Pasay LGU, muling nagkansela ng F2F classes

Muling sinuspinde ng Pamahalaan Lungsod ng Pasay ngayong araw (May 2) at bukas (May 3) ang face-to-face classes sa lahat ng antas mula sa pribado at pampublikong paaralan dahil sa patuloy na banta ng matinding init ng panahon. Ang nasabing suspensyon ay alinsunod sa Executive Order No. 42 na inilabas ni Pasay Mayor Imelda “Emi”… Continue reading Pasay LGU, muling nagkansela ng F2F classes

Pinsala ng El Niño sa agri sector, umabot na sa halos ₱6-B ayon sa DA

Sumampa na sa P5.9 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng matinding tagtuyot sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, batay sa assessment report ng DA-DRRM Operations Center, pinakaapektado pa rin ang rice sector na sumampa na sa P3.1 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala.… Continue reading Pinsala ng El Niño sa agri sector, umabot na sa halos ₱6-B ayon sa DA

Pagtindig ni PBBM laban sa patuloy na agresyon ng China, kailangan suportahan ng lahat ng Pilipino

Hinikayat ng dalawang mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang lahat ng Pilipino na suportahan ang pagtindig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa patuloy na panggigipit ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea. Kasunod ito ng insidente ng pagbangga at pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng… Continue reading Pagtindig ni PBBM laban sa patuloy na agresyon ng China, kailangan suportahan ng lahat ng Pilipino

Presyo ng galunggong, itlog at kamatis, bumaba sa huling bahagi ng Abril

Nanatiling mababa ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa huling bahagi ng Abril batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, bumaba pa ng P8.00 ang average retail prices sa kada kilo ng galunggong na nasa P196.29 ang kada kilo noong ikalawang bahagi ng Abril… Continue reading Presyo ng galunggong, itlog at kamatis, bumaba sa huling bahagi ng Abril

DICT, binigyang diin ang kahalagahan na magkaroon ng Cyber Security Law

Nanindigan ang DICT na kailangan na ng bansa ng Cyber Security Act. Sa pagtalakay ng House Committees on Information and Communications Technology at Public Information hinggil sa serye ng cyber attack sa mga ahensya ng pamahalaan, natanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante kung hindi pa ba sapat ang pagkakaroon ng cyber security divisions ng mga… Continue reading DICT, binigyang diin ang kahalagahan na magkaroon ng Cyber Security Law

Tatlong matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa rigudon

Muling nagpatupad ng rigudon ang Philippine National Police (PNP) sa matataas na opisyal nito. Batay sa kautusan ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, itinalaga si PMGen. Romeo Caramat Jr. bilang pinuno ng Area Police Command – Northern Luzon na isang 3-star post. Papalit naman kay Caramat bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group… Continue reading Tatlong matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa rigudon

PBBM, hinihikayat ang Kongreso na ipasa ang mga batas kaugnay sa job creation agenda ng pamahalaan

Umaapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang Kapulungan ng Kongreso na magpasa ng mga panukala na susuporta sa job creation agenda ng gobyerno. “I call on Congress to pass laws that will support the attainment of our jobs creation agenda,” — Pangulong Marcos Jr. Kabilang na rito ang Enterprise-based Education and Training Program… Continue reading PBBM, hinihikayat ang Kongreso na ipasa ang mga batas kaugnay sa job creation agenda ng pamahalaan

Batch 3 ng online application ng TUPAD Program, binuksan sa Navotas City

Binuksan na ngayong Araw ng Paggawa ng Navotas City LGU ang ika-3 batch ng online application para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program. Sa abiso ng LGU, kabuuang 1,100 aplikante ang mabibiyayaan ng trabaho ngayong Mayo dahil sa TUPAD program. Bawat barangay ay may nakalaang bilang ng slot base sa populasyon. Pero… Continue reading Batch 3 ng online application ng TUPAD Program, binuksan sa Navotas City

DICT nakapagtala ng higit 30,000 na vulnerability sa mga website ng gobyerno

Aabot sa 30,682 vulnerabilities ang natuklasasan ng DICT sa cybersecurity ng nasa 2,000 ahensya ng pamahalaan. Ito ay batay sa ginawang vulnerability scanning ng ahensya kasunod na rin ng serye ng cyber attacks sa government institutions. Ayon kay DICT Usec. Jeffery Ian Dy, maliban sa vulnerabilities ay mayroon din 811 na early detection o mga… Continue reading DICT nakapagtala ng higit 30,000 na vulnerability sa mga website ng gobyerno

21 mga dayuhang mamumuhunan, kasalukuyang nagpaparehistro ng kanilang investment sa bansa — PBBM

Iniulat ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may 21 foreign investors ang nasa proseso na ng pagpaparehistro ng kanilang negosyo sa Pilipinas. Nabangggit ito ng Punong Ehekutibo sa kanyang naging talumpati para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Ang 21 foreign investors ay kasama sabi ng Presidente sa halos 200 proyekto na inaabangan… Continue reading 21 mga dayuhang mamumuhunan, kasalukuyang nagpaparehistro ng kanilang investment sa bansa — PBBM