Kasunduan para sa paglikha ng locally-made satellite sa Pilipinas, nilagdaan na

Lumagda sa isang kasunduan ang Philippine Aerospace Development Corporation, Philippine Space Agency, National Development Corporation, Philippine Air Force, Japan Aerospace Exploration Agency, at Golden Medjay Defense Incorporated para sa paglikha ng locally-made na satellite. Pinangunahan ng mga kinatawan ng naturang kumpanya ang paglagda sa Memorandum of Understanding sa San Juan City ngayong araw. Ayon kay… Continue reading Kasunduan para sa paglikha ng locally-made satellite sa Pilipinas, nilagdaan na

NCRPO Chief Hernia at QCPD PCol. Buslig, nagsagawa ng inspeksyon sa Five Star Bus Terminal

Nagsagawa ng inspeksyon sina NCRPO chief PMajor General Sidney Hernia at QCPD Police Colonel Melecio Buslig sa Five Star Bus Terminal ngayong hapon. Dagsa na rin ang mga pasahero sa naturang terminal. As of 2pm, abot na sa 2,000 ang mga dumating na mga pasahero at sunod-sunod na rin ang alis ng mga pampasaherong bus… Continue reading NCRPO Chief Hernia at QCPD PCol. Buslig, nagsagawa ng inspeksyon sa Five Star Bus Terminal

Mahigit 13,000 na galon ng malinis na tubig, naipamahagi ng MMDA sa mga residenteng apektado ng bagyong Kristine sa CamSur

Umabot na sa mahigit 13,000 na galon ng malinis na inuming tubig ang naipamahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga residente ng Camarines Sur na naapektuhan ng Bagyong Kristine. Namahagi ang MMDA humanitarian team ng tulong sa halos 3,000 pamilya sa iba’t ibang barangay sa lalawigan. Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang… Continue reading Mahigit 13,000 na galon ng malinis na tubig, naipamahagi ng MMDA sa mga residenteng apektado ng bagyong Kristine sa CamSur

Party-list solon, nagpaabot ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ng mga biktima ng landslide sa Batangas

Nagpaabot ng tulong si OFW Party-list Rep. Marissa Magsino sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Batangas. Partikular niyang binisita ang munisipalidad ng Laurel, Talisay, Tanauan, Malvar, at Balete. Bukod sa relief supplies, may ipinagkaloob din siyang tulong pinansyal sa pitong pamilya na ang mga kaanak ay nasawi dahil sa landslide sa Talisay. Bilang tubong… Continue reading Party-list solon, nagpaabot ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ng mga biktima ng landslide sa Batangas

Pagkakatuklas sa 800 sako ng mga labi sa Marikina City Public Cemetery, kinondena ni Sen. Koko Pimentel

koko pimentel press con may 21. Photo by Angie de Silva/Rappler

Kinondena ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang napabalitang pagkakatukals ng 800 sako ng mga labi sa Marikina City Public Cemetery. Ayon kay Pimentel, isa itong malinaw na kalapastanganan sa mga patay at pagbalewala sa damdamin ng mga naiwang pamilya. Para sa senador, isa itong malinaw na kapabayaan ng lokal na pamahalaan ng Marikina. Pinunto… Continue reading Pagkakatuklas sa 800 sako ng mga labi sa Marikina City Public Cemetery, kinondena ni Sen. Koko Pimentel

Suspensyon kay ERC Chair Dimalanta, binawi na ng Malacañang

Binawi na ng Malacañang ang suspension order laban kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson at Chief Executive Officer Monalisa Dimalanta. Sa memorandum na mayroong petsang ika-30 ng Oktubre, 2024, at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad ang pag-reinstate o pagbalik kay Dimalanta bilang ERC Chair. Ibinase ito sa inilabas na order ng Office of… Continue reading Suspensyon kay ERC Chair Dimalanta, binawi na ng Malacañang

Lady solon, iminungkahing huwag nang pagbayarin ng kuryente ang mga pinakana-apektuhan ng Bagyong Kristine

Pinakokonsidera ngayon ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na i-waive o huwag nang singilin ng bayad sa kuryente ang mga kabahayang pinakatinamaan ng Bagyong Kristine. Giit ng mambabatas, panahon ngayon na maging ‘compassionate’ sa mga biktima ng bagyo na hirap sa pagbangon mula sa kalamidad. Ito ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand R.… Continue reading Lady solon, iminungkahing huwag nang pagbayarin ng kuryente ang mga pinakana-apektuhan ng Bagyong Kristine

Air assets ng pamahalaan at foreign aircrafts, naka-standby na para sa relief operation sa gitna ng Super Typhoon Leon

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-standby na ang kanilang air assets para sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na apektado ng Super Typhoon Leon, lalo na sa Northern Luzon. Sa Special Report Leon PH ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla na kaagad ide-deploy ang… Continue reading Air assets ng pamahalaan at foreign aircrafts, naka-standby na para sa relief operation sa gitna ng Super Typhoon Leon

Pag-aalay ng bandila at kandila sa mga yumaong sundalong Pilipino, isasagawa

Nakatakdang isagawa ngayong araw (October 31) sa Libingan ng mga Bayani ang pag-aalay ng mga bandila ng Pilipinas at pagsisindi ng mga kandila sa lahat ng puntod sa naturang sementeryo.  Ito ay bilang paggunita sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.  Magsisimula ang programa mamayang alas-4 ng hapon… Continue reading Pag-aalay ng bandila at kandila sa mga yumaong sundalong Pilipino, isasagawa

QC LGU, nag-donate ng ₱10-M sa 9 Bicol LGUs na apektado ng Bagyong Kristine

Maglalaan ng P10-M financial assistance ang Quezon City government para sa siyam na local government units (LGUs) sa Bicol region na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Kasunod ito ng pag-apruba ng Quezon City Council sa Resolution No. SP-9833 para sa paghahatid ng tulong sa mga lalawigang apektado ng kalamidad. Batay sa resolusyon, makakatanggap ng tig-P2… Continue reading QC LGU, nag-donate ng ₱10-M sa 9 Bicol LGUs na apektado ng Bagyong Kristine