Konsyerto sa Palasyo, magbibigay pagkakataon sa mga bagong artists na ipamalas ang kanilang talento

Magmumula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga bagong performing artist na magpapamalas ng kanilang talento sa gaganaping Konsyerto sa Palasyo, bukas ng gabi, April 22. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Creative Consultant Cris Villonco na ang inisyatibong ito, bukod sa pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo ng Pilipinas ay magbibigay… Continue reading Konsyerto sa Palasyo, magbibigay pagkakataon sa mga bagong artists na ipamalas ang kanilang talento

Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Nagtalaga ng mga bagong opisyal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) kabilang sa mga itinalaga sina: Executive Director Victorino Manalo sa ilalim ng National Archives of the Philippines. Itinalaga rin si Provincial Trade and Industry Officer Wena Buston, sa ilalim ng Department of… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

OVP Public Assistance Extension Office sa Batangas, makikipag-ugnayan sa LGUs para maipaabot ang serbisyo sa CALABARZON

Nagsimula nang tumanggap ng mga kliyente ang Public Assistance Extension Office ng Office of the Vice President sa Lalawigan ng Batangas. Ayon sa administrator nito na si Bernadette Sabili, hindi lamang mga taga-Batangas ang tinutulungan ng tanggapan dahil marami na rin ang lumalapit mula sa Quezon at Laguna. Kaugnay nito, makikipag-usap si Sabili sa local… Continue reading OVP Public Assistance Extension Office sa Batangas, makikipag-ugnayan sa LGUs para maipaabot ang serbisyo sa CALABARZON

Licensure exams ng PRC, gawin na ring digital ayon sa isang mambabatas

Panahon nang imodernisa ang licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC) gaya ng ginawa ng Korte Suprema sa Bar examination. Ayon kay Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza, kapuri-puri ang repormang ikinasa ng Korte Suprema gaya ng digitization ng Bar exams. Umaasa ang mambabatas, na sa matagumpay na digitized Bar exams… Continue reading Licensure exams ng PRC, gawin na ring digital ayon sa isang mambabatas

Heat index ngayong long weekend, posibleng pumalo sa 49°C

Posibleng umabot sa 49°C ang heat index na mararamdaman partikular sa Cabanatuan City, ngayong long weekend, o sa ika-23 ng Abril, araw ng Linggo. Ang heat index ay ang pinagsamang init o temperatura ng hangin at ang dala nitong moisture, na nararamdaman ng tao. Sa briefing ng Laging Handa sinabi ni PAGASA Dr. Marcelino Villafuerte… Continue reading Heat index ngayong long weekend, posibleng pumalo sa 49°C

Security officer na namemeke ng lisensya, arestado ng PNP-SOSIA

Hawak na ngayon ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang isang security officer matapos maaresto dahil sa pamemeke ng lisensya. Kinilala ni PNP CSG Director, Police Brigadier General Benjamin Silo Jr. ang suspek na si June Reyes Geminiano. Nahuli sa akto si Geminiano na nag-deliver ng pekeng License to Exercise… Continue reading Security officer na namemeke ng lisensya, arestado ng PNP-SOSIA

Problema sa kakulangan ng driver’s license, pinasosolusyunan agad sa DOTr

Pinatutugunan sa lalong madaling panahon ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang kakulangan ng driver’s license sa Land Transportation Office (LTO). Ayon kay Poe, hindi sapat na solusyon ang pagbibigay ng temporary license na naka-print sa papel dahil madali lang itong masira, madaya at makompromiso ang… Continue reading Problema sa kakulangan ng driver’s license, pinasosolusyunan agad sa DOTr

Courtesy resignation ng lahat ng 3rd level officers ng PNP, tapos nang salain ng 5-man advisory group

Natapos na ng 5-man Advisory Group na pinamumunuan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pagsala sa lahat ng 953 courtesy resignation na isinumite ng mga 3rd Level Official ng Philippinr National Police (PNP). Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Red Maranan, ito ay sa pagtatapos ng pang-walo at… Continue reading Courtesy resignation ng lahat ng 3rd level officers ng PNP, tapos nang salain ng 5-man advisory group

Napaulat na data breach sa PNP at iba pang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

Nais ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na maimbestigahan sa Senado ang napaulat na data breach sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno. Inihain ng senador ang Senate Resolution 573, para atasan ang kaukulang komite ng senado na silipin ang naturang pangyayari. Una nang iniulat ng cybersecurity research company na VPNMentor,… Continue reading Napaulat na data breach sa PNP at iba pang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

OPAPRU, nag-host ng isang iftar para sa mga kapatid na Muslim

Naghandog ng isang iftar o breaking the fast ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU). Ito ay habang hinihintay ang opisyal na anunsiyo mula sa Bangsamoro Darul-Ifta kaugnay sa pormal na pagtatapos ng buwan ng Ramadan. Ayon kay OPAPRU Acting Secretary Isidro Purisima, bahagi ito ng kanilang pagtataguyod sa kultura… Continue reading OPAPRU, nag-host ng isang iftar para sa mga kapatid na Muslim