Pilipinas, pangungunahan ang ika-41 ASEAN Social Security Association Meetings

Handa na ang Government Service Insurance System (GSIS) sa pagsasama-sama ng industry leaders at kinatawan ng social security institutions sa ika-41 ASEAN Social Security Association (ASSA) Meetings na gaganapin sa Nov. 25 hanggang Nov. 27, 2024. Pilipinas ang host ngayong taon ng naturang pagtitipon kung saan tumatayong ASEAN Social Security Association Vice Chairperson si GSIS… Continue reading Pilipinas, pangungunahan ang ika-41 ASEAN Social Security Association Meetings

Pamahalaan, nakabantay sa pinakahuling galaw ng Super Typhoon Leon

Siniguro ng Batanes LGU na nakapreposisyon na ang halos 2,000 family food packs (FFPs), na kakailanganin sa lugar, dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Leon. Sa gitna ito ng mahigpit na monitoring ng national government sa pinakahuling galaw ng Super Typhoon. Sa inihandang Special Report Leon PH ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Batanes… Continue reading Pamahalaan, nakabantay sa pinakahuling galaw ng Super Typhoon Leon

DSWD, magpapadala ng karagdagang 14,000 FFPs sa Batanes

Nagsimula nang magpadala ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na apektado ngayon ng Bagyong Kristine. Sa DSWD Media forum, sinabi ni Irish Flor Yaranon, Chief Administrative Officer ng National Resource and Logistics Managment Bureau na may pauna nang higit 5,500 food packs ang naikarga… Continue reading DSWD, magpapadala ng karagdagang 14,000 FFPs sa Batanes

BFP, naka-Code Red ngayong Undas

Naka-alerto na ang Bureau of Fire Protection para sa pagtitiyak ng kaligtasan ngayong Undas 2024. Ayon sa BFP, nakataas na ngayon ang CODE RED kung saan nasa 37,000 firefighters ang naka-standby sa buong bansa. Nakahanda na ang BFP na magkasa ng rekorida (public safety patrols) para i-monitor ang posibleng fire hazards sa mga pampublikong lugar.… Continue reading BFP, naka-Code Red ngayong Undas

Electronic Undas, ipatutupad ng BuCor

Magpapatupad ang Bureau of Corrections ng e-Undas para sa mga PDL kung saan maari nilang tawagan o maka-video call ang kanilang mga mahal sa buhay na bumibisita sa sementeryo. Paliwanag ng BuCor, ang proseso sa e-Undas sa kapareho lang din ng sa e-dalaw kung saan makakausap ng mga PDL ang kanilang mga kaanak at ito… Continue reading Electronic Undas, ipatutupad ng BuCor

‘Oplan Kaluluwa 2024’ traffic advisory, inilabas na Makati LGU

Naglabas na ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng kanilang abiso para sa mga motorista hinggil sa mga saradong kalsada ngayong Undas 2024. Ito ay ang mga kalsada sa paligid ng Manila South Cemetery partikular ang kahabaan ng Kalayaan Avenue mula Zapote Street hanggang N. Garcia Street. Gayundin ang South Avenue na isasara mula sa J.P.… Continue reading ‘Oplan Kaluluwa 2024’ traffic advisory, inilabas na Makati LGU

Bagyong Leon, tuluyan nang naging super typhoon

Umabot na sa ‘Super Typhoon’ category ang binabantayang bagyong Leon na nasa karagatan malapit sa Northern Luzon. Sa kategoryang ito, malaki na ang panganib na dala ng bagyo kabilang ang malakas na hangin at ulan, pagbaha, at daluyong o storm surge. Sa 11am weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong… Continue reading Bagyong Leon, tuluyan nang naging super typhoon

SEC, pinagsusumikapang maalis ang Pilipinas sa ‘grey list’ ng FATF

Sinabi ni Securities and Exchange Commission Chairperson Emilio Aquino na patuloy na pagsisikapan ng kanyang tanggapan upang makatulong na tuluyan nang maalis sa grey list ng Financial Action Task Force (FATF) ang Pilipinas. Ayon kay Aquino, mag-i-invest ang SEC sa digitalisasyon at pag-optimize ng resources upang matiyak na magiging pangmatagalan ang repormang ipinatutupad ng gobyerno.… Continue reading SEC, pinagsusumikapang maalis ang Pilipinas sa ‘grey list’ ng FATF

DA, igigiit sa mga rice trader na ibaba ang presyo ng bigas

Makikipagpulong ang Department of Agriculture sa mga presidente ng malalaking palengke sa Metro Manila sa susunod na linggo. Aalamin ng DA kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa kabila ng pagbawas na ng taripa ng pangunahing pagkain. Sa inorganisang pulong kamakailan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa rice importers mula sa… Continue reading DA, igigiit sa mga rice trader na ibaba ang presyo ng bigas

Dalawang bangkang pangisda ng China, namataan sa silangang baybayin ng bansa — AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng dalawang bangkang pangisda ng China na umaaligid sa silangang baybayin ng bansa. Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo ngayong araw, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad na kahapon (October 28) niya natanggap ang naturang ulat. Namataan… Continue reading Dalawang bangkang pangisda ng China, namataan sa silangang baybayin ng bansa — AFP