Pagbuo ng isang National Agricultural Crop Program, pinapanukala sa Senado

Photo courtesy of Sen. Bato Dela Rosa FB page

Isinusulong ni Senador Ronald  ‘Bato’ dela Rosa ang isang panukala na magmamandato sa Department of Agriculture (DA) na bumuo ng isang National Agricultural Crop Program para maiwasan ang anumang pagsasayang ng mga gulay, prutas at iba pang food products. Sa ilalim ng inihaing Senate Bill 2264 ng senador, aatasan ang DA na tukuyin ang agricultural… Continue reading Pagbuo ng isang National Agricultural Crop Program, pinapanukala sa Senado

Mahigit 10 employer sa Makati na ‘di nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado, sinilbihan ng Notice of Violation ng SSS

Naglabas ng Notice of Violation ang Social Security System (SSS) laban sa 10 hanggang 12 employer sa Brgy. San Antonio sa Makati City, dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Kabilang sa binigyan ng notice of violation ang isang restaurant na 2017 pa hindi nagre-remit sa SSS kaya’t lumobo na sa mahigit… Continue reading Mahigit 10 employer sa Makati na ‘di nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado, sinilbihan ng Notice of Violation ng SSS

Sen. Bato dela Rosa, naniniwalang wala nang dahilan para kumbinsihin pa ang ilang tutol sa ROTC program

Para kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hindi na dapat pilitin ang ilang hindi pabor sa panukalang mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) Program. Ito ang reaksyon ng senador sa inilabas na survey ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), na nagpapakitang mahigit kalahati ng college freshmen at senior high school students sa mga… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, naniniwalang wala nang dahilan para kumbinsihin pa ang ilang tutol sa ROTC program

Operasyon ng NAIA, 2 beses nabalam kasunod ng pagtataas ng Lightning Red Alert

Dalawang beses nabalam ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Ito ay matapos itaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) Ground Operations and Safety Division ang Lightning “Red” Alert. Unang itinaas ang Lightning Red Alert kaninang 1:32 PM subalit ibinaba rin agad ito sa “Yellow” kaninang alas-1:47 ng hapon. Subalit dahil sa… Continue reading Operasyon ng NAIA, 2 beses nabalam kasunod ng pagtataas ng Lightning Red Alert

Manila International Airport Authority, tiniyak na ligtas ang istruktura ng NAIA mula sa banta ng lindol

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ligtas pa rin ang istruktura ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos ang nangyaring Magnitude 6.3 na lindol kahapon. Ayon kay MIAA Officer-in-Charge Bryan Co, may tolerance ang mga gusali ng NAIA mula sa pagyanig at ito ay sumusunod sa Building Code of the… Continue reading Manila International Airport Authority, tiniyak na ligtas ang istruktura ng NAIA mula sa banta ng lindol

Reklamo ng offloading at overbooking sa Cebu Pacific, nais na ring paimbestigahan sa Kamara

Pinakikilos ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang pamahalaan na imbestigahan ang reklamo laban sa budget carrier na Cebu Pacific. Ayon sa mambabatas, kailangang silipin ang pananagutan ng airline company sa mga pasahero na kanilang ino-offload dahil sa overbooking at glitches sa mismong pagbo-book ng flight. Maliban dito, kailangan din aniyang alamin ng mga otoridad… Continue reading Reklamo ng offloading at overbooking sa Cebu Pacific, nais na ring paimbestigahan sa Kamara

DSWD Information Caravan, umarangkada sa Cagayan Valley

Naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng information caravan sa Cagayan Valley upang ipabatid ang social protection programs ng ahensya. Mahigit 40 social welfare officers ang lumahok sa caravan sa Tuguegarao City na pinangunahan ng DSWD sa pakikipagtulungan ng Field Office II. Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez, layon nitong… Continue reading DSWD Information Caravan, umarangkada sa Cagayan Valley

Pangulong Marcos Jr., siniguro sa China na matatanggap ng mga angkop na benepisyaryo ang donasyong urea fertilizer ng Beijing

Makakaasa ang China na makakarating sa mga angkop na benepisyaryo ang 20,000 tonelada ng abono na ibinigay ng Beijing sa Pilipinas. “Soon, these donated goods will find their way to our Filipino farmers. They will be able to spend the savings gained from production costs [for] other things that matter to them and their families.”… Continue reading Pangulong Marcos Jr., siniguro sa China na matatanggap ng mga angkop na benepisyaryo ang donasyong urea fertilizer ng Beijing

Loan program ng gobyerno para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon, nakahanda

Siniguro ng pamahalaan na nakahanda ang loan programs ng PAGIBIG Fund para sa mga apektadong residente ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni PAGBIG Fund Media Affairs Manager Jack Jacinto, na nakabantay rin ang kanilang hanay sa pinakahuling sitwasyon sa Albay. Ayon sa opisyal, noong nagdeklara ng state of calamity… Continue reading Loan program ng gobyerno para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon, nakahanda

Sec. Gatchalian: Handa at sapat ang tulong ng DSWD, para asistihan ang mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon

Tiniyak ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na handa at sapat ang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para asistihan ang mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon, alinsunod sa direktiba kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa pagbisita ng Pangulo sa Bicol kamakailan, inatasan nito ang mga kinauukulang… Continue reading Sec. Gatchalian: Handa at sapat ang tulong ng DSWD, para asistihan ang mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon