DOH NCR, nagsagawa ng aksyon vs. Dengue

Naglunsad ngayong araw ang Department of Health National Capital Region (DOH-NCR) ng paglilinis kontra Dengue. Bago ang programa sa San Andres Gym sa Malate, Maynila, nagsagawa na ng paglilinis sa iba’t ibang lugar na sakop ng Brgy. 702, 704 hanggang 706 sa lungsod. Sa datos ng World Health Organization (WHO) Western Pacific Region, nasa 39,947… Continue reading DOH NCR, nagsagawa ng aksyon vs. Dengue

DOH sa mga residente ng Albay: Magsuot ng facemask

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay na magsuot ng facemask. Ito ay matapos na may naitalang 35 respiratory problems ang DOH mula sa mga evacuation center sa Albay. Sa monitoring ng DOH, ang iba sa mga bakwit ay nakaranas ng ubo, sipon at… Continue reading DOH sa mga residente ng Albay: Magsuot ng facemask

Traffic enforcers sa Metro Manila, sasailalim sa training para sa single ticketing system

Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes, na magsisimula na sa June 27 ang pagsasanay ng mga traffic enforcer para sa pagpapatupad ng single ticketing system. Ayon kay Artes, dumating na ang unang batch ng handheld device na na-customize sa pitong local government unit (LGU) kabilang ang San Juan, Caloocan,… Continue reading Traffic enforcers sa Metro Manila, sasailalim sa training para sa single ticketing system

Mga paliparang pinatatakbo ng CAAP sa Southern Luzon, nananatiling ligtas matapos tumama ang lindol kaninang umaga

Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling ligtas at operational ang mga paliparan sa ilalim ng kanilang pamamahala sa ilang bahagi ng katimugang Luzon. Ito ayon sa CAAP ay kasunod ng pagtama ng Magnitude 6.2 na lindol sa Calatagan, Batangas kaninang umaga, kung saan naramdaman ang pagyanig hanggang sa Metro Manila… Continue reading Mga paliparang pinatatakbo ng CAAP sa Southern Luzon, nananatiling ligtas matapos tumama ang lindol kaninang umaga

Operasyon ng NAIA, balik normal na rin matapos ang pagyanig kaninang umaga

Agad nakabalik sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maramdaman ang malakas na pagyanig kaninang umaga. Ito ang ipinabatid ng Manila International Airport Authority (MIAA) kasunod ng pagtama ng Magnitude 6.2 na lindol sa bayan ng Calatagan, Lalawigan ng Batangas. Ayon sa MIAA Media Affairs Division, matapos ang pagyanig ay agad… Continue reading Operasyon ng NAIA, balik normal na rin matapos ang pagyanig kaninang umaga

Ahensya na tututok sa Karapatan at kapakanan ng mga bata, pinabubuo

Inihain sa Kamara ang House Bill 8163 o Philippine Commission on Children Act. Ayon sa may akda nito na si House Assistant Majority Leader at PBA Party-list Representative Margarita Nograles, nilalayon nitong itatag ang Philippine Commission on Children (PCCh). Magsisilbi itong special agency na tututok sa pagprotekta ng karapatan at kapakanan ng mga bata. Sakop… Continue reading Ahensya na tututok sa Karapatan at kapakanan ng mga bata, pinabubuo

Ilang domestic flights sa NAIA, kinansela dulot ng masamang panahon

Kapwa nagbigay abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) gayundin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Ito ay kasunod ng mga nakanselang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng naranasang masamang panahon sa destinasyon. Sa abiso ng MIAA, kanselado ang CebGo flight DG 6043 at DG 6044 na biyaheng Manila… Continue reading Ilang domestic flights sa NAIA, kinansela dulot ng masamang panahon

Kondisyon at pangangailangan ng Mayon evacuees, pinapa-assess ni Pangulong Marcos Jr. para sa angkop na suporta

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lahat ng pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon ay napaaabutan ng tulong at walang naiiwan. Ayon sa Pangulo, batid nila sa pamahalaan na iba-iba ang pangangailangan ng bawat pamilya, at hindi lahat ng pangangailangan ng mga ito ay nakapaloob na sa food at non-food items na… Continue reading Kondisyon at pangangailangan ng Mayon evacuees, pinapa-assess ni Pangulong Marcos Jr. para sa angkop na suporta

PAGCOR, nag-donate ng libo-libong relief packages sa Albay

Nagbigay ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga biktima ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay. Ayon sa PAGCOR, aabot sa 6,000 family relief packs ang naipamigay sa mga taga Albay na naglalaman ng mga food at non-food item. Ayon kay PAGCOR Chairperson at CEO Alejandro Tengco, naiintindihan ng PAGCOR ang… Continue reading PAGCOR, nag-donate ng libo-libong relief packages sa Albay

Pagpasok ng Pilipinas sa mas maraming merkado, pinaiigting ng Marcos Administration

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na paglaanan ng suporta ang mga exporter ng Pilipinas, upang magawa ng mga ito na makipagsabayan sa foreign market. Sa ambush interview sa Pangulo, matapos dumalo sa International Trade Forum sa Taguig City, ipinaliwanag nito na ang export plan ng pamahalaan ay maihanda ang Pilipinas… Continue reading Pagpasok ng Pilipinas sa mas maraming merkado, pinaiigting ng Marcos Administration