Combined Joint Littoral Live Fire Exercise, isasagawa ngayong umaga sa Zambales

Ngayong umaga isasagawa ang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise sa San Antonio, Zambales, na “highlight” ng Balikatan 38 – 2023. Ang pagsasanay ay katatampukan ng paggamit ng High Mobility Rocket System (HIMARS) para tamaan ang target sa karagatan. Dito’y palulubugin ang isang lumang barko ng Philippine Navy, ang BRP Pangasinan (PS-31), na gagawing target… Continue reading Combined Joint Littoral Live Fire Exercise, isasagawa ngayong umaga sa Zambales

PNP Chief Acorda, nagsagawa ng kanyang unang Command Conference

Matapos pormal na manungkulan kahapon bilang ika-29 na Philippine National Police (PNP) Chief, nagpatawag ng isang Command Conference kaninang umaga si PNP Chief General Benjamin Acorda. Pasado alas-9 ng umaga sinimulan ang Command Confernce na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng PNP. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan, dito ibinahagi… Continue reading PNP Chief Acorda, nagsagawa ng kanyang unang Command Conference

Taguig Love Caravan na may libreng Hearing Aid, Libreng medical at dental checkup, isinasagawa

Abiso sa mga residente ng Taguig dahil merong libreng medical checkup at dental sa kanilang syudad ngayong araw. Ito ay ginaganap ngayon sa Maharlika habang may ganito ring programa sa April 27, 2023 sa Katuparan atApril 28, 2023 sa Pinagsama. Ayon sa Taguig LGU layon ng Taguig Love Caravan na maiparating ang mga serbisyong medical,… Continue reading Taguig Love Caravan na may libreng Hearing Aid, Libreng medical at dental checkup, isinasagawa

DSWD Sec. Gatchalian, nakipagpulong sa BSP para sa digitalisasyon ng mga transaksyon sa ahensya

Nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Regional Operations and Advocacy SectorDeputy Governor BernadetteRomulo-Puyat hinggil sa usapin ng digitalisasyon sa cash transactions sa ahensya. Kabilang rito ang posibilidad ng contactless na distribusyon ng financial assistance ng ahensya gaya nalang ng Assistance to Individuals in… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, nakipagpulong sa BSP para sa digitalisasyon ng mga transaksyon sa ahensya

Kadiwa pop-up store, muling nagbukas sa Brgy. Talipapa

Muli na namang tinangkilik ng mga residente ng Brgy. Talipapa sa Quezon City ang pagbabalik ng Kadiwa Pop-Store sa kanilang lugar. Ngayong Martes, ipinwesto naman sa Pleasantville Covered Court ang pop-up store na nagbukas kaninang alas-6 ng umaga. Dahil sagana ang suplay ng gulay ngayon, ay nananatiling mura ang mga paninda rito gaya nalang ng… Continue reading Kadiwa pop-up store, muling nagbukas sa Brgy. Talipapa

DICT, telcos, muling magpupulong para desisyunan kung palalawigin pa ang SIM registration period

Muling magsasagawa ng pulong ngayong araw ang mga opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang mga kinatawan mula sa public telecommunication entities (PTEs) para pagpasyahan kung palalawigin pa o hindi na ang sim card registration. Kung hindi ie-extend ay hanggang sa miyerkules nalang o sa April 26 ang deadline para sa… Continue reading DICT, telcos, muling magpupulong para desisyunan kung palalawigin pa ang SIM registration period

Araling Panlipunan, MAPEH, pag-iisahin sa revised K-to-12 curriculum

Lilikha ang Department of Education (DepEd) ng bagong learning area para sa Kindergarten hanggang Grade 3 sakaling maisakatuparan ang revised curriculum sa bansa. Batay sa general shaping papers o draft ng revised K-to-12, pagsasamahin ang social studies, kultura, sining, at kalusugan na tatawaging SIKAP o Sibika, Kultura, Kasaysayan at Kagalingang Pangkatawan. Sinabi ng DepEd na… Continue reading Araling Panlipunan, MAPEH, pag-iisahin sa revised K-to-12 curriculum

Mga magulang, kanya-kanyang diskarte para protektahan ang mga anak na estudyante sa matinding init

Iba-iba ang paraan ngayon ng mga magulang dito sa Quezon City para bantayan ang kanilang mga estudyanteng anak sa gitna ng napakainit na panahon. Sa Project 6 Elementary School, ilan sa mga nakapanayam ng RP1 team na magulang ay aminadong nag-aalala na sa epekto ng mainit na panahon sa kanilang mga anak. Ayon kay Nanay… Continue reading Mga magulang, kanya-kanyang diskarte para protektahan ang mga anak na estudyante sa matinding init

“Air Assault Exercise,” isinagawa ng AFP, US Military at Australian Defense Force

Nagsagawa ng Air Assault Exercise ang Armed Forces of the Philippines (AFP), US military, at Australian Defense Force sa Paredes Air Station, Barangay 32 Sapat, Pasuquin, Ilocos Norte nitong linggo. Bahagi ito ng Balikatan 38 – 2023 Joint Military Exercise na nilahukan ng 81 sundalo ng 99th Infantry Battalion, 7th Infantry Division, ng Philippine Army,… Continue reading “Air Assault Exercise,” isinagawa ng AFP, US Military at Australian Defense Force

“El Niño Team,” binuo ng NDRRMC

Bumuo ng “El Niño Team” ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) para tutukan ang tagtuyo na inaasahang makaka-apekto sa bansa sa huling bahagi ng 2023 hanggang sa unang bahagi ng 2024. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Raffy Alejandro, alinsunod ito sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad… Continue reading “El Niño Team,” binuo ng NDRRMC