CamSur solon, nanawagan sa Senado na pagtibayin ang Media Workers Welfare Bill

Umaasa si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na mabilis na lang uusad sa Senado ang panukalang Media Workers Welfare Bill matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ay masisiguro ang malaya at ligtas na kapaligiran para sa mga mamamahayag. Ani Villafuerte, ang pagpapatibay sa naturang panukala ang tulong… Continue reading CamSur solon, nanawagan sa Senado na pagtibayin ang Media Workers Welfare Bill

Retrofitting sa Kamuning flyover south bound, sisikaping matapos nang mas maaga

24/7 ang gagawing pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Kamuning flyover southbound. Ito ang sinabi ni DPWH-NCR Dir. Loreta Malaluan na maagang nag-inspeksyon ngayong araw sa flyover bilang paghahanda sa pagsasara nito sa May 1. Ayon sa opisyal, sisikapin nilang agad na makumpleto ang retrofitting sa itaas na bahagi ng tulay… Continue reading Retrofitting sa Kamuning flyover south bound, sisikaping matapos nang mas maaga

Int’l visitors sa PH, pumalo na sa 2M; kita sa turismo, umabot na sa higit ₱150-B

Naabot na ng Pilipinas ang 2 million tourist arrivals ngayong buwan ng Abril. Ayon sa Department of Tourism, 94.21% ng kabuuang 2,010,522 international visitor arrivals ay pawang mga dayuhang turista habang nasa mahigit 5% naman ang mga balikbayan. Kasabay nito ay inanunsyo din ng ahensya na pumalo na sa ₱157.62 bilyon ang kita ng bansa… Continue reading Int’l visitors sa PH, pumalo na sa 2M; kita sa turismo, umabot na sa higit ₱150-B

Sektor ng pangingisda sa Lungsod Pasay, mas pinalakas ng LGU

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang pagpapalakas sa sektor ng pangingisda sa kanilang lungsod. Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang orientation para sa 130 mamamalakaya kung saan nagkaroon ng mahahalagang pag-aaral at tips para sa sektor ng mamamalakaya hinggil sa mga makabagong paraan ng pangingisda at mga pundamental na… Continue reading Sektor ng pangingisda sa Lungsod Pasay, mas pinalakas ng LGU

PBBM, iniutos ang pagpapalawig sa serbisyo ng empleyadong COS at JO sa gobyerno hanggang 2025

Extended ang serbisyo ng mga Contract of Service at Job Order workers sa pamahalaan ng hanggang Disyembre 2025. Base na din ito sa naging kautusann ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos matalakay ang probisyon sa implementasyon ng COA-DBM Circular No. 2, na may pamagat na Updated Rules and Regulations Governing COS and JO workers… Continue reading PBBM, iniutos ang pagpapalawig sa serbisyo ng empleyadong COS at JO sa gobyerno hanggang 2025

Suspensyon ng F2F classes sa lungsod ng Pasay, pinalawig

Bunsod ng patuloy na banta ng mas malalang nararamdamang init o Heat Index sa mga susunod na araw, pinahaba ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay ang suspensyon ng face-to-face classes ngayong araw (Abril 25) hanggang bukas, Biyernes (Abril 26). Kabilang sa nasasakupan ng naturang kautusan ang lahat ng antas – mapa-pribado man o pampublikong paaralan.… Continue reading Suspensyon ng F2F classes sa lungsod ng Pasay, pinalawig

Dream team ng DOF, kumpleto na matapos italaga ang mga bagong opisyal

Dream team ng Department of Finance, kumpleto na kasunod ng recent appointments ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kagarawan. Pinasalamatan ni Finance Secretary Ralph Recto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng DoF na siyang kukumpleto sa team ng Kagawaran. Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng appointment… Continue reading Dream team ng DOF, kumpleto na matapos italaga ang mga bagong opisyal

Desisyon sa rekomendasyong kanselahin ang lisenysa ng mga baril ni Pastor Quiboloy, inaasahang lalabas ngayong linggo

Posibleng mailabas na anumang araw mula ngayon ang desisyon ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil kaugnay sa inihaing rekomendasyon ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) para kanselahin ang lisensya ng mga baril ni Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy. Ayon sa Public Information Officer ng PNP-FEO na si… Continue reading Desisyon sa rekomendasyong kanselahin ang lisenysa ng mga baril ni Pastor Quiboloy, inaasahang lalabas ngayong linggo

Paggamit sa renewable energy, dapat palakasin sa gitna ng magkakasunod na araw ng manipis na suplay ng reserbang kuryente

Naniniwala ang ilang kinatawan sa Kongreso na panahon nang i-tap ang iba pang pagkukunan ng suplay ng kuryente gaya ng renewable energy. Bunsod na rin ito ng magkakasunod na araw na pagsasailalim sa alert status ng Luzon at Visayas grid, maging ng Mindanao. Ayon kay Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores dapat pinaplano talaga ang suplay… Continue reading Paggamit sa renewable energy, dapat palakasin sa gitna ng magkakasunod na araw ng manipis na suplay ng reserbang kuryente

P150 legislated wage hike, muling iginiit ng labor groups

Muling kinalampag ng ilang labor groups ang Kongreso na isabatas na ang panukalang dagdag na P150 na daily wage. Ang panawagang ito ay bahagi ng kanilang mga gagawing pagkilos sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1. Sabi ng grupong National Wage Coalition, hindi na kinakaya ng mga manggagawa ang mahal na bilihin at hindi na… Continue reading P150 legislated wage hike, muling iginiit ng labor groups