Kaso ng Leptospirosis, tumaas — DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa. Batay sa datos ng DOH mula Enero 1 hanggang Hulyo 15, aabot sa kabuuang 2,079 ang kaso ng nasabing sakit. Mula naman Hunyo 18 hanggang Hulyo 1, nadagdagan pa ng 182 bagong kaso ng leptospirosis o katumbas ng 42 porsiyento na… Continue reading Kaso ng Leptospirosis, tumaas — DOH

Mga volunteer, dumagsa sa DSWD warehouse para tumulong sa pag-repack ng relief goods

Dinagsa ng volunteers at mga miyembro ng Church of God International ang National Resource Operations Center (NROC) Pasay City, para tumulong sa pag-repack ng relief goods. Tugon ito ng mga residente sa kalapit na barangay at religious group sa panawagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nangangailangan ng volunteers para sa paghahanda… Continue reading Mga volunteer, dumagsa sa DSWD warehouse para tumulong sa pag-repack ng relief goods

Ilocos Sur Solon, nagpasalamat sa mga opisyal at ahensya ng pamahalaan na tumulong sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Egay

Taos-puso ang pasasalamat ni Deputy Speaker at Ilocos Sur Representative Kristine Singson-Meehan sa mga ahensya ng pamahalaan at opisyal, na mabilis tumugon sa pangangailangan ng mga residenteng nasalanta ng bagyong Egay. Una na rito si House Speaker Martin Romualdez na aniyang unang tumawag sa kaniya upang alamin ang kinakailangan na tulong ng kaniyang distrito. Nitong… Continue reading Ilocos Sur Solon, nagpasalamat sa mga opisyal at ahensya ng pamahalaan na tumulong sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Egay

MMDA at Taguig City DRRMO, naglatag na ng bagong vehicle lane assignments sa bahagi ng northbound lane ng C5 Road

Naglabas na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pakikipag-ugnyan sa Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng abiso sa mga commuter at mga motorista, na magkakaroon ng pagbabago sa vehicle lane assignments sa northbound ng C5 Road mula sa SLEX down ramp hanggang makarating ng Centennial Village. Ito ay kasunod ng… Continue reading MMDA at Taguig City DRRMO, naglatag na ng bagong vehicle lane assignments sa bahagi ng northbound lane ng C5 Road

Mga taga-Marawi na magpapa-assess para makatanggap ng kompensasyon, umabot na sa 12,000

Umabot na 12,000 indibidwal ang nagpa-schedule ng appointment upang ma-asses ng Marawi Compensation Board (MCB) at makakuha ng structural o death claims Ito ang ibinahagi ni MCB Chairperson Atty. Maisara Damdamun-Latiph sa unang pulong ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, ngayong araw. Aniya, ang bilang na ito ay naka-schedule hanggang Marso… Continue reading Mga taga-Marawi na magpapa-assess para makatanggap ng kompensasyon, umabot na sa 12,000

Sen. Imee Marcos: Depinisyon ng mga maituturing na employed sa bansa, dapat ayusin

Iginiit ni Senador Imee Marcos na tama naman ang datos na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang state of the nation address (SONA) nitong Lunes, na 95.7 percent na ang employment rate sa Pilipinas. Gayunpaman, ayon kay Senador Imee, kwestiyunable para sa kanya ang depinisyon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa employment.… Continue reading Sen. Imee Marcos: Depinisyon ng mga maituturing na employed sa bansa, dapat ayusin

Publiko, binalaan ng isang senador vs. registered SIM for sale

Pinaalalahanan at binalaan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang publiko tungkol sa bentahan ng mga rehistradong SIM (subscriber identity module) ngayong tapos na ang deadline ng pagpaparehistro ng mga SIM. Dahil sisimulan nang i-deactivate ang mga hindi rehistradong SIM, ibinahagi ni Revilla ang bagong modus ng mga online scammer na bumili ng mga rehistradong… Continue reading Publiko, binalaan ng isang senador vs. registered SIM for sale

Philippine Coast Guard, tumulong na rin sa pamamahagi ng relief goods sa Northern Luzon

Tumulong na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa disaster relief operations ng pamahalaan partikular na sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Egay. Ito ay sa pamamagitan ng repacking at unloading ng mga relief supply na ihahatid sa mga apektado ng bagyo sa Lalawigan ng La Union at iba pang… Continue reading Philippine Coast Guard, tumulong na rin sa pamamahagi ng relief goods sa Northern Luzon

Tatak Pinoy bill na isa sa SONA priority measure, inihain na sa Kamara

Photo courtesy of House of Representatives

Dalawang mambabatas ang mabilis na tumugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang Tatak Pinoy Bill. Matatandaan na isa ang naturang panukala sa 17 priority measures na binanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang SONA. Sa ilalim ng House Bill 8525 ni Marikina Representative Stella Quimbo at House Bill 8601… Continue reading Tatak Pinoy bill na isa sa SONA priority measure, inihain na sa Kamara

Paglalaan ng mas mataas na pondo sa calamity funds, napapanahon na – Sen. Imee Marcos

Sa gitna ng naiwang pinsala ng bagyong Egay sa bansa, iginiit ni Senador Imee Marcos na dapat paglaanan na ng mas mataas na pondo ang calamity fund ng mga lokal na pamahalaan at ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito ang nais isulong ng mambabatas sa nalalapit na deliberasyon ng Kongreso sa panukalang 2024 national… Continue reading Paglalaan ng mas mataas na pondo sa calamity funds, napapanahon na – Sen. Imee Marcos