Anim na lugar sa bansa, makararanas ng mataas na heat index ngayong araw

Inaasahan ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa anim na lugar sa bansa. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 44°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan na posibleng pinakamataas na heat index ngayong araw. Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi… Continue reading Anim na lugar sa bansa, makararanas ng mataas na heat index ngayong araw

Sakripisyo at katapangan ng mga bayani ng bayan, sentro ng mensahe ng AFP ngayong Araw ng Kagitingan

Binigyang pugay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang sakripisyo at katapangan ng mga Pilipinong nag-alay ng sarili para sa bansang Pilipinas. Ito ang mensahe ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. kaalinsabay ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong araw na ito. Sa isang pahayag, sinabi ni Brawner na… Continue reading Sakripisyo at katapangan ng mga bayani ng bayan, sentro ng mensahe ng AFP ngayong Araw ng Kagitingan

Kasong ‘anti-trafficking in person’ vs. mag-asawang Ruiz na nangmaltrato umano ng kasambahay, ibinasura

Ibinasura ng Batangas Provincial Prosecutor’s Office ang kasong isinampa ng isang kasambahay laban sa kaniyang mga amo sa Mamburao, Occidental Mindoro. Sa kopya ng resolusyon ng piskalya, pinawalang-sala ang mag-asawang Jerry at France Ruiz sa kasong paglabag sa ‘Anti-Trafficking in Person Act of 2003’. Pero ang mga kasong Serious Illegal Detention at Serious Physical Injury… Continue reading Kasong ‘anti-trafficking in person’ vs. mag-asawang Ruiz na nangmaltrato umano ng kasambahay, ibinasura

Ilang jeepney drivers sa Mandaluyong City, umaaray sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo

Bawas kita na naman para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo epektibo ngayong araw, Abril 9. Ito ang reaksyon ng mga jeepney driver na nakausap ng Radyo Pilipinas sa bahagi ng Parklea Terminal sa Mandaluyong City. Anila, masakit na sa bulsa ang walang patumanggang pagtataas sa presyo ng… Continue reading Ilang jeepney drivers sa Mandaluyong City, umaaray sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo

Libreng sakay na handog ng LRT2, tinangkilik

Patok sa mga pasahero ang alok na libreng sakay ng Light Rail Transit o LRT line 2 ngayong Araw ng Kagitingan. Nagsimula ang libreng sakay kaninang alas-7 ng umaga na tumagal hanggang alas-9 ng umaga at masusundan pa ito sa alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi mamaya. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sunud-sunod ang… Continue reading Libreng sakay na handog ng LRT2, tinangkilik

Digital financial literacy sa mga benepisyaryo ng 4Ps, paiigtigin ng DSWD

Tuloy-tuloy ang ginagawang hakbang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mapalawak ang digital financial literacy sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Katunayan, nakipagpulong na si DSWD Sec. REX Gatchalian sa technical working group (TWG) para talakayin ang resulta ng naging pilot sessions sa Digital Financial Literacy sa limang munisipalidad… Continue reading Digital financial literacy sa mga benepisyaryo ng 4Ps, paiigtigin ng DSWD

Pagbasura ng Comelec sa disqualification case vs. Sen. Raffy Tulfo, pinagtibay ng Korte Suprema

Pinaburan ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections na ibasura ang petisyon na humihiling na i-diskwalipika si Sen. Raffy Tulfo. Sa desisyon ng Korte Suprema, sinabi nitong tama ang desisyon ng Comelec na ipawalang bisa ang disqualification case na isinampa ng umano’y dating asawa ni Sen. Tulfo na si Julie Livuo Pearson. Umakyat… Continue reading Pagbasura ng Comelec sa disqualification case vs. Sen. Raffy Tulfo, pinagtibay ng Korte Suprema

Imbentaryo ng bigas sa bansa, bahagyang bumaba — PSA

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Pebrero. Ayon sa PSA, naitala sa 1.37 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of March 1, 2024. Mas mababa ito ng 9.6% mula noong nakaraang buwan na may 1.51 milyong metriko toneladang imbentaryo. Mas mababa rin… Continue reading Imbentaryo ng bigas sa bansa, bahagyang bumaba — PSA

Mga tanggapan ng DSWD, pansamantalang isasara sa Abril 9-10

Nag-abiso na ang Department of Social Welfare and Development na pansamantalang isasara simula bukas, Abril 9 ang lahat ng tanggapan nito. Ito’y para bigyang daan ang pagdiriwang ng Aaraw ng Kagitingan at Eid’l Fitr na parehong idineklarang regular holiday. Alinsunod ito sa Proclamation No. 368 at 514 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.… Continue reading Mga tanggapan ng DSWD, pansamantalang isasara sa Abril 9-10

Kamara, tututukan ang sitwasyon ng onion farmers kasunod ng ulat ng patuloy na pananamantala ng mga trader

Nakabantay ngayon ang Kamara sa sitwasyon ng mga magsasaka ng sibuyas sa bansa kasunod ng napaulat na pananamantala muli ng mga trader. Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, nakikipagtulungan sila ngayon sa House Committee on Agriculture at iba pang ahensya ng pamahalaan para bantayan ang kalagayan ng onion farmers. Nakatanggap kasi aniya sila… Continue reading Kamara, tututukan ang sitwasyon ng onion farmers kasunod ng ulat ng patuloy na pananamantala ng mga trader