34 OFWs mula Kuwait, nakauwi na sa bansa

Balik bansa na muli ang panibagong batch ng mga overseas Filipino Worker (OFW) mula sa bansang Kuwait. Ito ay kasunod pa rin ng pagsuspinde ng Kuwaiti Government sa lahat ng working visa ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa naturang bansa. Kagabi, lumapag ang Oman Air flight WY843 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1… Continue reading 34 OFWs mula Kuwait, nakauwi na sa bansa

Mga kasong isinampa vs. Gentle Hands Orphanage, mino-monitor ng DSWD

Kinasuhan na ng Inter-Agency Committee Against Trafficking Task Force ng Department of Justice (DOJ) ang private orphanage sa Quezon City na Gentle Hands Incorporated (GHI). Ito ay matapos ireklamo ni Ginang Monina Espinosa Roxas na kilala rin sa pangalang Juvy Roxas Espinosa, dahil sa kabiguang ibalik sa kanya ng bahay ampunan ang tatlong menor de… Continue reading Mga kasong isinampa vs. Gentle Hands Orphanage, mino-monitor ng DSWD

Minority Leader Libanan, kinilala si dating Sen. Biazon bilang ‘true Filipino patriot’

Kinilala ni House Minority Leader Marcelino Libanan si dating Senator Rodolfo Biazon bilang isang tunay na ‘Filipino patriot’. Ayon kay Libanan, bagamat nakalulungkot ang pagpanaw ng dating senador ay malaki naman ang pasasalamat nito sa inilaan niyang serbisyo sa bansa. Matapang at laging aniyang handa si Biazon na suportahan at protektahan ang ating kalayaan at… Continue reading Minority Leader Libanan, kinilala si dating Sen. Biazon bilang ‘true Filipino patriot’

DOH, hinikayat ni Sen. Tolentino na payagan ang temporary practice ng mga dayuhang doktor dito sa Pilipinas

Pinakokonsidera ni Senador Francis Tolentino sa Department of Health (DOH) ang pansamantalang pagpapahintulot sa mga dayuhang doktor na makapanggamot dito sa Pilipinas. Ipinaliwanag ng senador, na papayagan lang naman kung sakali ang mga dayuhang doktor na makapanggamot sa limitadong panahon, at hindi naman sila makikipagkompetensya sa mga lokal na doktor sa ating bansa. Ayon kay… Continue reading DOH, hinikayat ni Sen. Tolentino na payagan ang temporary practice ng mga dayuhang doktor dito sa Pilipinas

Bandila ng Pilipinas naka half-mast sa lahat ng kampo ng militar sa pagyao ni dating Senador Biazon

Itinaas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Camp Aguinaldo at sa lahat ng kampo militar sa buong bansa, simula ngayong araw hanggang sa Hunyo 18. Ito ay bilang pagbibigay galang sa dating senador at AFP Chief of Staff Retired General Rodolfo Biazon, na pumanaw kahapon, Hunyo 12.… Continue reading Bandila ng Pilipinas naka half-mast sa lahat ng kampo ng militar sa pagyao ni dating Senador Biazon

36 na PAG sa BARMM, mino-monitor ng PNP

Binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagkilos ng 36 na Private Armed Group (PAG) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na posibleng maka-impluwensya sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., dalawang beses na siyang nagpunta sa BARMM mula nang manungkulan… Continue reading 36 na PAG sa BARMM, mino-monitor ng PNP

Ilang technical at administrative issues, nakikitang dahilan kung bakit ‘di pa natatanggap ng ilang healthcare workers ang kanilang COVID-19 allowance

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na naimapahagi na ang nasa 90 percent ng pondo para sa COVID-19 benefits ng mga healthcare worker. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na base sa natanggap niyang ulat, kung mayroong mga healthcare workers na hindi pa nakakatanggap ng kanilang COVID-19 allowance, ito ay… Continue reading Ilang technical at administrative issues, nakikitang dahilan kung bakit ‘di pa natatanggap ng ilang healthcare workers ang kanilang COVID-19 allowance

Biyahe ng Cebu Pacific mula Albay pabalik ng Maynila, nakansela — CAAP

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanselado ang ilang biyahe ng Cebu Pacific na mula Maynila patungong Daraga sa Albay at pabalik, bunsod ng iba’t ibang dahilan. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, kabilang sa mga biyaheng nakansela ay ang Cebu Pacific flight 5J 326 na mula Daraga pabalik ng Maynila.… Continue reading Biyahe ng Cebu Pacific mula Albay pabalik ng Maynila, nakansela — CAAP

Back-to-school campaign para dagdagan ang enrollees sa BARMM, isinusulong ni Sen. Win Gatchalian

Iminumungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagsasagawa ng pinaigting na kampanyang back-to-school sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), para tugunan ang mababang enrollment sa rehiyon. Batay sa datos mula sa Department of Education (DepEd), 17 lamang sa bawat 100 mag-aaral na pumasok sa Grade 1 noong School Year (2010-2011) ang nakatapos ng Grade… Continue reading Back-to-school campaign para dagdagan ang enrollees sa BARMM, isinusulong ni Sen. Win Gatchalian

Sapat na supply ng mga pangunahing bilihin sa Albay, siniguro ng pamahalaan

Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng mga pangunghing bilihin sa mga lugar na may umiiral na price freeze, partikular sa Albay. Sa gitna pa rin ito ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Sa briefing ng Laging Handa, ipinaliwanag ni DTI Usec. Ruth Castello na bago pa man tumama ang… Continue reading Sapat na supply ng mga pangunahing bilihin sa Albay, siniguro ng pamahalaan