MMDA Motorcycle Riding Academy, inaasahang magbubukas sa ikatlong quarter ng taon

Inaasahang makukumpleto ang konstruksyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Motorcycle Riding Academy sa ikatlong quarter ng taon. Layon nitong madisiplina ang motorcycle riders, at bahagi ito ng tugon ng MMDA na mabawasan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa kalsada. Personal na binisita ni MMDA Acting Chairperson Don Artes ang konstruksyon ng… Continue reading MMDA Motorcycle Riding Academy, inaasahang magbubukas sa ikatlong quarter ng taon

Project “Univisity” ng NOLCOM vs. NPA recruitment sa mga paaralan, isinagawa sa Nueva Ecija

Aktibong nakilahok ang libo-libong Senior at Junior High School Students mula sa General Tinio, Nueva Ecija sa Project “Univisity” ng Northern Luzon Command (NOLCOM). Ang project “Univisity” ay bahagi ng National Security Awareness drive ng NOLCOM, sa tulong ng Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) Cluster ng Regional Task Force to End Local Communist Armed… Continue reading Project “Univisity” ng NOLCOM vs. NPA recruitment sa mga paaralan, isinagawa sa Nueva Ecija

Proposed P5.768T 2024 National Expenditure Program, aprubado na ni Pangulong Marcos Jr.

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proposed P5.768 trillion na 2024 National Expenditure Program, na layong ipagpatuloy ang Agenda for Prosperity ng administrasyon. Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, patuloy na bibigyang prayoridad sa panukalang budget ang mga gastusin na makatutulong sa paglago ng ekonomiya na nakaangkla sa Philippine Development Plan (PDP)… Continue reading Proposed P5.768T 2024 National Expenditure Program, aprubado na ni Pangulong Marcos Jr.

600 magsasaka sa Butuan City, nagka-internet sa unang pagkakataon sa tulong ng USAID

Naglunsad ang Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ng tatlong rural internet network sa Butuan City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Information and Communications Technology (ICT) Month. Sa pamamagitan ng proyekto, nagkaroon ng access sa internet sa unang pagkakataon ang 600 magsasagakang miymebro ng KM7 Farmers Producers Cooperative… Continue reading 600 magsasaka sa Butuan City, nagka-internet sa unang pagkakataon sa tulong ng USAID

8 biyahe ng PAL mula at patungong Cotabato, kanselado

Nagpalabas na ng kanilang abiso ang Philippine Airlines (PAL) hinggil sa kanilang mga kanseladong biyahe mula at patungong Cotabato. Ito ay kasunod ng inilabas na Notice to Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hinggil sa limitadong operasyon ng nasabing paliparan dahil sa mga nakitang bitak sa runway nito. Epektibo ngayong araw,… Continue reading 8 biyahe ng PAL mula at patungong Cotabato, kanselado

Mga biktima ng harassment mula sa online lending companies, dumulog sa Kampo Crame

Dumulog na sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame ang may 50 indibidwal na biktima ng harassment mula sa mga online lending company. Ayon kay Gemma Sotto ng United Filipino Global, tumatagal aniya at lalong lumalala ang problema ng mga biktima dahil sa ginagawang panggigipit sa kanila. Karamihan kasi sa mga ito… Continue reading Mga biktima ng harassment mula sa online lending companies, dumulog sa Kampo Crame

Interventions at practice ng ibang bansa, inaaral na ng Pilipinas upang tugunan ang problema ng bansa sa nursing staff

Pinag-aaralan ng pamahalaan ang lahat ng mga sistema o practice na ipinatutupad ng ibang bansa, para sa patuloy na pagpapabuti ng healthcare system ng Pilipinas. Pahayag ito ni PRC Commissioner Jose Cueto sa gitna pa rin ng kakulangan sa nurse, sa mga pampublikong ospital. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na kung sa… Continue reading Interventions at practice ng ibang bansa, inaaral na ng Pilipinas upang tugunan ang problema ng bansa sa nursing staff

Ilang lugar sa Quezon City, makararanas ng water service interruption

Makararanas ng water service interruption ang ilang lugar sa Quezon City. Ito ay bunsod ng isasagawang pipe maintenance ng Manila Water. Batay sa abiso, kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ang Barangay Paligsahan at Barangay Laging Handa, mula 10 PM ngayong June 22 hanggang 4 AM ng June 23. Pinapayuhan ang mga apektadong residente na… Continue reading Ilang lugar sa Quezon City, makararanas ng water service interruption

Sen. Legarda, kumpiyansang ‘di kuwestiyunable ang Maharlika Investment Fund bill

Tiwala si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na walang dahilan para makuwestiyon sa Korte Suprema ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Bilang tugon sa kinukwestiyong magkaibang nilalaman na prescription period sa unang inaprubahang bersyon ng Senado ng MIF bill. Ayon kay legarda, ang umiral na 10 years prescription period para sa mga paglabag at… Continue reading Sen. Legarda, kumpiyansang ‘di kuwestiyunable ang Maharlika Investment Fund bill

Department of Agriculture, patuloy na nagsisikap na maibaba ang presyo ng karneng baboy

Patuloy na gumagawa ng mga paraan ang Department of Agriculture (DA) upang mapababa ang presyo ng karneng baboy. Ayon kay Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla, sinisikap ng DA na maging epektibo ang mga programa para mapataas ang produksyon ng baboy. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumataas na ang produksyon ng baboy nitong huling bahagi… Continue reading Department of Agriculture, patuloy na nagsisikap na maibaba ang presyo ng karneng baboy