa Pilipinas. Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, may mga… Continue reading Pagbili at pag-install ng solar panel na hindi accredited, hindi inirerekomenda ng DOE

Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawa pa, hinatulang guilty laban sa kasong isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro

Parusang habangbuhay na pagkabilanggo ang ipinataw kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawa pa matapos hatulang ‘guilty’ sa kasong ‘serious illegal detention for ransom’ na inihain ng actor-host na si Vhong Navarro. Kung maaalala, ang businessman na si Cedric Lee ang unang tumestigo sa hearing ng petition for bail ni Vhong Navarro, na inakusahan ng… Continue reading Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawa pa, hinatulang guilty laban sa kasong isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro

Dayuhan na may derogatory record, naharang sa NAIA

Naka-detine na sa Bureau of Immigration (BI) warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang isang Chinese national na sangkot sa cyber fraud habang hinihintay nito ang kaniyang deportation. Ang suspek na si Qin Xingye, 28 years old ay naharang ng BI port officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bago pa… Continue reading Dayuhan na may derogatory record, naharang sa NAIA

Benepisyong makukuha ng mga manggagawa sa pribadong sektor na maaalis sa trabaho, nais palawigin ng isang mambabatas

Ipinapanukala ngayon ni OFW party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino na dagdagan ang benepisyong makukuha ng mga manggagawa sa pribadong sektor na natanggal sa trabaho. Sa kaniyang House Bill 10286, aamyendahan ang kasalukuyang Social Security Act of 2018 upang madagdagan ang involuntary separation benefit ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Sakaling maisabatas, mula sa 50%… Continue reading Benepisyong makukuha ng mga manggagawa sa pribadong sektor na maaalis sa trabaho, nais palawigin ng isang mambabatas