Manila Water, magpapatupad ng water service interruption sa ilang lugar sa QC ngayong gabi

Simula ngayong gabi, makakaranas ng water service interruption ang ilang bahagi ng Quezon City na tatagal ng anim na oras. Sa abiso ng Manila Water, may isasagawa silang line meter replacement at maintenance activities sa mga apektadong lugar. Kabilang sa mawawalan ng suplay ng tubig ang barangay Tandang Sora, mula 10PM hanggang 4AM kinabukasan. Sunod… Continue reading Manila Water, magpapatupad ng water service interruption sa ilang lugar sa QC ngayong gabi

OFW Pass, ilulunsad ng Department of Migrant Workers

Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na sisimulan na ng kagawaran ang modernization program nito, sa pamamagitan ng paglulunsad ng digital app na pangunahing feature ang OFW Pass kapalit ng Overseas Employment Certificate (OEC). Ito ang pahayag ni Ople sa Kapihan sa Manila Bay Forum, kaninang umaga. Ayon sa kalihim, sa… Continue reading OFW Pass, ilulunsad ng Department of Migrant Workers

Sen. Poe, umaasang maisasama sa priority bill ang panukalang Department of Water Resources

Kung si Senador Grace Poe ang tatanungin, mas mainam kung maisama sa priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang panukalang pagtatatag ng Department of Water Resources. Ipinunto ng Senate Committee on Public Services Chairperson na kung magiging priority bill ito ay hindi malayong maging ganap na batas ito sa loob ng taong… Continue reading Sen. Poe, umaasang maisasama sa priority bill ang panukalang Department of Water Resources

Pakay ng Chinese vessels sa Iroquois reef, palaisipan sa AFP

Hindi mabatid ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ano ang pakay ng 48 barko ng China na naka-angkla sa Iroquois reef sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Western Command Spokesperson Commander Ariel Joseph Coloma, hindi parin umaalis ang naturang Chinese fishing vessels na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Matatandaang… Continue reading Pakay ng Chinese vessels sa Iroquois reef, palaisipan sa AFP

Higit 18,000 estudyante, nakatakdangmagtapos at mag-move up sa Muntinlupa

Aabot sa 18,405 na mga mag-aaral mula sa 32 pampublikong paaralan sa lungsod ng Muntinlupa ang nakatakdang mag-move up o magtapos ng elementarya, junior high o senior high school ngayong linggo sa Muntinlupa Sports Complex sa Barangay Tunasan. Sa kanyang mensahe, binati ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang mga mag-aaral dahil sa kanilang mga… Continue reading Higit 18,000 estudyante, nakatakdangmagtapos at mag-move up sa Muntinlupa

Blended learning, planong gawing permanenteng sistema ng DepEd

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na gawing permanente na ang blending learning o paggamit ng kombinasyon ng in-person classes at online classes. Ayon kay DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Poa, nitong pandemya ay napagtanto nila na puwede pala ang nasabing set-up sa harap ng maraming hamon sa sektor ng edukasyon. Paliwanag pa ni… Continue reading Blended learning, planong gawing permanenteng sistema ng DepEd

Pagpapalakas ng agri sector sa bansa, malaki ang papel na gagampanan sa economic development ng bansa –Pangulong Marcos Jr.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang direksyong tinatahak ng pamahalaan, tungo sa pagpapaigting ng agriculture sector ng bansa para sa pangkabuuang development ng ekonomiya ng Pilipinas. “Kaya po ay maliwanag na maliwanag dahil…nakita namin kahit ano pang gawin natin na pagandahin ang ekonomiya kung hindi natin maayos ang agrikultura, hindi po natin… Continue reading Pagpapalakas ng agri sector sa bansa, malaki ang papel na gagampanan sa economic development ng bansa –Pangulong Marcos Jr.

TVJ, naghain ng reklamo sa Regional Trial Court ng Marikina vs. GMA Network at Tape Inc.

Naghain ng Complain for Copyright Infringement and Unfair Competition ang “E.A.T” hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) laban sa GMA Network at TAPE Incorporated, sa Branch 273 ng Regional Trial Court ng Marikina. Ito ay matapos na mag-replay ang naturang network ng ilang episodes ng “Eat Bulaga” nang walang… Continue reading TVJ, naghain ng reklamo sa Regional Trial Court ng Marikina vs. GMA Network at Tape Inc.

Investment pledges mula sa nagdaang foreign trips ng Pangulo, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan upang maisakatuparan

Siniguro ng pamahalaan na may mekanismo na umiiral at nagmo-monitor sa investment pledges na naiuuwi ng Philippine delegation sa bawat biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ibang bansa. Sa press briefing sa Malacañang, siniguro ni DTI Secretary Alfredo Pascual na tinitiyak ng kanilang hanay ang transparency at accountability, at patuloy nilang ini-evaluate ang… Continue reading Investment pledges mula sa nagdaang foreign trips ng Pangulo, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan upang maisakatuparan

DOE, hinikayat ang iba’t ibang stakeholders na palakasin ang paggamit sa solar energy

Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), State Colleges and Universities (SUCs), at lokal na pamahalaan na gumamit ng solar energy. Ayon sa DOE, alinsunod ito sa itinatakda ng isang resolusyon ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee kung saan, binibigyan nito ang mga… Continue reading DOE, hinikayat ang iba’t ibang stakeholders na palakasin ang paggamit sa solar energy