DSWD: Huwag tangkilikin ang kumakalat na fake accounts

Hiningi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kooperasyon ng publiko para labanan ang kumakalat na fake account ng ahensya. Sa kanilang abiso, hinimok nito ang publiko na i-report ang accounts na hindi galing sa mga opisyal na account ng DSWD para magawan ng kaukulang aksyon. Sa ganitong paraan din matitigil na… Continue reading DSWD: Huwag tangkilikin ang kumakalat na fake accounts

Ruling ng Korte Suprema sa batas na nagpapaliban sa BSKE, welcome kay Sen. Koko Pimentel

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na pinatunayan ng desisyon ng Korte Suprema ang kanyang posisyon tungkol sa batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) o ang Republic Act 11935. Sa ilalim ng naturang batas ay ipinagpaliban sa Oktubre 2023 ang BSKE sa halip na isagawa noon sanang December 2022. Ang… Continue reading Ruling ng Korte Suprema sa batas na nagpapaliban sa BSKE, welcome kay Sen. Koko Pimentel

2 pang LGUs, nagpahayag ng interes na magpatayo ng housing projects

Photo courtesy of Department of Human Settlements and Urban Development

Dalawa pang local government units (LGUs) ang nagpahayag ng kanilang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program. Nakipagpulong na sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), si Balete Batangas Mayor Wilson Maralit at Ilagan, Isabela Mayor Jose Mariel Diaz. Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng DHSUD at ng dalawang… Continue reading 2 pang LGUs, nagpahayag ng interes na magpatayo ng housing projects

Bagong tourism slogan na “Love the Philippines,” handang bigyan ng tiyansa ng isang senador

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Nakahanda si Senadoar Chiz Escudero na bigyan ng pagkakataon ang bagong tourism slogan na inilunsad ng Department of Tourism (DOT) na “Love the Philippines”. Sinabi ito ng senador, bagamat naniniwala siyang naging epektibo naman ang dating tourism campaign ng bansa na “It’s More Fun in the Philippines”. Naniniwala ang senador, na kinonsidera naman ng DOT… Continue reading Bagong tourism slogan na “Love the Philippines,” handang bigyan ng tiyansa ng isang senador

Pinaigting na food security para sa BARMM, hangad ng party-list solon kasabay ng pakikiisa sa selebrasyon ng Eid’l Adha

Umaasa si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, na maisabatas ang panukalang Right to Adequate Food Act, kasabay ng panawagan para sa implementasyon ng food security roadmap sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang panawagan ng kinatawan ay bilang pakikiisa na rin sa selebrasyon ng Eid’l Adha ngayong araw. Diin ni Lee, ang kasiguruhan… Continue reading Pinaigting na food security para sa BARMM, hangad ng party-list solon kasabay ng pakikiisa sa selebrasyon ng Eid’l Adha

Dating Tourism Sec. Dick Gordon, pinuri ang bagong tourism slogan ng DOT na “Love the Philippines”

Kaugnay ng bagong inilusad na tourism slogan ng Department of Tourism (DOT) na “Love the Philippines” sa ika-50 anibersaryo nito. Binigyang diin ni Philippine Red Cross (PRC) Chairperson at dating Tourism Secretary Dick Gordon na ang tagumpay ng turismo sa bansa ay nakadepende pa rin sa kabuuang karanasan ng mga turista. Ayon kay Gordon, mahalaga… Continue reading Dating Tourism Sec. Dick Gordon, pinuri ang bagong tourism slogan ng DOT na “Love the Philippines”

Office of the Vice President, nagbigay ng tulong sa Mangyan tribe sa Victoria, Oriental Mindoro

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa Mangyan tribe sa Victoria, Oriental Mindoro. Ayon sa OVP, ito ay tugon sa pakiusap na mabigyan ang naturang tribo ng tulong gaya ng bigas at iba pang food supplies. Nasa 155 na sako ng bigas ang ipinadala ng OVP Disaster Operations Center sa mga… Continue reading Office of the Vice President, nagbigay ng tulong sa Mangyan tribe sa Victoria, Oriental Mindoro

Highly skilled professionals, isinusulong na makapasok rin sa PNP

Ilang mambabatas sa Kamara ang nagtutulak na makapasok ang mas maraming highly skilled professional sa Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng lateral entry program. Sa ilalim ng House Bill 7686 na inihain nina Davao City Representative Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap ay ipinapanukalang amyendahan ang Department of… Continue reading Highly skilled professionals, isinusulong na makapasok rin sa PNP

Pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, makatwiram – Sen. Imee Marcos

Nanindigan si Senate Committee on Electoral Reforms Chairperson Senador Imee Marcos na makatwiran ang mga rason sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sinabi ito ng senador, kasabay ng pagpapahayag na nirerespeto niya ang naging desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagdedeklarang unconstitutional pero praktikal ang pagpapaliban ng BSKE. Ayon kay Marcos, ginagalang… Continue reading Pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, makatwiram – Sen. Imee Marcos

VP Sara Duterte, nakiisa sa mga kapatid na Muslim sa paggunita ng Eid’l Adha

Nagpahayag ng pakikiisa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of the Holy Sacrifice. Sa mensahe ni Duterte, kinilala nito ang mga indibidwal na handang magsakripisyo para sa kanilang pamilya, komunidad, at sa bansa. Ayon sa Pangalawang Pangulo, ipinaaalala ng araw na ito ang kakayahan ng lahat… Continue reading VP Sara Duterte, nakiisa sa mga kapatid na Muslim sa paggunita ng Eid’l Adha