Makati City Mayor Abby Binay, nagbigay ng pahayag ukol sa naging desisyon ng korte sa paglilipat ng 10 barangay ng Makati sa lungsod ng Taguig

Nagbigay ng pahayag si Makati City Mayor Abby Binay ukol sa naging desisyon ng Korte Suprema sa paglilipat ng nasa 10 barangay mula sa Ikalawang Distrito ng Makati sa Lungsod ng Taguig. Sa kanyang naging mensahe sa isang video message, sinabi ng alkalde na hinihintay na lamang nila ang kopya ng naging desisyon ng Korte… Continue reading Makati City Mayor Abby Binay, nagbigay ng pahayag ukol sa naging desisyon ng korte sa paglilipat ng 10 barangay ng Makati sa lungsod ng Taguig

Psoriasis, pinasasama sa coverage ng Universal Health Care Law

Umaasa ang isang party-list solon na uusad ang inihaing Psoriasis Bill upang maisama ang psoriasis sa sakop ng Universal Health Care Law. Ito’y kasunod ng pagdalo ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes sa katatapos lamang na International Federation of Psoriasis Associations (IFPA) Forum sa Singapore. Aniya, naka-antabay at nakatingin ngayon ang ibang mga bansa sa… Continue reading Psoriasis, pinasasama sa coverage ng Universal Health Care Law

Toll Regulatory Board, inaprubahan na ang taas-singil sa Cavitex

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang taas-singil sa isang toll road ng Cavite Expressway o Cavitex. Sa inilabas na datos ng TRB, ₱2 ang itataas ng toll ng Cavitex mula Coastal Road hanggang Parañaque, Las Piñas, Zapote Exit. Mula ₱33 ay magiging ₱35 na para sa Class 1 vehicles. Sa Class 2 vehicles… Continue reading Toll Regulatory Board, inaprubahan na ang taas-singil sa Cavitex

Bansang France, nais pang dagdagan ang pagkakaroon ng maritime interaction sa Pilipinas

Nais ng bansang France na madagdagan pa ang maritime interaction sa Pilipinas para sa pagsusulong ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region. Ayon kay outgoing French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz, nais ng kanilang bansa na mas mapalawak pa ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng mas maraming maritime interactions para sa pagsusulong ng kapayapan sa sa… Continue reading Bansang France, nais pang dagdagan ang pagkakaroon ng maritime interaction sa Pilipinas

Dragon Boat simulation activity, isinagawa sa Marikina City bilang paghahanda sa ika-63 Palarong Pambansa

Nagsagawa ng Dragon Boat Simulation Activitiy ang Lungsod ng Marikina bilang paghahanda sa Palarong Pambansa sa katapusan ng Hulyo. Isinagawa ang naturang simulation activity sa Marikina River kung saan dinumog ito ng mga namamasyal at nag-eexercise sa naturang lugar. Ayon kay Marikina City Mayor Marci Teodoro, ito’y upang masiguro ang kahandaan ng naturang venue kung… Continue reading Dragon Boat simulation activity, isinagawa sa Marikina City bilang paghahanda sa ika-63 Palarong Pambansa

Kilo/S Kyusi Charity Bazaar, inilunsad ng QC LGU

Binuksan na sa publiko ang KILO/S KYUSI o “Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan” na Charity Bazaar ng pamahalaang Lungsod ng Quezon. Pinangunahan mismo ni QC Mayor Joy Belmonte ang Grand Opening ng naturang bazaar sa Inner Lobby ng High Rise Building ng Quezon City Hall ngayong umaga. Tampok rito ang pre-loved at… Continue reading Kilo/S Kyusi Charity Bazaar, inilunsad ng QC LGU

Bicol solons, kinondena ang pagpaslang sa 2 pulis sa Oas

Kapwa nagpaabot ng pakikiramay sina Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa pagkasawi ni Chief Master Sergeant Joseph Ostonal. July 9 nang pagbabarilin sina Ostonal at Cpl. Jeffrey Refereza ng dalawang salarin habang nagpapatrolya. Ani Co, kaisa sila sa pagkondena sa pagpatay sa mga pulis at nanawagan para… Continue reading Bicol solons, kinondena ang pagpaslang sa 2 pulis sa Oas

Kadiwa ng Pangulo, nagbukas sa Malabon

Umarangkada na rin ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ Diskwento Caravan sa Camanava. Ngayong araw, isa sa mga nagbukas ang Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Baritan Sports Complex sa Malabon City. Dito, makabibili ang mga residente ng mga sariwang gulay na mula sa mga magsasaka sa Nueva Ecija. Kabilang sa iniaalok rito ang puting sibuyas na mabibili… Continue reading Kadiwa ng Pangulo, nagbukas sa Malabon

Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling umakyat sa minimum operating level

Patuloy na nakatutulong ang mga pag-ulan para sa pagtaas ng antas ng tubig sa ilang pangunahing dam kabilan na ang Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila. Sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division, as of 6am, muling umangat sa 180 meters na minimum operating Level ang Angat Dam. Aabot sa… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling umakyat sa minimum operating level

Halos 30,000 indibidwal, apektado ng habagat at bagyong Dodong — DSWD

Aabot na sa 9,922 pamilya o katumbas ng halos 30,000 indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng bagyong Dodong at ng habagat. Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 16, ay naitala ang mga apektado sa Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol… Continue reading Halos 30,000 indibidwal, apektado ng habagat at bagyong Dodong — DSWD