Sen. Nancy Binay sa Dept. of Tourism: Rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Dapat nang rebyuhin ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na aabutin na lang ng lima hanggang anim na taon ang pondo nito. Kabilang sa pinarerebyu ng senador ang ₱1.5 billion na toursim oriented theme project na inaprubahan ng National Economic Development… Continue reading Sen. Nancy Binay sa Dept. of Tourism: Rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, iminungkahi

Iminumungkahi ni Senate Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado ng Nayong Pilipino. Ang rekomendasyong ito ng senador ay kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) na sa mga susunod na lima o anim na taon ay tuluyang mauubos ang pondo ng Nayong Pilipino Foundation (NPF). Batay sa ulat, hanggang nitong katapusan… Continue reading Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, iminungkahi

Pulong nina Pres. Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman, nakatulong na mabigyang-linaw ang unpaid claims ng distressed OFWs

Naniniwala si Migrant Workers Secretary Susan Ople na malaki ang naging epekto ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa APEC Summit noong Nobyembre, kaya nagkaroon ng linaw ang isyu sa unpaid claims ng overseas Filipino workers (OFWs). Ayon kay Ople, base sa mga naunang pag-uusap ay… Continue reading Pulong nina Pres. Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman, nakatulong na mabigyang-linaw ang unpaid claims ng distressed OFWs

Omicron subvariant XBB.1.9.1 sa Pilipinas, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Pilipinas ng mga kaso ng Omicron subvariant XBB.1.9.1, na kumakalat sa buong mundo ayon sa Department of Health (DOH). Batay sa pinakahuling ulat ng biosurveillance ng COVID-19 ng ahensya na inilabas, ang bansa ay mayroong 54 na kaso ng XBB.1.9.1. Ito ay isang sublineage ng XBB na kamakailan ay idinagdag sa listahan ng… Continue reading Omicron subvariant XBB.1.9.1 sa Pilipinas, naitala ng DOH

Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapatibay sa panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng public swimming pools at bathing facilities na magtalaga ng lifeguard. Ang apela ng senador ay kasunod na rin ng naitalang mahigit sa 70 nasawi dahil sa insidente ng pagkalunod nitong Holy Week at bakasyon. Ayon kay Gatchalian, nakakalungkot na ang… Continue reading Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC

Kinuwestiyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pamamaraan ng pagtatanong ng Pulse Asia sa isinagawa nitong survey patungkol sa Mandatory ROTC. Ayon sa kinatawan, hindi aniya maayos ang pagkakalatag ng tanong sa survey. Batay kasi aniya sa survey question, kung “no” ang isasagot ng respondent ay lalabas ito na anti-discipline at unpatriotic. Bukod dito,… Continue reading Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC

Visa fee sa Embahada ng Estados Unidos, nagtaas

Inanunsiyo ng US Embassy sa ating bansa ang pagtaas ng “visa fee” epektibo sa May 30, 2023. Sa advisory na ilabas, itinaas ng US Department of State ang ilang “non immigrant visa” o NIV application processing fees sa buong mundo. Ang application fee ay papalo na mula sa $160 hanggang $185 para sa “visitor’s visa”… Continue reading Visa fee sa Embahada ng Estados Unidos, nagtaas

Pre-construction ng elevated turnback guideway para sa MRT-7, sisimulan na — DOTr

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, ang groundbreaking ng itatayong elevated turnback guideway para sa Metro Rail Transit (MRT) line 7. Sa pamamagitan nito, makakaikot ang mga tren ng MRT 7 na bumibiyahe mula sa San Jose del Monte City sa Bulacan patungong North Triangle Common Station sa North… Continue reading Pre-construction ng elevated turnback guideway para sa MRT-7, sisimulan na — DOTr

Manila lawmaker, hinimok ang bagong mga abogado na pagsilbihan ang kanilang mga hometown

Nagpaabot ng pagbati si Manila Representative Joel Chua sa mga bagong abogado. Kasunod ito ng paglalabas ng Supreme Court ng resulta ng Bar Exams kung saan 3,992 sa 9,183 examinees ang pumasa. Payo ni Chua, na sa pagsisimula ng kanilang bagong papel bilang mga abogado ay magbigay serbisyo sila sa kanilang komunidad at hometown. Mungkahi… Continue reading Manila lawmaker, hinimok ang bagong mga abogado na pagsilbihan ang kanilang mga hometown

Uniform rate sa pagbabayad ng multa sa Single Ticketing System, isinusulong na maipatupad sa buong bansa

Ikinakasa na ng pamahalaan ang nationwide na pagpapatupad ng Single Ticketing System. Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson, Atty. Romando Artes, makaraang ganap nang selyuhan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatupad nito sa Metro Manila. Ayon kay Artes, nag-usap na sila ni Department of the Interior and Local… Continue reading Uniform rate sa pagbabayad ng multa sa Single Ticketing System, isinusulong na maipatupad sa buong bansa