Tara, Basa Tutoring Program, inilunsad ng DSWD sa Samar

Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Tara, Basa! Tutoring Program sa Samar ngayong araw. Ang naturang programa ay pinahusay na educational assistance ng ahensya. Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang paglulunsad ng Tara, Basa! Tutoring Program. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng programa upang masugpo ang learning… Continue reading Tara, Basa Tutoring Program, inilunsad ng DSWD sa Samar

Mga magsasaka, mangingisda, pinatutulungan na makapag pa-rehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA)

Nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Agriculture (DA) na asistehan ang mga magsasaka at mangingisda na makapag rehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang maka benepisyo sa fuel subsidy ng pamahalaan. Bunsod na rin ito ng panibagong taas presyo sa produktong petrolyo. Ayon kay Lee, matagal… Continue reading Mga magsasaka, mangingisda, pinatutulungan na makapag pa-rehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA)

Mga bata dapat mabakunahan kontra Hepa B para maiwasan ang liver cancer outbreak

Photo courtesy of House of Representatives FB page

Binigyang diin ni dating Health Secretary at House Deputy Majority Leader Janette Garin ang kahalagahan na mabakunahan ang mga bata kontra Hepatitis B. Ito ay upang maiwasang magkaroon ng liver cancer outbreak sa 2042. Aniya 30 porsyento ng mga nahahawa ng Hepatitis B ay hindi bakunado at nauuwi sa Hepatocellular Carcinoma na isang nakamamatay na… Continue reading Mga bata dapat mabakunahan kontra Hepa B para maiwasan ang liver cancer outbreak

Mas mataas na budget para sa 2025, isinusulong ng DA

Isinasapinal na ng Department of Agriculture (DA) ang budget proposal nito para sa taong 2025 na nakatutok sa modernisasyon ng farm at fisheries sector sa bansa. Ayon sa DA, sa isang consultative meeting kasama ang ilang agricultural groups, iprinisenta na nito ang inisyal na P513-B budget proposal ng kagawaran para sa taong 2025, na mas… Continue reading Mas mataas na budget para sa 2025, isinusulong ng DA

House Speaker, ipinaabot ang pagbati kay PBBM matapos mapasama sa Time Magazine’s 100 Most Influential People in 2024

Binati ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isa sa kaniyang maituturing na tagumpay kasunod ng pagkakasama sa 100 Most Influential People ngayong 2024 ng Time Magazine. Ayon kay Romualdez, ipinapakita lang nito ang dedikasyon ng Pangulo para isulong ang interes ng bansa at siguruhin ang mas magandang bukas para… Continue reading House Speaker, ipinaabot ang pagbati kay PBBM matapos mapasama sa Time Magazine’s 100 Most Influential People in 2024

Lebel ng tubig sa anim na Luzon dams, bumaba

Patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa mayorya ng mga dam sa Luzon na binabantayan ng PAGASA Hydromet Division. Kabilang dito ang Angat dam na nabawasan ng 40 sentimetro kaya bumaba pa sa 192.52 meters ang lebel ng tubig batay sa update kaninang alas-sais ng umaga. Ito ang may pinakamalaking tapyas sa tubig… Continue reading Lebel ng tubig sa anim na Luzon dams, bumaba

Reklamo ukol sa ‘wiper boys’, tinugunan ng QC LGU

Agad inaksyunan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang reklamo ng ilang motorista sa mga kalalakihang umiikot sa Quezon Avenue para sapilitang maglinis ng windshield ng mga sasakyang nakahinto sa traffic light.                                                                                                                  Batay sa reklamo, bigla na lamang lalapit ang “Wiper Boys” sa mga sasakyan at bubuhusan ng tubig na may sabon ang mga… Continue reading Reklamo ukol sa ‘wiper boys’, tinugunan ng QC LGU

Presyuhan ng baboy sa Pasig City Mega Market, nananatiling mataas

Nananatiling matumal ang bentahan ng karne ng baboy sa Pasig City Mega Market bunsod na rin sa mataas na presyo nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nabatid na nasa P320 ang presyo ng kada kilo ng kasim habang nasa P380 ang kada kilo ng liempo. Gaya sa Marikina Public Market, tila ito na ang prevailing… Continue reading Presyuhan ng baboy sa Pasig City Mega Market, nananatiling mataas

DMW, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 3 OFW na nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa UAE

Ipinaabot ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge, Usec. Hans Leo Cacdac ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE). Sa isang pahayag, tiniyak din ni Cacdac ang buong tulong at suporta na kanilang ibibigay sa mga pamilyang naulila ng… Continue reading DMW, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 3 OFW na nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa UAE

Militar, namagitan sa sagupaan ng 2 armadong grupo sa Maguindanao del Norte

Matagumpay na namagitan ang militar at Coordinating Committee on the Cessation for Hostilities (CCCH) sa sagupaan ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Matilac, na dating sakop ng bayan ng Pigcawayan sa SGA-BARMM. Ito’y matapos na personal na kausapin ni 6ID Assistant Division Commander at CCCH Chairman Brigadier General Nasser Lidasan ang mga pinuno ng dalawang… Continue reading Militar, namagitan sa sagupaan ng 2 armadong grupo sa Maguindanao del Norte