Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

Natapyasan na naman sa magdamag ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay bumaba pa sa 196.01 meters ang lebel tubig sa Angat Dam. Nabawasan pa ito ng 17 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 196.18 meters bagamat mas mataas pa rin sa minimum… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

2 suspect sa pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal, pinaghahanap na

Pinagana na ng Philippine National Police (PNP) ang ‘Oplan Cobweb’ para tutukan ang pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal kahapon.  Kinilala ng Angono Municipal Police Station ang biktima na si Pems Ignacio Santos na nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) Detective Special Operations Unit (DSOU) sa Camp Crame.  Lumabas sa inisyal na… Continue reading 2 suspect sa pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal, pinaghahanap na

PSA, nagbabala vs. pekeng social media account ng Nat’l Statisticial and Civil Registrar General

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng Facebook account na ginagamit ang pangalan ng National Statisticial and Civil Registrar General (NSCRG). Sa isang pahayag, inabisuhan ng PSA ang publiko na huwag magtiwala sa mga matatanggap na mensahe mula sa online poser na nagpapanggap para makapag-solicit ng pera. Paglilinaw… Continue reading PSA, nagbabala vs. pekeng social media account ng Nat’l Statisticial and Civil Registrar General

LTO, pinaalalahanan ang mga motorista sa nalalapit na pagpapatupad ng single-ticketing system sa NCR

Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na ilang araw na lang ay lalarga na ang single-ticketing system sa Metro Manila. Pitong lokal na pamahalaan ang bahagi ng inisyal na rollout nito sa May 2 kabilang ang San Juan City, Quezon City, Parañaque, Manila, Muntinlupa, Valenzuela, at Caloocan. Ayon kay LTO Assistant Secretary… Continue reading LTO, pinaalalahanan ang mga motorista sa nalalapit na pagpapatupad ng single-ticketing system sa NCR

COVID positivity rate sa NCR, umakyat pa sa 12.3% — Octa

Muli na namang tumaas ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila. Sa datos mula sa independent monitoring group na OCTA Research, umakyat pa sa 12.3% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong April 25. Mas mataas ito kumpara sa naitalang 8.1% noong nakalipas na linggo. Nangangahulugan itong bahagyang tumaas ang… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, umakyat pa sa 12.3% — Octa

Ikinakasang imbestigasyon ng Kamara sa kakapusan ng suplay ng drivers license cards, welcome sa LTO

Handang makipagtulungan ang Land Transportation Office (LTO) sa Kamara kung sakali mang imbestigahan nito ang kakulangan ng plastic identification cards para sa lisensya ng mga nagmamaneho. Kasunod ito ng inihaing House resolution ni Bagong Henerasyon partylist Representative Bernadette Herrera na nagsusulong na siyasatin ang nabanggit na kakulangan at umano’y mabagal na pag-iisyu ng driver’s license.… Continue reading Ikinakasang imbestigasyon ng Kamara sa kakapusan ng suplay ng drivers license cards, welcome sa LTO

Isyu ng korapsyon sa paghahain ng Estate Tax Amnesty, dapat munang solusyunan bago palawigin ang batas tungkol dito — Sen. Gatchalian

Bukas si Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa panukala na palawigin ang Estate Tax Amnesty period. Gayunpaman, binigyang diin ni Gatchalian na kailangan munang tugunan ang isyu ng korapsyon sa mga tax collecting agencies ng bansa. Ibinahagi ng senador na marami kasing nagrereklamo na pinapahirapan silang mag-apply ng Estate Tax… Continue reading Isyu ng korapsyon sa paghahain ng Estate Tax Amnesty, dapat munang solusyunan bago palawigin ang batas tungkol dito — Sen. Gatchalian

Anti-drugs panel ng Kamara, bigong mapiga si dating Police Master Sgt. Mayo sa isyu ng 990-kilo drug haul

Bigo ang mga mambabatas na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pasalitain at makakuha ng impormasyon mula kay dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. Sa pamamagitan ng teleconferencing ay humarap si Mayo sa inquiry ng komite tungkol sa kinasangkutan nitong 990-kilo shabu buy bust. Ang naturang halos isang toneladang shabu… Continue reading Anti-drugs panel ng Kamara, bigong mapiga si dating Police Master Sgt. Mayo sa isyu ng 990-kilo drug haul

K to 12 program, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo na gawing “K + 10 +2”

Isang bagong K to 12 program ang itinutulak ni dating Pangulo at ngayon at Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Sa pulong ng House Committees on Basic Education and Culture at Higher and Technical Education kaugnay sa panukalang pagpapalakas sa technical, vocational and livelihood curriculum ng senior high school, inilatag ni SDS Arroyo ang kaniyang… Continue reading K to 12 program, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo na gawing “K + 10 +2”

137 arestado ng CIDG sa unang araw ng intensified anti-criminality campaign ng bagong PNP Chief

Umabot sa 137 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa unang araw ng pagpapatupad ng Intensified Anti-criminality Campaign na ipinag-utos ng bagong PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Iniulat ni CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat na bilang pagtupad sa direktiba ng PNP Chief, nagsagawa sila… Continue reading 137 arestado ng CIDG sa unang araw ng intensified anti-criminality campaign ng bagong PNP Chief