Umano’y presensya ng Chinese Maritime Militia sa bisinidad ng Palawan, hindi na bago — AFP

Sanay na ang Armed Forces of the Philippines sa presensya ng Chinese Maritime Militia sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni Balikatan Exercise Director Maj. General Marvin Licudine matapos iulat ni US Maritime Security Expert Ray Powell na mayroong dalawang barko ng Chinese maritime militia sa layong 30 nautical miles mula sa baybayin ng… Continue reading Umano’y presensya ng Chinese Maritime Militia sa bisinidad ng Palawan, hindi na bago — AFP

Land Bank, nag-alok ng mga paraan kung paano makababayad ng utang ang mga ARB sa Eastern Visayas

Gumawa ng mga hakbang ang Land Bank of the Philippines kung paano mababayaran ng Agrarian Reform Beneficiaries sa Eastern Visayas ang kanilang matagal nang pagkakautang. Sinabi ni Rosemarie Arreglo ng DAR Eastern Visayas Agri-Credit and Microfinance Office na nakipag-ugnayan na ang DAR sa LBP upang matulungan ang ARBs. Aniya, nakahanap na sila ng mga paraan… Continue reading Land Bank, nag-alok ng mga paraan kung paano makababayad ng utang ang mga ARB sa Eastern Visayas

10-araw na Multilateral Maritime Exercise ng PH, US, at French navy, tampok sa Balikatan

Nakatakdang magsagawa ng 10-araw na Multilateral Maritime Exercise sa pagitan ng Philippine, US at French Navy bilang bahagi ng Balikatan Exercise 2024. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang aktibidad na isasagawa sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay magsisimula sa Abril 25. Aalis… Continue reading 10-araw na Multilateral Maritime Exercise ng PH, US, at French navy, tampok sa Balikatan

9 na barangay sa Quezon City, makakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig hanggang Abril 29

Simula mamayang gabi, makakaranas ng water service interruption ang ilang barangay sa lungsod Quezon hanggang ika-29 ng Abril. Sa abiso ng Maynilad Water Services, bunsod raw ito ng isasagawa nilang pressure test sa mga linya. Apektado ng kawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Bungad at Veterans mula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng… Continue reading 9 na barangay sa Quezon City, makakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig hanggang Abril 29

Healthcare sa lungsod ng Las Piñas, mas lumawak

Mas marami na ngayon ang makikinabang sa healthcare program ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas. Ito ay dahil sa ginawang pag-apruba ng LGU ng mga green card application na siyang magsisilbing daan para sa mga residente ng Las piñas na magkaroon ng extended essential healthcare benefits. Ayon sa Las Piñas LGU, ang kanilang green card… Continue reading Healthcare sa lungsod ng Las Piñas, mas lumawak

DSWD, namahagi ng cash aid sa Zamboanga del Sur

Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong pinansyal sa ilang dating rebelde at mga estudyante sa Zamboanga del Sur. Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concern (ISP-SC) Alan Tanjusay, kasama si Zamboanga del Sur Governor Victor Yu ang isinagawang distribusyon ng ayuda sa Pagadian City nitong Linggo. Ayon… Continue reading DSWD, namahagi ng cash aid sa Zamboanga del Sur

AFP chief, binati ang Zamboanga del Sur sa ika-3 anibersaryo ng pagiging insurgency-free

Binati ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang Zamboanga del Sur sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang ng ika-3 anibersaryo ng pagiging insurgency-free ng lalawigan, kahapon (Abril 21). Kasama ni Gen. Brawner na dumalo sa programa sa Provincial Government Center, Barangay Dao, Pagadian City sina Presidential Peace Adviser Secretary… Continue reading AFP chief, binati ang Zamboanga del Sur sa ika-3 anibersaryo ng pagiging insurgency-free

TESDA scholarship program para sa distrito ng Pasay at Makati, binuksan na

Naglabas ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng listahan ng mga scholarship na pwedeng pasukan ng publiko para magkaroon ng sapat na kasanayan at maging kwalipikado sa mga trabaho sa iba’t ibang industriya. Sa social platform na X ay ipinost ng official TESDA account ang kanilang 2024 scholarship program para sa lugar ng… Continue reading TESDA scholarship program para sa distrito ng Pasay at Makati, binuksan na

Mas murang pagkain, inaasahan kasunod ng atas ni PBBM na padaliin ang proseso ng pag-aangkat ng agri products

Positibo si Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na bababa pa ang presyo ng pagkain matapos ilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 20 na nagpapadali sa proseso ng pag-aangkat ng agricultural products. Salig dito ay pinaluluwagan ng Pangulo sa Department of Agriculture ang administrative procedures sa pag-i-import ng agricultural… Continue reading Mas murang pagkain, inaasahan kasunod ng atas ni PBBM na padaliin ang proseso ng pag-aangkat ng agri products

Operasyon sa DA, nananatiling matatag —Sec. Tiu Laurel

Tiniyak ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na nananatiling matatag at tuloy-tuloy lang ang trabaho sa buong Department of Agriculture. Ito sa kabila ng dismissal ng Ombudsman kay Atty. Demosthenes Escoto bilang National Director ng BFAR na attached agency ng DA, ilang linggo lang matapos na masuspinde rin si NFA Administrator Roderico Bioco. Ayon… Continue reading Operasyon sa DA, nananatiling matatag —Sec. Tiu Laurel