Response cluster ng Pasig LGU, nakaalerto na sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

Nakaalerto na ang response cluster ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong “Mawar” sa bansa. Ayon sa Pasig Public Information Office, on-call na ang mga tauhan upang i-deploy at nag-imbak na rin ng sapat na pagkain at non-food items. Nakahanda rin ang city government na itaas ang alert level… Continue reading Response cluster ng Pasig LGU, nakaalerto na sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

Presyo ng gasolina, posibleng tumaas sa susunod na linggo — DOE

Asahan na naman ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na lingo. Ayon sa source ng Radyo Pilipinas sa industriya ng langis, maglalaro sa P0.90 hanggang P1.20 ang posibleng itaas naman sa kada litro ng Gasolina. Habang posible namang bumaba ng P0.30 sentimos sa kada litro ng diesel. Sa pakikipag-ugnayan din… Continue reading Presyo ng gasolina, posibleng tumaas sa susunod na linggo — DOE

Muntinlupa City LGU, naghahanda na rin sa epektong dulot ng bagyong Betty

Pinulong na ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC). Ito ay bilang paghahanda sa epektong dulot ng Super Typhoon Mawar na tatawaging Betty pagpasok nito sa bansa. Dito, inihayag ng Alkalde na nakahanda na ang lahat ng departamento sa lungsod gayundin ang mga barangay sakaling maramdaman… Continue reading Muntinlupa City LGU, naghahanda na rin sa epektong dulot ng bagyong Betty

City Disaster Risk Reduction and Management Council ng San Juan, handa na sa pananalasa ng bagyong Mawar

Pinulong ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang City Disaster Risk Reduction and Management Council upang paghandaan ang pagpasok ng bagyong “Mawar” sa bansa. Ayon kay Zamora, titiyakin ng lokal na pamahalaan na maayos na gumagana ang pumping stations upang maiwasan ang pagbaha sa mabababang lugar. Tinalakay din sa pulong ang kakailanganin ng mga… Continue reading City Disaster Risk Reduction and Management Council ng San Juan, handa na sa pananalasa ng bagyong Mawar

Agarang pagpasa ng Anti-obesity bill, ipinanawagan ni Sen. Cynthia Villar

Isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang agarang pagpapasa ng isang panukalang batas na layong tugunan ang nakakaalarmang pagtaas ng obesity sa Pilipinas. Layon ng Senate Bill 2230 ng senador, na magkaroon ng komprehensibong nationwide anti-obesity campaign para makontrol at maiwasan ang obesity sa mga Pilipino. Iginiit ni Villar, na mahalaga ang panukala para sa pagtitiyak… Continue reading Agarang pagpasa ng Anti-obesity bill, ipinanawagan ni Sen. Cynthia Villar

Mindoro solon, dismayado sa patuloy na delay sa pagkonekta ng Mindoro sa Luzon grid

Dismayado si Occidental Mindoro Representative Leody Tarriela sa kawalang aksyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hinggil sa pagkonekta ng Mindoro sa Luzon Grid. Ayon sa mambabatas, 2011 pa ipinangako ng NGCP na maikabit ang Mindoro sa Luzon grid at humingi ng P11 billion na pondo, ngunit hindi ginawa. Ikinagalit pa lalo ng… Continue reading Mindoro solon, dismayado sa patuloy na delay sa pagkonekta ng Mindoro sa Luzon grid

Pondo para sa unpaid claims ng OFWs sa Saudi Arabia, hawak na ng kanilang central government

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na hawak na ng Ministry of Finance ng Saudi Arabia ang pondo para sa pagbabayad ng unpaid claims ng mga manggagawang Pilipino. Sa isang virtual conference ngayong hapon, sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople, na nakalagak na sa Ministry ang buong halaga na sasaklaw sa lahat ng… Continue reading Pondo para sa unpaid claims ng OFWs sa Saudi Arabia, hawak na ng kanilang central government

Galvez sa lahat ng ahensya ng gobyerno: “Act as One” sa paghahanda sa bagyong Mawar

Binilinan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na mag “act as one” o magkaisa sa paghahanda sa pagdating ng bagyong Mawar. Sa NDDRMC full council meeting kahapon, binigyang diin ni Galvez… Continue reading Galvez sa lahat ng ahensya ng gobyerno: “Act as One” sa paghahanda sa bagyong Mawar

Re-election ng mga pangulo ng bansa, nais ipanukala ni Sen, Robin Padilla

Pinag-aaralan na ni Senador Robin Padilla ang pagpapanukala na amyendahan ang termino ng mga magiging pangulo ng Pilipinas, para mapahintulutan silang tumakbong muli. Ito ay kasabay ng plano ng senador, na magsulong ng amyenda sa political provision ng Konstitusyon kasunod na rin ng pagkabigong umusad ng una niyang isinulong na economic charter change (cha-cha). Giit… Continue reading Re-election ng mga pangulo ng bansa, nais ipanukala ni Sen, Robin Padilla

BuCor, tatanggap na muli ng mga bisita

Ipinagpatuloy na muli ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbisita sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW), matapos ang mahigit dalawang linggong suspensiyon dahil sa COVID-19. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., wala nang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang dalawang pasilidad. Dagdag pa ng BuCor, mahigpit… Continue reading BuCor, tatanggap na muli ng mga bisita