Sen. Joel Villanueva, pinaiimbestigahan rin sa National Security Council ang report tungkol sa diploma-for-sale

Dapat ring imbestigahan ng National Security Council katuwang ang Commission on Higher Education (CHED) ang isyu tungkol sa sinasabing “degree for sale”. Ito ang binigyang diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gitna ng ulat ng pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan at pagbabayad ng hanggang dalawang milyong para sa diploma. Ayon kay Villanueva,… Continue reading Sen. Joel Villanueva, pinaiimbestigahan rin sa National Security Council ang report tungkol sa diploma-for-sale

Whole-of-government approach sa pag-iimbestiga sa diploma for sale sa Cagayan, iminungkahi ni Sen. Bato dela Rosa

Kailangang kumilos ng buong pamahalaan para maimbestigahan ang isyu ng pagdami ng mga estudyanteng Tsino sa Cagayan. Sinabi ni Senate Committee on Public Order Chairman Sebasor Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hindi lang ang Bureau of Immigration ang dapat umakto sa isyu at kailangan ng whole of government approach para dito. Ito lalo na aniya’t may… Continue reading Whole-of-government approach sa pag-iimbestiga sa diploma for sale sa Cagayan, iminungkahi ni Sen. Bato dela Rosa

Mahigit 1-K na tricycle drivers sa Lungsod ng Marikina, maaaring mag-avail ng benepisyo mula SSS

Lumagda sa kasunduan ang Social Security System (SSS) at 17 Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng Barangay Sto. Nino, Marikina City ngayong araw. Layon nitong ilapit ang mga serbisyo at benepisyo ng SSS sa mga tricycle driver sa lungsod. Tinatayang 1,200 na mga tricycle driver ang mabebenepisyuhan ng programa kung saan maaari silang mag-apply… Continue reading Mahigit 1-K na tricycle drivers sa Lungsod ng Marikina, maaaring mag-avail ng benepisyo mula SSS

DepEd, kinondena ang pagpaslang sa Grade 8 student sa Agoncillo, Batangas

Mariing kinokondena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa isang Grade 8 student mula sa Agoncillo, Batangas. Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin ang ahensya para sa pamilya at kaibigan ng biktima. Ayon sa DepEd, ang ganitong uri ng hindi makataong gawain ay walang lugar sa ating mga komunidad, lalo na sa… Continue reading DepEd, kinondena ang pagpaslang sa Grade 8 student sa Agoncillo, Batangas

Tara, Basa Tutoring Program, inilunsad ng DSWD sa Samar

Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Tara, Basa! Tutoring Program sa Samar ngayong araw. Ang naturang programa ay pinahusay na educational assistance ng ahensya. Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang paglulunsad ng Tara, Basa! Tutoring Program. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng programa upang masugpo ang learning… Continue reading Tara, Basa Tutoring Program, inilunsad ng DSWD sa Samar

Mga magsasaka, mangingisda, pinatutulungan na makapag pa-rehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA)

Nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Agriculture (DA) na asistehan ang mga magsasaka at mangingisda na makapag rehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang maka benepisyo sa fuel subsidy ng pamahalaan. Bunsod na rin ito ng panibagong taas presyo sa produktong petrolyo. Ayon kay Lee, matagal… Continue reading Mga magsasaka, mangingisda, pinatutulungan na makapag pa-rehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA)

Mga bata dapat mabakunahan kontra Hepa B para maiwasan ang liver cancer outbreak

Photo courtesy of House of Representatives FB page

Binigyang diin ni dating Health Secretary at House Deputy Majority Leader Janette Garin ang kahalagahan na mabakunahan ang mga bata kontra Hepatitis B. Ito ay upang maiwasang magkaroon ng liver cancer outbreak sa 2042. Aniya 30 porsyento ng mga nahahawa ng Hepatitis B ay hindi bakunado at nauuwi sa Hepatocellular Carcinoma na isang nakamamatay na… Continue reading Mga bata dapat mabakunahan kontra Hepa B para maiwasan ang liver cancer outbreak

Mas mataas na budget para sa 2025, isinusulong ng DA

Isinasapinal na ng Department of Agriculture (DA) ang budget proposal nito para sa taong 2025 na nakatutok sa modernisasyon ng farm at fisheries sector sa bansa. Ayon sa DA, sa isang consultative meeting kasama ang ilang agricultural groups, iprinisenta na nito ang inisyal na P513-B budget proposal ng kagawaran para sa taong 2025, na mas… Continue reading Mas mataas na budget para sa 2025, isinusulong ng DA

House Speaker, ipinaabot ang pagbati kay PBBM matapos mapasama sa Time Magazine’s 100 Most Influential People in 2024

Binati ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isa sa kaniyang maituturing na tagumpay kasunod ng pagkakasama sa 100 Most Influential People ngayong 2024 ng Time Magazine. Ayon kay Romualdez, ipinapakita lang nito ang dedikasyon ng Pangulo para isulong ang interes ng bansa at siguruhin ang mas magandang bukas para… Continue reading House Speaker, ipinaabot ang pagbati kay PBBM matapos mapasama sa Time Magazine’s 100 Most Influential People in 2024

Lebel ng tubig sa anim na Luzon dams, bumaba

Patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa mayorya ng mga dam sa Luzon na binabantayan ng PAGASA Hydromet Division. Kabilang dito ang Angat dam na nabawasan ng 40 sentimetro kaya bumaba pa sa 192.52 meters ang lebel ng tubig batay sa update kaninang alas-sais ng umaga. Ito ang may pinakamalaking tapyas sa tubig… Continue reading Lebel ng tubig sa anim na Luzon dams, bumaba