NGCP, naglaan ng P6.47-B para sa substation improvements

Naglaan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng P6.47 billion para sa patuloy na pag-upgrade ng substation facilities nito sa buong bansa. Sa pamamagitan ng isinasagawang substation reliability projects, mas magiging mahusay ang performance ng grid. Karamihan dito ay sinimulan na mula taong 2016 ngunit hindi pa nakatatanggap ng provisional approval mula sa… Continue reading NGCP, naglaan ng P6.47-B para sa substation improvements

High level security intel, inaasahan ni Pangulong Marcos Jr. mula sa AFP

Patuloy ang mga hamong kaakibat ng nation building at national security. Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa oath taking ceremony ng mga bagong promote na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “But the challenge of nation building and national security is a continuing and fluid… Continue reading High level security intel, inaasahan ni Pangulong Marcos Jr. mula sa AFP

Listahan ng mga botante para sa halalan ngayong taon, puspusan nang nililinis ng COMELEC

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na magiging malinis ang listahan ng mga rehistradong botante, bago ang Barangay at Sangguniang Kabatan (SK) elections sa Oktubre. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiango, na ngayong araw (June 19), nationwide na isinagawa ang Special Election Registration Board hearing na layong tanggalin ang lahat… Continue reading Listahan ng mga botante para sa halalan ngayong taon, puspusan nang nililinis ng COMELEC

Pagtapat ng effectivity ng taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 sa pagsisimula ng klase sa Agosto, nagkataon lang — DOTr

Nagkataon lamang na natapat sa pagbubukas ng klase sa Agosto ang pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) LRT-1 at LRT-2 ayon yan sa Department of Transportation (DOTr). Sa naging pulong balitaan kaninang hapon, sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na kinailangan na mailabas sa mga pahayagan ang aprubadong taas-pasahe ng… Continue reading Pagtapat ng effectivity ng taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 sa pagsisimula ng klase sa Agosto, nagkataon lang — DOTr

MMDA, hiniling na PNP-HPG ang magmando sa mga lalabag na motorista sa EDSA Busway

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na sana ay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang magmando ng panghuhuli ng mga motoristang lalabag sa batas-trapiko sa EDSA Busway. Ito ay matapos na ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ililipat na sa Bus Management and Dispatch System ng MMDA ang monitoring ng EDSA… Continue reading MMDA, hiniling na PNP-HPG ang magmando sa mga lalabag na motorista sa EDSA Busway

Higit 7,000 kaso vs. mga indibidwal na doble ang voter’s record, gugulong na

Gugulong na ang 7,000 kaso na inihanda ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga indibidwal na may doble-dobleng voter’s record. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco na sa kabuuan nasa 480,000 ang bilang ng mga naitalang doble ang registration. Gayunpaman, karamihan sa mga ito ay iyong mga record na… Continue reading Higit 7,000 kaso vs. mga indibidwal na doble ang voter’s record, gugulong na

DFA: Afghan nationals na ipinapanukalang magproseso ng US Immigration visa sa Pilipinas, ‘di refugees

Binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi refugees ang Afghan nationals na hinihiling ng Estados Unidos na pansamantalang patuluyin dito sa Pilipinas, para iproseso ang kanilang US special immigration visa. Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, ipinunto ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez, na ang mga… Continue reading DFA: Afghan nationals na ipinapanukalang magproseso ng US Immigration visa sa Pilipinas, ‘di refugees

Hukom na humahawak sa huling kaso ni dating Sen. Leila de Lima, nag-inhibit

Muling magsasagawa ng raffle ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256 na siyang humahawak sa huling kaso laban kay dating Senator Leila de Lima. Ito ang kinumpirma ni Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura makaraang ihayag nito ang kaniyang pag-iinhibit sa kaso ng dating senador. Ayon kay Buenaventura, dahil sa mga paghihinala ng mga… Continue reading Hukom na humahawak sa huling kaso ni dating Sen. Leila de Lima, nag-inhibit

Mga nuisance candidate, ipinapanukalang pagmultahin

Ipinapanukala ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na pagmultahin ang nuisance candidates. Diin ng presidential son sa paghahain ng panukala, ginagamit lamang ng ilang mga politiko ang mga indibidwal na kapangalan ng katunggali sa eleksyon para maghain ng certificate of candidacy para lang manggulo sa halalan. “More often than not,… Continue reading Mga nuisance candidate, ipinapanukalang pagmultahin

TUPAD, ilulunsad ng DOLE para makatulong sa mga evacuee sa Albay

Ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Emergency Employment Program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD, upang makatulong sa mga manggagawa na naapektuhan ng pag-lburoto ng bulkang Mayon sa Albay. Sa Mayon Situation briefing noong June 14, iniabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama sina Labor Secretary Laguesma, Bicol… Continue reading TUPAD, ilulunsad ng DOLE para makatulong sa mga evacuee sa Albay